Chapter 38
His lips
The scene played repeatedly on my mind. Pag alis na pag alis ni Calix ay napatulala na lang ako at pilit na kinalma ang sarili.
"Yns, uwi na kami." Ani Jamie na nakapagpabalik ng ulirat ko. Tumango lamang ako at tumayo na para maihatid sila sa labas.
"Hindi ko na kayo maihahatid sa baba, walang kasama si papa." Saad ko. Tumango silang dalawa sa akin at yumakap.
"Akala ko ba naka move on ka na?" Ani Jame na inirapan ko lang. Bigla ko nanamang naalala ang ganap kanina, when he turned to face the exit ay nakipag fist bump pa ito kay Jamie pagkatapos ay doon na ako mismo napatulala.
Jamie doesn't know what I've seen 8 years ago. Ang alam niya lamang ay ang nangyari pagkatapos noon.
"Sige na."
The room became quiet noong kami na lang dalawa ni papa ang nasa loob. I couldn't look at him kahit na ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin.
"Did you and Matthew break up?" Ani papa. I look at him at umiling. Here we go, Ynah, sabihin mo na lang ang totoo.
But then iniisip ko pa lang na sabihin ang lahat ay hindi ko na magawa lalo na nang makita ang mga ngiting binigay ni papa kay Calix kanina. Sa pangalawang pagkakataon para sabihin ko ang totoo, ayaw ko pa ring madungisan ang pangalan niya sa ibang tao lalo na sa mga magulang ko.
Wala akong naibigay na sagot kay papa bagkus ay inipon ang lakas para itanong sa kanya ang mga gusto kong malaman.
"P-palagi ho bang bumibisita sa inyo si Calix?" Kinagat ko ang mga labi ko sa pagbigkas ng kanyang pangalan kasabay noon ay ang pagkirot ng dibdib ko. Papa looks at me as if he's telling me he's aware of my feelings.
"Yes, anak. Even after you left, hindi siya pumalya sa pagbisita sa amin, kahit pa siya na ang nagmamanage ng isa sa mga business nila ay kapag nauuwi siya ng Bulacan ay palagi pa rin niya kaming pinupuntahan. Kahit pa ganoon na lang ang nangyari sa inyong dalawa."
Kumunot ang noo ko at pilit na lumunok kahit na sobrang hirap.
"Since we're talking about this.. Bakit mo ba ginawa iyon, anak?" Napapikit ako nang mariin.
"Bakit mo siya sinaktan?" Napatingin ako kay papa kahit na namumuo na ang mga luha ko.
"Bakit ko siya sinaktan, papa? Nasaktan ba siya?" I stop myself from talking more. Kung mahal niya ako noon ay hindi niya magagawang magtaksil sa akin! Pero hindi! On his 21st Birthday, he fucking cheated on me with his bestfriend! I saw them with my own two eyes, I saw his bestfriend naked! Ano ang iisipin ko? Na natulog lamang silang dalawa na nakahubad?
Nasaktan siya? I doubt that.
"Ano bang ginawa niya sayo at ginawa mo iyon?" Muli akong napatingin kay papa nang medyo tumaas ang boses niya. My eyes widened, baka mamaya ay kung anong mangyari kay papa!
"Pa, please, wag na nating pag usapan." Mukang ayaw ni papa na tumigil ngunit sa huli ay napapayag ko ito.
Muli akong napatulala at binalikan ang nangyari.
He's grown up. He's even more manlier than he was before. At katulad ng mga naiisip ko dati ay mukang galit siya sa akin. Pero, bakit?
Two days had passed at pinayagan nang umuwi si papa. Lana's still with the Fernandez at wala akong balita sa kanya.
"Pupunta ba kayo?" Tanong ko kay James sa kabilang telepono, sa susunod na araw ay kasal nila Aisha at Aeron pero hindi ko pa din alam kung pupunta ako. Parang hindi pa ako handang makita ulit si Calix ngunit nahihiya akong hindi dumalo lalo na't kitang kita ko ang umaasang mata ni Aisha.

BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Ficção GeralSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...