Chapter 35
All of him
Tahimik ako noong bumalik sa dining area nila. Hindi ko maiwasang titigan ang mommy ni Calix. If she's not totally over it, then, she's a good actress I must say.
She's laughing with mama. She's talking as if they were bestfriends. Ganoon siya kagaling magpanggap na hindi siya galit.
"If Lana agreed to that, maaaring masaktan lang sila ni mom!"
I stiffened at the thought. Paano sila sasaktan ni tita? Will she go physically? Mamaltratuhin ba niya ang kapatid ko kung sakali mang dito siya tumira pag kinuha niya ang apelyido nila?
At alam ba ni Calix ang tungkol dito?
"Ynah, are you okay?" Natauhan ako nang tanungin ako ni tita. Shit. Ganoon ba ako ka obvious?
"O-opo, tita." Nag iwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang titig ni Calix sa akin kaya sa harap ako tumingin nang mas lalo lang akong nagulat nang makita ang makahulugang tingin sa akin ni Lance. Agaran akong nag iwas ng tingin dito at doon nagtuon ng pansin sa kamay ni Calix na humawak sa kamay ko.
"Are you sure, hija?" Napalunok ako doon.
"Yes po, tita. Medyo masakit lang ho ang ulo ko." It's somehow true! Nararamdaman ko ang pagkirot ng aking sentido.
"Do you want us to go first?" Bulong ni Calix. Somehow gusto kong sumang ayon sa kanya. Ngunit natatakot akong baka mahalata lang nila. Sasagot na sana ko nang magsalita ang daddy niya.
"Ah, by the way, Lana. Do you want to sleep here for tonight? May vacant room naman." Ani Mr. Fernandez. Halos magmaktol ako doon huwag lang pumayag si Lana.
"Saka na po, dad." Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi pumayag si Lana.
"Paano, Julius? Sa susunod na lamang ulit. Lana will still have to think about it." Ani papa. Tumayo sila papa at Mr. Fernandez. Ganoon din si tita at mama. Nahuli kami sa pagtayo.
"Calix, are you not going to stay?" Ani Lance. Tiningnan ko si Calix at nag igting lamang ang panga niya.
Nakita ko ang pag ngisi ni Lance sa ginawa ni Calix.
And somehow, I want to punch his face for making that smirk! Mukha ba iyong ngisi ng isang demonyo.
"Oo nga pala. Kala mama ako sasabay." Saad ko. Nagulat siya sa sinabi ko at tuluyan nang hindi pinansin ang kapatid.
"Gusto ko sanang umuwi muna sa San Miguel." Kumunot ang noo niya ngunit nagpasya ring tumango na lamang.
"Can I at least give you a ride?" Ngumuso ako. Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya. Nang napabaling ang tingin ko kay Lance ay nakita ko ang ngising naglalaro sa labi niya. Kumunot ang noo ko doon at mas lalo lamang siyang ngumisi dahil doon.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Gusto kong mang gigil ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay alam niya na narinig ko ang mga pinag usapan nila kanina! Tatalikod na sana ako nang nagsalita muli si Lance.
"By the way, Trisha will be here kaya umuwi ka dito." Ani Lance na sa tingin ko ay para kay Calix. Muling nag igting ang panga ni Calix sa sinaad ng kapatid niya.
Kung kanina ay naiinis ako ay hindi lang inis ang nararamdaman ko na sa ngayon. Sino ba talaga ang Trisha na iyon? Ano bang naitulong niya kay Calix at hindi niya iyon maiwasan? Yes! I am fuming mad right now that I want to say these things to him. I want him to stay away from that girl kaya lang ay hindi ko magawa. I am just his girlfriend. They have known each other for a long time. They were childhood bestfriends kaya anong magagawa ko doon? For all I know, I am not like that.
BINABASA MO ANG
Chase and Catch
General FictionSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...