Chapter 11

186 7 0
                                        

Chapter 11

Sasamahan kita

Pagkarating namin doon sa mukang bahay nila Aeron ay marami na ang mga nagparadang sasakyan. Tiningala ko ang bahay nila, their house is huge! Malaki ang bahay namin pero mas malaki ito.

I wonder kung anong business ang pinapatakbo nila.

Hindi ko na hinintay si Calix at binuksan ko na agad ang pinto ng sasakyan niya at bumaba na.

Sa labas pa lang ay rinig ko na ang tawanan ng mga barkada niya. Bigla ko tuloy naalala si Jamie. Sana ay narito din siya, because if he's here I'm sure he'd like this. Ang dami kayang lalaki.

Napalingon ako kay Calix nang biglang dumausdos ang kamay niya sa aking baywang. Napangisi pa siya sa akin nang lingunin ko siya ng masama.

Umiling na lang ako at hindi na nakipagtalo pa. Pagkapasok namin sa loob ng pinto ng bahay nila Aeron ay agad rin silang nag ingayan nang makita kaming dalawa.

Halos umusok ang pisngi ko nang makita ang makahulugang tingin sa akin ni Aisha, ang girlfriend o kung ano pa man ni Aeron.

At dahil si Aisha lang naman ang pinaka kilala ko sa kanilang lahat ay doon ako sa tabi nya tumabi. Gustuhin ko mang sapakin ng mabuti si Calix ay hindi ko magawa dahil sa dami ng tao. Nang magsimula ang party ay mayroon kaming lahat na hawak na drinks. "This would be our first time." Ani Aisha at nang mag-cheers kaming lahat at sabay sabay lumagok ay kita ko ang pag ngiwi niya. Napangiti ako.

"Someday you'll get used to it." saad ko dahil iyon naman ang totoo, ganoon din kasi ako nung unang nakainom ako. Nang lumaon ang gabi ay nagka-kwentuhan kaming dalawa ni Aisha hanggang sa tanungin niya ako kung anong meron sa amin ni Calix. Napatawa ako.

"We're nothing, okay?" saad ko sa kanya. "How about you and Aeron?" saad ko pa, kita ko ang pagpula ng pisngi niya. "Still courting?" habol ko pang tanong. Ngumiti lamang siya sa akin. I guess kung hindi pa sila ay malapit na niya itong sagutin.

Lumalim pa ang gabi at mahahalata na may tama na ng alak ang iba dahil sa mga nagsasayawan na sila sa lakas ng music. Kita ko din ang pag hila ni Aisha kay Aeron papunta sa taas. Naiwan tuloy ako dito sa upuan at ayos lang naman iyon sa akin. Tinignan ko na lang ang iphone ko at nakita ang mga missed calls at ilang texts sa akin ni papa.

Papa:

Anak, wala ka dito, nasaan ka?

Sabik na sabik ang mama mo sayo, Ynah. Bakit ang tigas ng puso mo, anak?

May iniwan kaming carbonarra sa fridge mo. Mag ingat ka pauwi.

Kinunot ko ang noo ko dahil sa kirot na naramdaman ko sa aking puso. I missed papa. Iyon ang totoo, gustong-gusto ko siyang makita ngunit hindi ko magawa.

"Hey.." agad kong tinago ang phone ko nang sumulpot si Calix. Nakitaan ko ng pag aalala ang mata niya. "Gusto mo na bang umuwi?" ngumiti ako sa kanya at umiling. "Maaga pa naman. Mag enjoy ka muna kasama ang mga kaibigan mo." after all, it's a thanks to him. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nasa harapan ako ng taong may dulot ng sakit na nararamdaman ko.

Ngumuso siya sa akin at naupo sa tabi ko. Binigyan nya ako ng bote ng San Mig, inabot ko naman iyon at lumagok.

"Do you have plans for tomorrow?" Aniya. Napasimangot ako. Anong gagawin ko bukas? Hindi naman ako uuwi sa San Miguel. Wala rin naman si Jamie. Malamang sa malamang ay sa bahay lang ulit ako. Ayoko namang mag night out kung mag isa lang ako.

"Wala. Ikaw?" Now that he mentioned it, nagtataka tuloy ako kung bakit hindi pamilya niya ang kasama niya ngayong Christmas Eve? "Where's your family? Bakit hindi sila ang kasama mo?" Tanong kong muli nang hindi siya sumagot.

"Oh, Ynah Marie's trying to get information about my family huh?" Sumilay sa kanyang namumula na labi ang mapaglaro niyang ngisi. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Bakit ikaw hindi mo rin kasama ang family mo?" Nagkakatitigan kaming dalawa sa pagbalik niya ng tanong sa akin. Is he trying to get information about it?

"Sinong sasagot sa atin?" Ngumisi siya sa akin dahil sa tanong ko. Hindi ko nakuhang ngumisi pabalik.

Nag iwas ako ng tingin at lumagok muli sa aking iniinom. Nagpasalamat akong hindi na siya muling nagsalita tungkol doon.

Nang lumaon ang gabi ay nagpasya nang magsi-uwian ang lahat.

"Bye, Ynah. Next time ulit, okay?" Paalam nila sa akin. Tumango ako at ngumiti.

"So there's next time.." narinig kong saad ni Calix. Nakangisi siya kaya ay inirapan ko na lang. Paglabas namin sa bahay nila Aeron ay agad na nanuot sa akin ang lamig ng simoy ng hangin.

Pinulupot ko ang aking magkabilang kamay sa aking braso nang maramdaman ko ang init ng katawan ni Calix sa akin. Inakbayan niya ako at pilit na inilalapit ang katawan ko sa kanya.

Diretso lamang siyang nakatingin sa mga kaibigan niya habang mga nag uusap usap pa sila. Gusto ko sanang tanggalin ang nakapalupot niyang kamay sa akin ngunit ay hindi ko maikailang gusto ko ang init niya.

Besides he smells good.

"Alright, see you brah." Aniya kala Aeron at nakipag fist bump sa kanila bago kami pumihit papunta sa sasakyan niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at nang makaupo ako ay siya pa ang nag ayos ng seatbelt ko tsaka siya pumihit sa kabilang side ng sasakyan niya.

Pagsakay niya ay inistart na niya ang engine at sandaling may kinuha sa likod. Pagka ayos niya ng upo ay may inabot siya sa akin, "In case you're cold.." nagkibit balikat siya at ibinigay na sa akin ang jacket niya. Napangiti ako.

Sa buong byahe ay nasa hita ko lang naman ang jacket niya hanggang sa makarating kami sa apartment ko.

"Tara muna sa loob." Aya ko sa kanya. Tumango siya at sabay na kaming bumaba ng sasakyan. Inilock niya ang sasakyan niya bago kami pumasok sa loob.

Nakapatay ang mga ilaw at tanging labas lang ng apartment ang bukas. Nasiguro kong wala nga sila dito dahil sa tahimik na ang buong bahay.

Dumiretso agad ako sa kusina at nagtimpla ng kape para kay Calix. "Magpapalit lang ako." Nag toothbrush lang ako at naghilamos at nagpalit ng underwear at sleeveless at pjs.

Inaayos ko ang mga gamit ko nang bumukas ang pinto. Damn! Kung makakalimutan kong narito si Calix ay baka napasigaw na ako.

"Can I sleep here?" Aniya. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakaapila. Sasagot na sana ako nang muli siyang magsalita.

"Scratch that. I'll sleep here." Aniya at dumiretso sa aking kama, naupo at hinubad ang sapatos niya at agad na nahiga pagkatapos.

Aba't! "Hoy! Sinong nagsabi sayong pwede kang matulog--"

"Wala. Worry no more about the door it's locked already." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ginagago ata talaga ako nito! Mabilis akong lumapit sa kanya at hinila ang kamay niya nang bigla niya rin akong hilahin pabalik.

Napasubsob ako sa dibdib niya at ganoon na lang kabilis nang pumaibabaw siya sa akin at mahigpit akong idiniin sa kama.

Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Mas lalo pa niya akong idiniin nang pinilit kong gumalaw at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

May kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabasa at napatulala na lang ako doon, nanghina ang mga kamay ko at tila nawalan ng lakas para manlaban.

Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko at umalis sa ibabaw ko at tumayo para isarado ang pinto ng kwarto at patayin ang ilaw. Binuksan niya ang lamp shade sa gilid at tsaka humigang muli.

Tumagilid siya sa akin at ganoon din ang ginawa ko at tinignan siya ng masama.

"You're not allowed to sleep here, Calix." Saad ko.

"I know. But I can't leave you alone. Pagbawalan mo man ako o hindi, sasamahan kita."

Natahimik ako sa sinabi niya hindi dahil sa inis o gulat. Kundi dahil sa may kung anong humaplos sa aking dibdib, at dahil sa mga nagwawalang paru-paro sa aking tiyan.

"Now, can we sleep already?" Hindi ako tumango o umiling. Nanahimik ako at tinitigan ang mga mata niyang mapungay dahil sa kaantukan na unti-unti ay pumikit.

"Good night, Calix."

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon