Chapter 28
Heartaches
Kinagabihan ay sobra ang kaba at takot ko dahil sa taas ng lagnat ni Calix. Alas dose mahigit na ay gising pa din ako dahil sa inaantabayanan ko ang lagnat niya.
Iniisip ko kung tatawagan ko si Jamie ngunit ang maisip na may pinoproblema siya at sasabay pa ako ay hindi ko na lang ginawa.
Napatingin ako sa kanya nang dumilat siya. Mabilis ko siyang tinabihan at kinapa ang kanyang noo. Napailing ako dahil walang pagbabago ang init niya.
"Shall I call your mom?" Mahina kong tanong sa kanya. Suminghap siya at umiling.
"Pumunta na kaya tayong hospital?" Tanong ko ulit ngunit umiling siya.
"Don't call my mom. She'll get worried." Aniya. Lalo lamang akong nabalisa dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
Gusto kong taasan ang pride ko ngunit sa tingin ko ay siya lang ang makasasagot sa mga tanong ko.
Agad kong kinuha ang phone ko at hinanap ang number ni papa.
Kagat-kagat ko ang daliri ko habang hinihintay sagutin niya ang tawag.
"Ynah?" Ani papa sa kabilang linya na mukhang naistorbo ko ang tulog.
"Papa.. I'm sorry to call you this late. Pwede bang pakausap kay.." pumikit ako sandali at bumuntong hininga.
"Kay mama.. I need to ask her something." Lunok kung lunok ang ginawa ko sa pride ko. The last time I talk to her were months ago.
"Ynah, anak?" Nag igting ang panga ko sa tawag niya sa akin.
"I called you to ask kung anong dapat gawin sa lagnat? Can I massage his back? Or punasan ko lang lagi siya ng basang bimpo?"
"Don't massage his back if he has a cold. Give him paracetamol and antibiotics and also make him drink a lot of water." Aniya. Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Okay.. thank you.." magsasalita pa sana siya nang ibaba ko agad iyon.
Bumaling ako kay Calix at muli kong pinunasan ang kanyang katawan.
"Why are you so hot?" Kagat labi kong tanong sa kanya. Naiinis ako. Nahihirapan ako sa kalagayan niya. Gusto ko na lang akuin kung ano mang nararamdaman niya.
"Right? I'm so hot.." mapaos paos niyang sagot sa akin. Ngumisi siya ng bahagya.
At nagawa pa niyang magbiro!
"Paano mo nagagawang magbiro nang ganito ang lagay mo?" Inis kong tanong sa kanya. Nakapikit siya ngunit nakangisi pa rin sa akin.
"It's not a joke, Ynah Marie. I really am hot." Bumuntong hininga ako sa kanya at lumabas ng kwarto.
I made hot milk for him tapos ay biscuit at kumuha na rin ng paracetamol at antibiotics.
Tinapik ko siya nang makita siyang nakapikit at kunot ang noo. Little sweats are forming on his forehead.
"Lix.. wake up. You need to take your meds." Ilang beses ko iyong sinabi ngunit panay lamang ang ungol niya.
"Calix--"
"S-stop.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Is he dreaming?
"S-stop.. this revenge.." napataas ang kilay ko sa mga binabanggit niya. Whatever he's dreaming, I'm sure it's not good!
"Calix!" Malakas na tampal ang ginawa ko para lang magising siya.
Para bang nakawala siya sa isang bangungot nang maidilat niya ang mga mata niya. Mabilis ang pagbaba at taas ng kanyang dibdib at takot at galit ang nasa mga mata niya.

BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Fiksi UmumSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...