Chapter 24

166 6 3
                                    

Chapter 24

This year

Naging abala kami sa paghahanda sa bagong taon. Tumulong ako sa pag linis ng bahay at ganoon din si Lana kahit halatang hindi sanay sa gawaing bahay. Ayaw nga rin siyang patulungin ng mama niya. Napapairap na lang ako dahil kaya hindi siya sanay ay hindi siya pinaglilinis talaga.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang pagpunas sa mga muwebles. Ni hindi man lang niya pinunasan ang suluk-sulok ng mga kagamitan.

"Tabi nga diyan." Ani ko sa kanya. Kinagat niya ang labi niya nang tumabi siya para makaraan ako.

"Ilang taon ka na ba?" Matabang kong tanong sa kanya at nagsimula muli iyong punasan.

"S-seventeen." Nagtiim bagang ako. Seventeen huh? So it happened within a year. I was one and almost a half year old when she left us.

I'm 19 now and she's 17. Ang bilis naman niyang nakahanap sa loob lamang ng ilang buwan sa Canada?

"Seventeen and not used to doing chores." Sambit ko at umiling. Mama must be doing all the things to treat her daughter like a princess.

Nang gumabi na ay lumipat na ang mga pinsan ko sa amin para magsimula sa pag celebrate ng New Year's eve.

May mga light drinks doon at wine and all my cousins are here.

"Ynah!" Ani Gelo at nakipag toast ng baso na may lamang wine.

Usual spaghetti strap at high wasted shorts ang suot ko. Tahimik ako sa table kung saan naroon din ang iba ko pang pinsan habang naghihintay sa pagsapit ng bagong taon.

Inip na inip ako. Gusto ko nang umuwi sa apartment ko para makita si Calix.

"So, are you finally close with your sister?" Masama kong tinapunan ng tingin si Gelo dahil sa tanong niya. Ngumisi siya sa akin nang makita ang inis kong mukha.

"Shut up." Umiling siya sa akin at natawa. Binaling ko ang tingin ko sa cellphone ko at nakita ang text sa akin ni Calix.

Calix:

See you later, sweetheart.

Napakagat ako sa labi ko nang mabasa iyon.

Ako:

I'll be waiting for you, sweetie.

"Damn. Ynah's smiling!" Nabaling ang tingin ko kay Gelo na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin. Napansin ko na lahat ng pinsan ko ay nakatingin sa akin.

Ang gago talaga nitong si Gelo!

"Oh my.. speaking of! Do you have a boyfriend, cous?!" Ani Erin. Namimilog na rin ang mata ni Venice dahil roon.

Napansin ko ang pag lingon sa akin ni papa dahil sa narinig. Nasa kabilang table sila ni mama at Lana. Umiwas ako ng tingin kay papa at binalingan ko ang mga pinsan ko.

"Gel, wag kang uminom mabuti. Ihahatid mo pa ako mamaya sa apartment ko." Pag iba ko ng topic sa kanila.

Nanliit ang mata ni Gelo sa akin. "Iniiba mo pa ang topic. Siguro magkikita kayo ng boyfriend mo mamaya." Tukso nito sa akin.

Sa inis ko ay sinipa ko sya sa ilalim ng lamesa. Halos murahin niya ko sa ginawa ko ngunit tinawanan ko na lang siya at umalis doon para kumuha ng pagkain.

Ilang oras pa ang lumipas at nagpuputukan na sa labas dahil sa pagsapit ng bagong taon.

Lumabas na rin ako para manood ng mga fireworks na hinanda namin.

"Happy New Year!" Sigaw nilang lahat at ako ay nanahimik lamang sa isang tabi. This is so different.

Ngayon lang ako hindi naging active sa mga gantong salu-salo. "Picture muna!" Anila Venice. Nagsama sama kaming magpipinsan at naghandang ngumiti.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon