Chapter 10
I'd rather
Masakit ang ulo ko pagkagising ko kinabukasan. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko ang ibang pinagkalatan namin ni Calix na hindi ko na naligpit dahil sa kalasingan.
Magdamag ay nagiinuman kaming dalawa at hindi ko maiwasang mapahiya dahil sa mga nasabi ko sa kanya.
"The day I saw you with Athena, hindi ba kayo natuloy mag sex?" At nakuha ko pa talagang tumawa. But his emotions were unfathomable. Ni hindi malinaw sa isip ko kung galit ba siya sa akin dahil hindi maipinta ang muka niya sa tuwing tumatawa ako dahil sa kalasingan.
Napapikit ako ng mariin nang may naalala pa.
I can feel too much heat because of the beers that I had. Naka ilang can na ba ako?
Sa dami ng nainom ko ay hindi na malinaw ang pag iisip ko. Napapapikit na ako dahil sa kaantukan at dahil na rin sa kalasingan.
"Kayo.. kayong lahat na hindi makuntento sa isa..dapat hindi na lang kayo nagpapakita ng motibo sa amin na kami ang mahal niyo para hindi na kami umasa at masaktan." Humalakhak ako sa pagpigil ng luha.
"Dapat hindi ka na lang bumalik sa buhay namin ni papa! Dapat hindi ka na lang nagpakita ulit.. hindi ka kuntento sa amin noon kaya sabihin mo, bakit bumabalik ka ngayon?" Tumigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang tumulo kong luha. Napapikit ako ng mariin nang makaramdam ako ng pagkakahilo.
"Damn it. At dahil doon, I'm gonna celebrate Christmas Eve tomorrow, alone."
"Hey.." narinig kong saad niya at naramdaman ang paghaplos sa braso ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa alak pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa paghaplos niya sa akin. I somehow like his warmness.
"Ynah, you're drunk. Let's get you to your bed."
Napahalakhak ako sa kanya. "Carry me, then." idinilat ko ang mga mata ko nang maramdaman ang kamay niya sa bandang hita ko at ang isa ay sa likod.
Nagtama ang paningin namin at nakita ko ang pag igting ng panga niya. Ngumiti ako sa kanya at pinulupot ang mga braso sa kanyang batok.
"You're really handsome but you're hella flirt." Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin habang buhat ako. This is the first time I got carried by a guy.
Hindi niya pa rin inaalis ang titig niya sa akin hanggang sa maingat niya akong ibinaba sa kama at kahit naibaba na niya ako sa kama ay hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko batok niya.
I really like the features of his face. Lalong lalo na ang mga mata niya. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang manipis. Nakita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya at pag igting ng panga niya.
"Ynah.." huminto siya sa pagsasalita at pumikit ng mariin. Even the lashes of his eyes were perfect.
"I have to go." Umawang ang bibig ko at bumitaw sa kanya. Pumikit ako at nakaramdam ng hiya. What the hell?
Ngunit kahit nakapikit ako ay naramdaman ko ang paglagay niya sa akin ng kumot at hinaplos ang aking pisngi.
"I'll be back tomorrow. Goodnight."
Napailing ako sa naalala ko. What the fuck, Ynah! What was that? Ako ba iyon? Ginawa ko ba talaga iyon? That was his fault! Kung hindi lang siya nagdala ng mga inumin ay hindi mangyayari iyon.
No.. it's your fault, Ynah! Sana tumigil ka sa pag inom noong una pa lang!
Inalis ko iyon sa aking isipan kahit nabubuwisit pa rin ako. Alas dos na ng hapon at wala pang kalaman-laman ang tiyan ko kaya agad akong naligo at lumabas para bumili ng pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/32655246-288-k571323.jpg)
BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Genel KurguSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...