Chapter 16
Stuck
Nakaramdam ako ng paghaplos sa aking pisngi kaya napadilat ako. Pagkadilat ko ay mukha ni Calix ang bumungad sa akin.
"Nandito na tayo." Umayos ako ng upo at naghikab pa. Tumingin ako sa paligid at napansin ang mga halaman na nakapalibot sa lugar. Napatingin ako sa bahay na mukhang mayroong dalawang palapag.
Modern type ang bahay ngunit ang features nito ay parang old type na kung ako ay tatanungin ay nagustuhan ko.
Para bang kay sarap tirhan nito dahil parang ang peaceful. Payapa rin ang buong lugar kaya't talagang mamamangha ka.
"This is our vacation house. Matagal na rin noong huli kong punta dito." Ani Calix. Naglahad siya ng kamay sa akin at tinulungan akong makatayo.
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko maikakailang sobrang yaman pala talaga nila.
Nanliit ang mata ko sa kanya, napatingin siya sa akin tila nagtataka.
"You brought your exes here before?" Nagtaas siya ng kilay sa akin at umismid sa akin.
"Wala pa kong dinadala dito. You're the first girl I've brought in here.." Umawang ang bibig ko sa kanya at narinig pa ang bulong niya, "And you're not even my girlfriend."
Akala niya ata ay hindi ko narinig ang sinabi niya. Napangisi ako sa kanya ar tinulungan siyang magbitbit ng gamit namin.
May sumalubong sa amin na matandang babae na sa tingin ko ay nasa around 60 na, bumati siya kay Calix. At si Calix naman ay nagmano dito. "Hijo, naghanda na rin ako ng lunch ninyo."
Nagmano ako dito katulad ni Calix, ngumiti ito sa akin at ganoon rin ako. "Si manang Elsa, Ynah. Siya ang naglilinis dito kapag kami ay pupunta. Madalas ay siya din ang naglilinis every month at namamahala dito para hindi dumumi ang bahay." Tumango ako at bumati sa kanya.
Nang makapasok kami sa loob ay namangha ako sa ganda nito. The floor is wooden type. Kulay barnis ang kulay nito katulad ng kulay nito sa labas ng bahay. Nang nilibot ko ang aking paningin ay namangha ako lalo, tila ba puro antiques ang mga muelbes roon na bumagay sa theme ng bahay.
"Ma'am.." anito, halos yumuko ako para sa pagtawag nito sa akin sa ganoong paraan. "Ynah na lang po, manang."
Tumango ito sa akin at ngumiti. "Halika kayo at ituturo ko ang kwarto ninyo." Anito at iginiya ako sa itaas.
May tatlong kwarto sa itaas at may veranda rin ito.
"Nilinis ko na rin iyang kwarto mo, malinis na rin ang mga kumot at beddings. Puwede mo ring gamitin ang aparador para sa inyong mga damit." Tumangu-tango ako sa kanya.
"Salamat po!" Inilibot ko ang tingin sa kwarto. Sakto lamang ang laki niyon. "Hijo, ito ang kwarto mo." Ani manang Elsa at iginiya si Calix sa kabilang kwarto. Naiwan ako roon at nahiga sa kama.
Ang akala ko ay magho-hotel kami ni Calix! Handa na rin ang pera ko sa pakikipag hati sa kanya ngunit dito niya ako dinala.
Hindi ako nagrereklamo, ang totoo ay natuwa pa ako. Bukod sa wala kaming masyadong magiging gastos ay napaka peaceful ng lugar nila.
Napatingin ako kay Calix na ngayon ay nasa pinto at nakakurba ang labi habang matiim akong tinititigan.
"Hijo, kung may ipagagawa ka ay tumawag ka lang sa telepono. Babalik ako dito bukas para sa pagkain niyo." Narinig kong sabi ni manang Elsa.
"Hindi na, manang. Aalis din naman kami ni Ynah para mamasyal. Baka sa labas na lang kami kumain. Tatawagan ko ho kayo sa makalawa para maicheck niyo nang mabuti ang bahay bago kami umuwi."

BINABASA MO ANG
Chase and Catch
General FictionSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...