Chapter 13
Walang ka-emo-emosyon
Long sleeves na puti ang sinuot ko at tinuck-in iyon sa slacks ko. Pinarisan ko ng heels ang suot ko at ipinusod ko nang mataas ang buhok kong mahaba. Mayroon pa kaming 20 minutes para sa susunod na misa at hinihintay ko na lang si Calix dahil tapos na akong gumayak.
Nagpipisik ako ng pabango nang may kumatok sa pinto. Mabilis akong lumabas ng kwarto at tinungo ang pinto. Kamuntik pa akong matapilok sa suot kong sapatos sa pagmamadali ko. The hell am I excited about?
Pagbukas ko ay naka tukod ang kamay niya sa gilid ng pintuan at nakataas ang kilay sakin at nakakurba ang labi. Iniwas ko ang tingin sa mukha niya at tinignan ang suot niya. Naka three-fourths siyang dark blue at nakatuck-in din iyon sa fitted pants niyang itim at naka black na sneakers.
"Let's go?" Aniya. Tumango ako sa kanya. Tumalikod ako at kinuha ang pouch ko at tsaka lumabas kasama siya. Ang mga tao sa mga apartment ay nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa nakaramdam ako ng hiya.
Pinagbukas niya ako ng pinto bago siya umikot papunta sa driver's seat. Mabilis lang kaming nakarating sa simbahan dahil malapit lang naman iyon sa apartment ko. Marami nang tao sa loob ngunit saktong nakahanap kami ng upuan.
Ilang sandali pa ay nag simula na ang misa. Tahimik akong nakikinig sa mga seremonyas nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Kumunot ang noo ko sa kanya, ngunit seryoso ang tingin niya sa pari. Pilit kong kinalas ang kamay ko ngunit mas lalo niya lang iyong hinigpitan.
May kung anong kiliti akong naramdaman sa aking tiyan habang ramdam na ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanyang kamay. Ayoko mang aminin ngunit talagang nagugustuhan ko ang init niya.
Sa huli ay pinabayaan ko na lang siya. Nang sumapit na ang pagbibigay kapayapaan sa isa't isa ay lumapit siya sa akin at bumulong sa aking tainga.
"Peace be with you, sweet heart. And Merry Christmas." Kinagat ko ang ibabang labi ko sa tawag niya sa akin.
"Peace be with you, Calix. But stop calling me sweet heart, please. And Merry Christmas."
Napatawa siya nang bahagya sa sinabi ko at napangiti na lang ako.
Natapos ang misa at ang akala ko ay uuwi na agad kami sa apartment ko ay sa ibang direksyon siya gumawi.
"Where are we going?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"It's a secret." Papuntang San Miguel ang tinatahak naming daan kaya kabang kaba ako.
"Calix, don't you fucking dare go to my--"
"Where do you think we're going?" Aniya. Hindi ako kumibo.
"Relax, we're meeting my family." Mabilis kong naitikom ang bibig ko sa sinabi niya. Init na init ang pisngi ko nang mapagtanto ang naging reaksyon ko.
Pero mas dumoble ata ang kaba ko nang mapagtanto ko din ang sinabi niya. "W-what? We're meeting your family?" Tumango siya sa akin.
"Eh, bakit kasama ako? I'm not even part of your family. Hindi ba dapat ay kayo lang ang magkasama-sama kasi pasko at buo kayong pamilya?" Mahaba kong lintya sa kanya ngunit hindi siya sumagot.
"Dapat ay hinatid mo na lang ako sa apartment ko. I can spend my day there, hindi problema sa akin kung mag isa ako. Hindi problema sa akin kung wala akong kasama."
Nakita ko ang pag igting ng panga niya sa sinabi ko.
"Ynah, I want you to come with me. I want you to be with me. I don't want you to spend this Christmas being alone in your apartment."
BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Narrativa generaleSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...