Chapter 42
I still do
Calix paid for lunch, hindi na ko umangal pa. Napansin din siguro nila ang pananahimik ko buong lunch namin. Hindi na din nag reply si Matthew sa text ko. I don't know if he's busy or he's avoiding me. In 8 years, at sa ilang beses na pagtanggi ko sa kanya ay ngayon lang siya umiwas sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I'm feeling guilty. Matt's really good but I just can't give him the love he deserves.
Minsan ay tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi na lang si Matthew, pero wala akong maisagot sa tanong ko. I'm not over Calix yet. I don't even know when will I be able to.
Bumabyahe na ulit kami at nasa front seat pa rin ako. Napapansin ko na din ang ilang pag sulyap sa akin ni Calix ngunit hindi ko siya tinatapunan ng tingin.
Napapaisip ako kung paano nga ba kung sila? Sa loob ng walong taon ay hindi ako nakialam sa buhay ni Calix. Ni kumusta ay hindi ko ginawa. Wala akong kaalam alam sa buhay niya.
Nang sabihin niya sa akin na hindi pa kami nagtatapos ay ayaw kong paniwalaan at ayaw ko nang pagtuunan ng pansin. Ang pag giba ko sa pader na aking tinayo para protektahan ko ang puso ko noon ay isang pagkakamali, sumugal ako sa pag ibig ko sa kanya, at ayaw ko na sanang sumugal pa ulit ngayon.
Pumikit na lamang ako sa pagbabakasakaling hilahin ako ng antok.
Nang maramdaman kong nakahinto na ang sasakyan ay unti unti akong dumilat. Nang makita ko ang padilim na langit at ang mga puno sa kapaligiran ay napagtanto kong nasa San Miguel na kami. Ilang beses akong pumikit pikit at napatingin sa driver's seat kung saan naroon si Calix.
"We're here." Aniya. Tumango ako at dahan dahang bumangon. Tumingin ako sa likod at nakita na payapang natutulog ang kapatid ko.
"Lana, wake up. We're here." Saad ko. Bahagyang dumilat ang kapatid ko at bumangon sa pagkakahiga.
Bumaling ako kay Calix at sinusuri niya ako ng tingin.
"Thank you. Pakibukas na lang din ng trunk para makuha ko ang mga gamit namin." Saad ko sa kanya at kinalas ang seat belt. Hindi siya umimik kaya naman ay bumaba na ako ng sasakyan.
Pagkababa ko doon ay nakita ko na may dalawang sasakyan pa ang naroon. Kumunot ang noo ko. May bisita ba kami?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kay Lana at nag iinat siyang bumaba ng sasakyan. Kinusut-kusot niya ang kanyang mata at tumingin din sa mga sasakyan.
"They're here, kuya. Dad's here." Narinig kong bulong ng kapatid ko. Sumibol ang kaba sa aking dibdib nang mapagtanto kung sino ang narito.
Pinanood ako ni Calix kaya naman dumiretso ako sa trunk ng sasakyan at kinuha ang mga gamit roon.
Narito rin kaya ang mga kapatid ni Lana? Magkikita kaya kami ni Lance? Shit! Sana ay makayanan ko! Dahil bumabalik ang lahat sa akin. I still remember the time na narinig ko ang pag uusap nila ni ate Xandra regarding sa pagkuha ng apelyido ni Lana. Na maaaring masaktan sila ng mommy nila.
Ngunit sa loob ng walong taon ay kailanma'y hindi ko narinig na minaltrato siya ni tita Carmen. I don't know if Lance treat her right, though. Ngunit nagpapasalamat ako sa Diyos dahil wala akong nababalitaang masama tungkol sa kapatid ko.
And if Lance and ate Xandra's here, ay hindi ko alam kung paano sila haharapin. The last time I've seen their faces ay noong mahuli ko si Calix at Trisha, I still remember Lance's evil smile at me, at ang awa sa mukha ni ate Xandra.
"Are you alright?" Napatalon ako sa gulat nang sumulpot sa gilid ko si Calix. Napakagat ako sa ibabang labi at hindi na lang siya pinansin. Tinulungan niya ako sa pagbuhat ng gamit ni Lana at hinayaan ko na lang siya doon.

BINABASA MO ANG
Chase and Catch
General FictionSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...