Chapter 14

188 8 2
                                    

Chapter 14

My pleasure

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkaka-ilang sa lamesa. Tanging ingay mula sa paglalapag ng mga plato ang bumabasag ng katahimikan.

Tumikhim ang kuya ni Calix kaya napatingin ako sa kanya. Nasa kabilang dulo siya ng lamesa, sa kabilang dulo naman na malapit kay Calix ang daddy niya. Katabi ko si Calix at ang mom niya ang katapat ko at ang ate naman niya ang katapat niya.

"Who's the girl, brother?" Aniya. Nakangisi ito kay Calix. Napatingin ako kay Calix at kung paano nagtiim ang panga niya. Humigop siya ng malalim na hininga at pinakawalan iyon.

"This is Ynah Marie." Seryoso ang tingin niya sa kapatid niya at kitang kita ko ang inis sa mata niya.

"Your girl?" Nakangising tanong ng kuya niya. Tumingin ako kay Calix ngunit hindi siya sumagot. Umiigting ang panga niya marahil ay sa inis.

Kumurba ng pilosopong ngisi ang kuya niya. Tumayo ito at lumapit nang bahagya sa akin. "I'm Lance Fernandez, Ms. Ynah Marie." Anito at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at akmang hahalikan ang likod ng palad ko nang marinig namin ang mura ni Calix.

Napahinto ang kuya niya sa gagawin nito. Tumagilid ang ulo nito at napangisi nang pilyo. "Lance, stop it." Seryosong sabi ng kanyang ama. Ngumuso si Lance at dahan-dahang ibinaba ang kamay ko.

Tumawa nang bahagya ang mommy ni Calix at tumingin sa akin, tila humihingi ng pasensya.

"Sorry about that, Ynah. Minsan talaga ay ganyan lang mag biruan ang dalawa na 'yan." Ngumiti ako sa kanya at umiling. Biruan ba iyon? I don't think so. "Ayos lang po iyon." Tumingin ako kay Calix at seryoso pa din ang ekspresyon niya. Bumaba ang tingin ko sa kamao niyang madiin na nakatikom na nakapatong sa hita niya.

"It's nice to see you, Calix and your girlfriend here." Ani kanyang ama. Napakagat ako sa aking labi. Matigas pa rin ang ekspresyon ng mukha niya nang tinapunan niya ng tingin ang kanyang ama.

"It's nice to see you too, dad." Aniya. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may diin ang pagkakasabi niya doon. "So, you're using the Hilux?" Ani kanyang ama.

Tumango si Calix. "I'm glad you're using it. It might get old kung hindi mo gagamitin."

"Talagang maluluma. E, hindi ba't minsan lang kayo umuwi dito?" Sarkastikong sagot ni Calix. Hindi nakasagot ang daddy niya, "Kelan pala kayo umuwi?" Ani Calix sa kanyang ama at tumingin din siya sa kanyang kuya.

"Last night. I was looking for you, kaya lang ay wala ka." Ani kanyang kuya. Ngumisi si Calix.

"Sorry, we celebrate the Christmas Eve with our friends." Sa wakas ay naramdaman ko rin na medyo na wala na ang diin sa boses niya.

"We? You mean, you and her?" Ani kuya niya at tumingin sa akin. Tumango ako sa kanya. "Yep." Tanging sagot ni Calix.

Kumurbang muli ang labi ng kuya niya at ngumisi sa akin. "Let's eat?" Ani mama ni Calix at nagsimula nang sumandok sa mga niluto niya.

Kauna-unahan niyang nilagyan ng pasta ang aking plato. "Ubusin mo yan, iha. Magpakuha ka na lang kay Lix kung gusto mo pa." Tumango ako at tumingin kay Calix na ngumiti sa akin. Hindi ako nakangiti pabalik sa kanya, tinitimbang ko kung okay lang ba siya. Kalaunan ay ngumiti na lang din ako pabalik sa kanya at sinimulan ang pag-kain.

"How was it?" Ani mama ni Calix nang sumubo ako ng carbonara. Nilunok ko iyon bago nagsalita.

"It tastes good po.."

Narinig ko ang ngisi ng kuya ni Calix. "Of course, mom, sasabihin niyang masarap. Alanganamang sabihin niyang hindi." Napatawa kami na bahagya sa sinabi niya.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon