Chapter 21

153 7 3
                                        

Chapter 21

Forgive her

Sa pangatlong araw namin sa Tagaytay ay maaga pa lang ay nag ayos na kami para tumulak pabalik ng Bulacan.

Padausdos pa akong nahiga sa kama ko pagkauwing pagkauwi. Hindi ko alam kung ba't pagod na pagod ako gayong buong byahe ay natulog lang naman ako.

"Ynah, what's your plan for tomorrow? Uuwi ka ba sa inyo?" Umayos ako ng higa nang marinig ko iyon kay Calix. Inayos ko ang nagsiharang na buhok ko sa aking mukha.

"I still don't know, Calix. Maybe?" Though I'm still not sure. Pero gusto kong bumisita para makapagbigay regalo kay papa.

Magsasalita pa sana si Calix nang tumunog ang phone niya. Kumunot ang noo niya bago niya 'yon sagutin.

"Hello? Yup, we're home. Kakadating lang.. yeah.." tumingin siya sa akin at ilang sandali siyang natahimik.

"I'm not sure." Ngumuso siya at napailing.

"What?" Madiin ang pagkakasabi niya na iyon at umigting ang panga niya. "Okay, tell mom I'll be there." Ilang segundo pa siya tumitig sa screen ng phone niya at tsaka tumingin sa akin.

"Anong meron?" Sabi ko. Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin.

"I need to go home.." iyon lang ang sinabi niya at nag iwas ng tingin. Para bang takot na malaman ko ang dahilan kung ba't niya kailangang umuwi.

Gusto kong tanungin kung anong problema ngunit labas ako doon. Pamilya nila iyon at girlfriend niya lamang ako.

"Okay. Sa pasukan na lang tayo ulit magkikita." umawang ang bibig niya sa tono ng boses ko. Tumayo ako para lang makaiwas doon.

Para bang ang lungkut-lungkot ko noong binanggit ko iyon! Ibig kong sampalin ang sarili ko dahil sa tono ng boses ko. Pakiramdam ko ay sobrang clingy ko na dapat ay hindi naman.

"Just text me when you get there." Saad ko pa at tsaka nagbukas ng drawer para lang may mapagkaabalahan. Hindi ko gusto ang inaakto ng katawan ko. Hindi ko gusto na ganito ako kaapektado.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at hinarap ako sa kanya. Tinaas niya ang baba ko at tinitigan ang mga mata ko.

"I love you." Napigilan ko pa ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako sumagot, sa halip ay niyakap ko lamang siya.

I can't believe that I'm so this attached to him. I am so attached, I think it's a sin.

"Text me." Sabi ko pagkabitaw ko sa kanya. Tumango siya sa akin na hindi pa rin inaalis ang tingin sa aking mga mata.

"Okay. I'll be back." Tumango din ako sa kanya at bago pa siya umalis ay inangkin niya muna ng ilang sandali ang mga labi ko.

Naka shirt at shorts at sneakers lang ako nang magpunta ako sa mall. Hindi ko sinabi kay Calix na aalis ako dahil ayokong malaman niyang bibili ako ng regalo.

May ilan pa nga akong kaklase na nakasalubong. "Uy, Ynah! Blooming mo ngayon." Ani Jessa. Ngumiti ako sa kanya at kinamusta siya bago pumihit papunta sa accessories para bilhan ng regalo si Calix.

Habang namimili pa ako ay iniisip ko pa kung magugustuhan niya. Sana ay oo. Siya pa lang kasi ang unang lalaking reregaluhan ko kaya't kinakabahan ako.

Pagkatapos ay dumireto na ako sa men's section para bumili ng damit at shorts para kay papa. Nang makapili ako ay dumiretso agad ako sa cashier para makapagbayad.

Ganito kasi lagi ang nakagawian ko. Tuwing New Year ay may regalo siyang natatanggap mula sa akin. Kaya ngayon ay bibili ako. Napagdesisyunan ko nang umuwi bukas para makasama ko kahit sandali si papa.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon