Chapter 29

161 6 6
                                        

Chapter 29

Cheated

Kinabukasan pagpasok ay humingi ako ng paumanhin kay Matthew sa lahat ng nangyari. Jamie's not with me yet. Kailangan pa kasi ng daddy niya ng assistance. His dad's not well yet that's why he's in charge of the resort.

At dahil valid naman ang reason niya ay ako na mismo ang nag explain sa mga prof namin. At ito na lang naman ang kailangan naming ipasa.

"It's done." ani Matthew at pinakita ang final design ng aming shirt. Kinuha ko iyon sa kanya at tiningnan.

"Pa-print na natin mamaya? Para makuha na agad natin. Tutal next meeting na ang pasahan." aniya. Tumango ako at ibinalik sa kanya ang copy.

Nagtext ako kay Calix kung anong gagawin ko. He's in the class right now. Sabi ko nga ay mamahinga pa siya ngunit ayaw niyang 'wag pumasok.

Hindi agad ako nakakuha ng reply sa kanya ngunit nagpasya na akong sasama kay Matthew.

"So.. are you two good?" Ani Matt nang naglalakad na kami papunta sa shop. Pinigilan ko ang pagkagulat sa tanong niya.

"Yup.." matapos kong sampalin si Calix at ma-guilty ako nang subra-sobra ay sa tingin ko lang ay dapat akong tumigil sa mga naiisip ko sa kanya. Whoever that girl is.. wala na akong paki doon. If she's dear to him for she's his friend ay hindi ko na iyon pakikialaman pa.

Tama na iyong pagbintangan ko siya ng masama. Tama na iyong pareho kaming nasaktan dahil ayokong masaktan ko siya.

Halos dalawang oras ang lumipas hanggang sa matapos ang pinaprint namin ay wala pa rin akong natatanggap na kahit anong text mula sa kanya. Nagsisimula na rin akong mag-alala at mainis dahil kahit anong gawin kong tadtad ng text at calls sa kanya ay wala akong natanggap.

Itatago ko na lang sana ulit ang cellphone ko nang mag vibrate ito. Dali-dali ko iyong binuksan sa pagbabakasakaling kay Calix galing ang message ngunit nadismaya lang ako nang pangalan ni Lana ang bumungad sa akin.

Lana:

Ate, where are you?

Tumaas ang kilay ko sa pagtawag niya sa akin ng "ate". Hindi ko pinansin ang reply niya dahil sa inis na nararamdaman kay Calix.

"Uuwi ka na ba?" Ani Matthew na halos malimutan ko nang kasama ko pa rin pala. Tinago ko ang cellphone ko pagkasagot sa tanong ni Lana.

"Hindi. Babalik muna akong Annex. Hahanapin ko si Calix." Saad ko sa kanya. Ilang segundo pa niya akong tiningnan bago tumango.

"Samahan na kita.." aniya. Mabilis akong umiling para tanggihan ang alok niya. Bukod sa ayoko na maging abala sa kanya ay ayoko rin na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa kanila ni Calix.

"I'm afraid you'll get in trouble again." Ngumiti ako sa kanya. Ngumuso siya sa akin at dahan-dahang tumango.

"See you tomorrow, then." Aniya.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay dumiretso ulit akong annex. Bago ako dumiretso sa loob ng building ay nakita ko ang iba niyang barkada.

"Gabriel, nasaan si Calix?" Nilibot ko ng tingin ang iba pa niyang kasama, balak ko sana na si Aeron ang tanungin ngunit wala ito. He's probably with Aisha.

"Umalis e." Nagtiim bagang ako. I wasn't even told he's leaving!

"Saan nagpunta? Sinong kasama niya? Is he with your other friends?" Gabriel puffed his cigar at ibinuga ang usok pagkatapos.

"I don't know where he's heading off, Ynah."

"Okay.." I keep myself calm as I excused myself.

Muli ko siyang tinawagan at nakailang ring ito bago niya tuluyang sagutin.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon