Chapter 7
In front of him
Nagpasya kami ni Jamie na hindi muna mag nigh outs sa mga sumunod na araw dahil sa malapit na ang Christmas break. Lahat ng mga requirements namin ay tinapos namin ni Jamie para hindi kami maging gahol sa oras.
Matapos ang nangyari sa amin ni Calix ay hindi ko na ulit siya nakita. Bukod sa lagi siyang absent sa PDH class kung saan ko siya kaklase ay hindi ko siya madalas makita sa loob ng campus.
Pagkatapos ng History class namin sa main campus ay minabuti kong pumunta sa faculty room para magpasa ng isa naming project sa PDH class namin dahil dito talaga ang assigned department ng prof namin doon. Sa susunod na linggo pa ang pasahan namin nito ngunit ay kung maaari naman daw magpasa ng maaga ay pwede nang magpasa.
"Ako na ang magpapasa. Bumili ka muna ng lunch natin at balikan mo na lang ako.", bilin ko kay Jamie. Tumango siya sa akin at tsaka nagpunta na sa parking lot kung saan naroon yung mio niya, ako naman ay nagtungo na sa Faculty room ng prof ko.
Mabuti ay hindi pa lunch time kaya nakapasok ako. "Magpapasa po kami ng project, ma'am." Saad ko sa prof namin.
Ngumiti siya sa akin at kinuha ang project ko. Ang akala ko ay pu-pwede na akong umalis ngunit ay tinawag niya ako at pinaupo.
"Classmate mo si Calix?" Iniwasan kong magulat sa tanong niya at tumango na lamang.
"Sobra na ang absences niya kasi. I was thinking kung ida-drop ko na siya." Napangiwi ako.
Naalala ko ang pag tulong niya sa amin ni Jamie that night. "Kung hindi siya makakapasok next week at makapagpapasa ng project niyo ay ida-drop ko na siya." Tumango ako.
"Mali ba ang desisyon ko, iha?" Napakurap ako ng ilang beses sa tanong niya. Umiling ako.
"Tama lang po iyon, ma'am. Pero po... give him a chance pag po nagpasa siya.."
Matapos naming mag usap ng prof namin ay lumabas na rin ako at nakitang naghihintay na sa akin si Jamie.
"Ateng ang tagal mo ah! Nakita ko si fafa Calix sa annex! Tinatanong ka nga, e."
Great! "Tara, hatid mo ko sa annex!" Naguguluhan si Jamie na tumingin sa akin pero sinunod nya rin ang sinabi ko. "Wait ka lang dyan!" Saad ko sa kanya at bumaba. Saktong pagbaba ko ay tsaka ko naman nakita si Calix kasama ang barkada niya sa usual tambayan nila.
Tumawid ako sa kabila para puntahan siya. "Calix!" Napatingin siya sa akin at pati ang mga kaibigan niya.
Nakangisi siyang tumayo at lumapit sa akin. "Hi." Aniya. Huminga ako ng malalim at binigkas sa aking utak ang mga sasabihin ko.
"You have to go to school and pass your project." Tumikom ang bibig niya kaya nagpatuloy ako, "Nakausap ko ang prof natin sa PDH. She told me na kung hindi ka magpapasa, ida-drop ka niya. Yun lang, bye."
Tumalikod ako at handa nang tumawid nang maramdaman ko ang pag pigil niya sa akin.
"Help me, then." Aniya. Nanliit ang mata ko. At bakit ko siya tutulungan? It's his project!
"Please?" Kinunot ko ang noo ko.
"What ever, Calix. Sinabihan lang kita pero hindi ibig sabihin non ay tutulungan na kita--"
"Please, Ynah Marie?" Napairap ako sa kanya.
"Fine! I'm free tomorrow." Saad ko at tinalikuran siya at tumawid.
"I'll go to your apartment tomorrow, then." Sigaw pa niya dahilan para marinig ng ilan. What an ass he could be. Inirapan ko na lang at tsaka kami umalis ni Jamie.

BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Ficción GeneralSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...