Chapter 5
If I'm ever gonna fall in love.
Naging abala ako sa weekends. Pinilit kong huwag isipin si Calix at nagpakasaya lang. Nang sumapit naman ang school days ay nagseryoso na kami ni Jamie dahil ramdam na rin namin ang pagiging mahigpit ng mga profs namin.
Palagi kong hinahanda ang sarili ko na makita si Calix sa tuwing klase namin ng PDH. Hindi ko alam, pero simula nang insidente na iyon ay kinakabahan ako na makita siya. Kinakabahan ako dahil nakakahiya ang nangyari, nakakahiya na nasaksihan ko kung ano ang meron sa kanila ni Athena. Pero, ang pinakahuli kong kita sa kanya ay noong ibinigay niya sa akin ang kapalit ng naiwan ko na pagkain sa araw na mangyari ang insidente sa pagitin nila ni Athena.
I even heard rumors about them like someone saw them doing it and I don't know. Hindi ko naman pinakialaman iyon, hindi ako nakisawsaw kahit alam ko ang totoo na hindi naman iyon natuloy. And whoever spread the rumors about them, I'm pretty sure kung hindi iyon si Athena, it must be a friend of her. But why would Athena do that? Masyado naman siyanh desperado. I've heard that they are not together at kailan man ay hindi naging sila.
They flirt and play with each other but that's it. Calix is really a flirt and I don't think love does exist on his vocabulary. He loves to play the game. And most of the girls fall for his trap but not me.
Mabilis ang naging araw, nagkaroon kami ng mga projects at sa tuwing sasapit ang PDH class namin ay hindi ko nakikita si Calix dahil hindi siya pumapasok, tulad ngayon, wala nanaman yata siya. Kaunting minuto na lang at dadating na ang professor namin at siya na lang ang wala pa sa barkada nila. At katulad nga ng inaasahan ko, hindi nanaman yata siya dadating.
"Absent nanaman si Calix. Hindi ako nag da-drop pero nagbabagsak ako. At kung ipagpapatuloy niya itong 'magandang gawain' niya na ito ay baka pulutin siya sa kangkungan." Saad ng prof namin. Kitang kita ko ang pag ngiwi nila Aeron sa sinabi ng prof namin.
Nagsasalita pa si ma'am nang bumukas ang pinto at nagpakaba iyon sa akin nang makita ko siya. "Sorry, ma'am. I'm late." Saad pa nito at nilibot ang mata, nang magawi ang mata niya sa akin at lumipat iyon sa bakanteng upuan na katabi ko ay umaliwalas ang muka niya at dumiretso sa tabi ko.
Nahigit ko ang hininga ko at napaayos ng upo. Si Jamie ay kinukurot kurot pa ang braso ko nang makatabi si Calix sa akin.
Hindi ko siya kinibo o tinapunan man lang ng tingin, masyado akong kinakabahan ngayon at hindi ko alam kung bakit.
Nagkaroon kami ng activity at doon ko tinuon ang aking pansin kahit ramdam ko ang titig niya sa akin. Nakatuon man sa papel na hawak ko ang mata ko ay iba naman ang tinatakbo ng isip ko.
Siguro ay kailangan kong mag sorry dahil sa nasaksihan ko? Baka iyon ang kailangan ko na gawin para mawala ang bumabagabag sa dibdib ko? Paano ko iyon sasabihin sa kanya? Through text or personal?
Teka, bakit ako mag so-sorry? Hindi ko naman sinasadya na marinig iyon. Wala naman akong kasalanan dito. Actually, kasalanan nga nila iyon. In the first place, they shouldn't have done it in a public place like that!
"Ynah Marie." Napapitlag ako sa biglaang tawag niya sa akin. Taas kilay ko siyang tinapunan ng tingin at nagulat ako ng seryoso siyang nakatingin sa akin. "What do you need?" Tanong ko sa kanya na nakapagpa-awang sa bibig niya.
"I just want to figure out something." Aniya, uminit ang pisngi ko sa sinaad niya at kumulo ang dugo ko. Ano nanaman ang sinasabi nito? "What?" Sagot ko sa kanya, matagal niya akong tinitigan at napailing at walang nasabi.
Nang matapos ang klase namin ay agad kong hinila si Jamie para bumaba kaya lang ay may humigit sa braso ko. Nang pagharap ko sa kanya ay pilit akong kumawala sa hawak niya sa akin. Para bang nakapapaso ang balat niya sa balat ko nang umiwas ako. Nag init ang ulo ko sa 'di malamang dahilan. Hindi ko maintindihan na sa tuwing makikita ko siya ay naiirita ako.
"Ano bang kailangan mo sa akin, Calix?" Saad ko dito, "Look, I'm sorry for what happened. Alam kong naiilang ka sa akin dahil sa nakita mo. But--" Nagtaka ako sa sinaad niya. Why is he even explaining for that?
"Okay? Wala naman akong pakialam sa nangyari between you and her and actually, hindi ko rin sinasadya na marinig or masaksihan ang bagay na iyon." Narinig ko ang pagtataka ni Jamie sa gilid ko.
"Ano 'yon ateng?" Gulat ang rumehistro sa muka ni Calix. "So hindi mo alam ang tungkol doon?", paniniguro niya kay Jamie. "Ang alin?" Saad ni Jamie.
"So, hindi ikaw ang nagkalat?" Baling naman niya sa akin. Napa awang ang bibig ko sa sinabi niya. Kaya ba kinakausap niya ako ay akala niya at ipinagkalat ko ang bagay na 'yon? Was he trying to make me admit it? That's why kinakausap niya ako dahil akala niya ay ko ang nagkalat ng rumors tungkol sa kanila. Oh my God. I can't believe it!
"Anong akala mo sa akin? Ipinagkalat ko iyong tungkol doon to gain attention? Para magpabida?" Manghang tanong ko sa kanya,
"No, i just thought you were the one--"
"Well, for your information, hindi ako ang nag spread ng rumors about you. I don't give a damn about that thing. Bakit ko ipagkakalat ang tungkol doon? Marunong akong rumespeto ng privacy ng ibang tao. My God, hindi ko alam na ganyan ang tingin mo sa akin." Pagkasaad ko doon ay inirapan ko siya at umalis. Jesus, ako pa ang napagbintangan. What a good start of my day!
Tinanong ako ni Jamie tungkol doon, tinanong niya ako kung may alam daw ba ako sa nangyari doon and I answered him with all of the things I noticed that day and I told him to zip his mouth.
Matapos ang araw na iyon ay dumiretso kami ni Jamie sa apartment ko at doon nagpalipas ng hapon. "Sakura Garden tayo." Yaya ko sa kanya para makapagbawas ng inis sa lalaking iyon at para makalimutan ang naging sagutan namin kanina. Mabilis na tumayo si Jamie at kaagad pumunta sa cr ko, "Maliligo na ako." Saad pa niya at alam kong excited siya. Napailing ako dahil alam kong game nanaman ang gaga. Ang Sakura Garden ay isang bar at restaurant at doon kami madalas nagpupunta ni Jamie for our night outs.
Mag a-alas syete na ng gabi nang makarating kami doon at naka all black kami ni Jamie. Nag dress akong itim at si Jamie naman ay three-fourths na itim rin.
Kaagad kaming umorder ni Jamie ng dinner namin at halos isang oras ang ginugol namin na maubos iyon. Ang gaga kasi ay panay ang kwento sa akin at tsaka hinihintay pa namin ang iba pa naming kaibigan na inaya ko rin kanina.
Nang matanaw ko sila ay kaagad nila kaming sinalubong. "Good to see you again, Ynah." Yakap sa akin ni Nixon na kaagad naagaw ang atensyon ng mga kaibigan namin. Nanliit ang mata ko sa kanya at ngumisi naman siya siya sa akin. "Why so sungit, Ynah?" Pang-aasar nito sa akin, "Why so flirt, Nixon?" Bumulyaw siya ng tawa sa sinaad ko sa kanya at ginulo ang buhok kong nakalugay.
Nauna na ang mga kaibigan namin sa isang malaking table at napahuli kami ni Nixon. "I missed you." Saad nito sa tainga ko at napangisi na lang ako. "Stop flirting with me, you know I won't buy your flirtness." Nakangisi kong hinarap siya at ngumuso naman ang mamula mula niyang labi. "Someday mapapapayag rin kitang makipagdate sa akin."
"Hihintayin ko iyan." Natatawa kong saad sa kanya nang makaupo kami. Nixon courted me for months but I dumped him. Wala pa akong nagiging boyfriend at ilang lalaki na rin ang nanligaw sa akin pero kahit isa sa kanila ay hindi ko natipuhan. I mean, sino bang gugustuhing pumasok sa isang relasyon kung mas nakaka enjoy ang mag isa.
Hindi naman ako katulad ng ibang babae na laging humihiling na sana ay magkaroon sila ng boyfriend.
If I'm ever gonna fall in love, ay sa tingin ko'y doon sa lalaking makatatapat sa ugali ko. Na kahit gaano kataas ang pride ko ay hindi siya susuko. Na kahit gaano ko siyang kadalas sungitan at barahin ay sasakyan niya lang ako. At kahit sumuko ako ay nandiyan pa rin siya para habulin at saluhin ako.
At habang tumatakbo iyon sa isip ko ay saka natanaw ng mga mata ko ang lalaking pilit kong winaldas sa isip ko kanina para makalimutan ang inis. Kasama niya ang mga lalaking kahit kailan ay hindi pa naging pamilyar sa akin. Naka three-fourths siyang navy blue at parang modelong naglalakad patungo sa gawi namin. At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kumalabog ng malakas ang aking puso nang magtama ang mga paningin namin.
BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Fiction généraleSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...