Chapter 17

167 8 0
                                    

Chapter 17

Escape

Pagkatapos naming kumain ay nilibot muna namin ang buong bahay. Namangha ako nang may nakita akong pool sa gilid ng bahay. Sa taas noon ay ang veranda. Natempt tuloy akong magbasa at mag swimming na lang.

"Let's rest first. Palilimin muna natin ang langit para hindi gaanong mainit." Aya ko kay Calix.

Tumango siya sa akin at inaya ako sa loob ng bahay. Muli ay pumanik kami sa taas upang mamahinga.

Kumunot pa ang noo ko sa kanya nang sumunod siya sa akin sa kwarto ko. "Doon ka sa kabila!" Angal ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin at nauna nang mahiga sa aking kama.

Pumikit siya agad kaya hindi niya nakiya ang matalim kong tingin sa kanya. Nakasimangot ako nang umupo ako sa gilid ng kama.

"Doon ka sa kabila, e! Kainis naman." Bulong ko pa sa kanya.

"Ayaw mo ba akong katabi?" Aniya. Umismid akong lalo.

"Gugustuhin ko bang tumabi sayo kung ang dumi dumi ng utak mo?" Umirap pa ako kahit mukhang di naman niya nakikita dahil nakatalikod ako sa kanya.

Kapag naaalala ko talaga ang sinabi niya kanina ay hindi ako mapakali. Kanina ngang nasa sasakyan kami ay kamuntik ko pa siyang pahintuin at ibaba na lang ako dahil sa naiisip ko.

"Affected, eh?" Aniya. Hindi ako sumagot. Sa halip ay pinigilan ko na lang ang sarili ko na sumabog at baka masapak ko na talaga siya nang tuluyan.

"Ay, shit!" Mura ko nang yakapin niya ako mula sa likod at hinila ako pahiga.

"Calix!" Inis kong sigaw sa kanya. Kinulong ba naman ako sa bisig niya at pinulupot pa ang binti niya sa akin.

"Shit, ano ba!" Sigaw ko ulit. Natahimik lang ako nang maramdaman ko ang ilong niya sa leeg ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napapikit ng mariin. Damn it! Nakikiliti ako sa hininga niya!

"Bango mo talaga." Ilang beses pa akong napamura sa isip nang marinig ang boses niyang namamaos.

Para bang gusto kong humingi ng tawad sa aking sarili dahil hindi ko maiwasang puriin ang lalaking ito. Gusto kong lumayo ngunit para bang kay hirap.

"Don't worry, sweetheart. I won't do that to you.." aniya. Pakiramdam ko ay may tumusok na kung ano sa dibdib ko.

"I have a big respect for you."

Unti unti ay niluwagan niya ang kapit sa akin. Umayos siya ng higa at ganoon din ang ginawa ko pagkatapos ay umupo sa kama.

Ganoon din ang ginawa niya at tumayo. "Take a rest. If you want to take a nap, then you may." Aniya at sinarado ang pinto.

Natulala akong bigla. Respect..

Really?

Halos hindi ako nakatulog noong iniwan niya ako. Maya't maya ay nagigising ako at matagal pa bago makaidlip. Sa huli ay nagpasya na lang ako na maligo para maging presko ang pakiramdam ko.

Nag maong shorts na lang ako at sleeveless na itim. Tinali ko sa aking baywang ang sweater jacket ko at nag sneakers na lang.

Naglo-lotion ako nang kumatok si Calix. Sinabi ko lang na pumasok na siya at ginawa naman niya.

"Are you ready--" aniya. Kasalukuyan akong nag lo-lotion ng binti nang mapatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin, more like sa legs ko. Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya ay mabilis niyang iniwas ang tingin sa akin.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon