Chapter 9

200 7 2
                                        

Chapter 9

All yours

Panay ang tukso sa akin ni Jamie nang pagkauwi namin sa bahay. Gustung-gusto ko siyang sabunutan dahil ayaw akong tigilan ng lintik.

"Ateng, ha? Hindi ka nagku-kwento." Binato ko siya ng unan dahil ayaw niya tumahimik.

"Tumigil ka nga, Jamie! Sasapakin na kita, e." Ang walang hiya ay tinawanan lang ako.

Grrr. Gusto ko ring sabunutan ang sarili ko dahil sa nangyari. Papaanong nangyaring hinayaan ko siyang haplusin ang buhok ko at makalapit sa akin ng ganoong kalapit na halos yakapin na niya ako? Paano?

Pinilig ko ang aking ulo at inalis na lang iyon sa isip ko.

Sa mga sumunod na araw ay panay ang text sa akin ni Calix at laging nangungumusta. Kung nakikita nga lang niya ako ay siguro ay na-offend ko na siya dahil sa tuwing babasahin ko ang mga texts niya ay napapairap ako.

Calix F:

Are you busy? You're not replying.

Hindi ko alam kung pang ilang beses ko nang umirap sa kawalan nang mabasa ko ang pang ilan niyang text sa araw na ito.

Ako:

Why do you keep on texting me?!

Siguro naman ay alam niyang bwisit na bwisit na ako sa kanya dahil sa text ko sa kanya. Maya maya lang ay nagreply na siya.

Calix F:

Because I want to. :)

Mas lalo tuloy akong nainis sa reply niya.

"Alam mo, ateng. Ako ang nahihilo sa kakairap mo, eh. Siya, see you sa New Year!"

Binitawan ko ang iphone ko at tinuon ang pansin kay Jamie.

"Baka naman may nakalimutan ka pa?" Uuwi kasi siya ng Manila at aasikasuhin ang business nila, doon rin siya magpapalipas ng pasko at sasalubong ng bagong taon.

"Hmp. Ayaw mo pa kasing sumama! Maiiwan ka dito mag isa. Ayaw mo namang umuwi sa inyo."

Ngumuso ako. Pinipilit niya kasing sumama ako sa Manila sa kanya pero ayoko. Gusto ko kasing makapag celebrate siya kasama ang pamilya niya. Ayoko namang makihati pa sa oras niya para sa pamilya niya.

"Ayos nga lang ako. Pwede naman akong makipagkita sa mga pinsan ko o sa mga kaibigan natin."

Bumuntong hininga si Jamie at nagtaas ng kilay.

"Hindi ka ba talaga uuwi sa inyo? Magpakita ka naman doon kahit sa papa mo man lang. Alam kong miss na miss ka na niya."

Miss na miss ko rin siya at yun ang totoo.

"Titingnan ko. O sige na, umalis ka na. Uwian mo na lang ako!" Humalakhak ako sa kanya at ganoon din siya.

Niyakap niya ako at bumeso sa pisngi bago nagpaalam.

Napaupo na lang ako at napatingala.

Damn it! Parang gusto kong magsisi na hindi sumama kay Jamie. I'm fucking lonely here. Walang maingay, walang nakikipagtawanan sa akin, wala kong nababatukan kapag ginagago na niya ako.

At... wala akong matawag na pamilya. Wala si papa. Walang magluluto ng favorite kong pasta para sa Christmas Eve, wala akong kasamang gumawa ng graham cake, wala akong kasamang magpapaingay ng torotot at kasamang manuod ng mga fireworks sa pagsalubong sa bagong taon.

Wala akong kasama.

Agad kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mata nang biglaang may kumatok sa pinto. Jamie must have left something!

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon