Chapter 15

197 7 0
                                    

Chapter 15

We might use this

Nakatitig ako kay Calix na payapang natutulog sa aking kama. Dalawang araw na simula noong nagpumilit siyang dito matulog sa aking apartment. Naalala ko tuloy ang nangyari noong pasko.

"Wait here. I'll just get my clothes." Aniya at kumalas sa yakap niya sa akin. Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko.

Pinilit kong kumalma ngunit nang mapagtanto ko ang kung anong sinabi niya ay sumiklab nanaman ang kaba sa aking dibdib. Anong damit ang sinasabi niya? Damit niya na pampalit ngayong araw na ito?

Gulantang-gulanta ako nang makita ang bag niyang kinuha niya sa kanyang sasakyan. "Ano ang laman n'yan?" Tanong ko, kinakabahan sa ideyang mga damit niya iyon.

"My clothes." Napamura ako sa aking isip. Naghihisterya na ang aking sistema.

"Ano.. bakit.. bakit ang dami ata?" Ngumuso siya. "I decided to stay here for a while. Wala dito si Jamie, and you're alone."

Sinundan ko siya sa pag pasok niya sa aking kwarto at binaba ang gamit niya sa aking kama.

"Calix, you don't have to do this."

"But I want to." Aniya na nakapagpatahimik sa akin. Lumapit siya sa akin at tinitigan ang mata ko.

"Please?" Pagmamakaawa pa niya sa akin. Tila ba may pumunit sa puso ko dahil sa tono niya sa akin.

"Bakit? Kaya ko ang mag-isa. At isa pa, hindi rin naman palaging nandito si Jamie. Pumunta ako dito nang nag-iisa, tumira ako nang nag-iisa kaya sanay ako."

"But that doesn't mean you're okay being alone. Come on, Ynah.. I want to be your company. And I wanted to make sure you're safe."

Napapikit ako sa mga sinabi niya. Tumalikod ako ngunit humarap ulit sa kanya.

"Calix, hindi ko maintindihan. Bakit mo ginagawa ito? Are you really hitting on me?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Tumitig siya sa akin. Tila kinakalkula ako. Napapikit siya nang mariin at nakitaan ko ng kalituhan ang mga mata niyang madalas ay may pagkamatalim na tumingin.

"I'm not." Sagot niya at umiwas ng tingin sa akin. Umigting ang panga niya, tumataas baba ang balikat niya sa kanyang malalalim na hininga.

"But please, allow me to do this. Huwag na natin itong pagtaluhan pa."

Wala akong nagawa. Kahit hindi ako sigurado sa pagpayag ko ay ginawa ko. Kaya ngayon ay narito siya sa aking kama at mahimbing pa ang tulog.

Pipikit sana akong muli ngunit nagising ang diwa ko nang gumalaw siya't higitin ako para ikulong sa kanyang bisig.

Napapikit ako. Sumiklab ang inis ko sa kanya nang maalala na ayaw niyang umalis sa tabi ko. Double-deck ang kama ko ngunit ayaw niyang umakyat sa taas. Kesyo hindi raw siya sanay na ganoon kakitid ang kanyang kama.

Sa inis ko sa kanya ay buong lakas ko siyang itinulak ngunit mas kinulong niya lang ako sa bisig niya. "Calix!" Inis kong sigaw sa kanya at pinagpapalo ang dibdib niya.

Narinig ko ang pagtawa niya sa nangyayari. "Isa, Calix, sasampalin talaga kita!" Gigil na gigil na ko pero mas lalo lang siyang humagalpak sa tawa.

Pinagtutulak ko siya nang maramdaman ko ang pagkiliti niya sa tiyan ko. Halos mahulog ako sa kama dahil doon pero pumaibabaw siya sa akin at muli ay kiniliti ako. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa ginagawa niya sa akin. Ilang mura ang lumabas sa bibig ko habang natatawa dahil sa kiliti niya sa akin.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon