Chapter 34
Convince
Kagat ko ang labi ko habang tinatanggal ni Calix ang bumaong bubog sa aking talampakan. Napapitlag ako sa unti unti niyang pag tanggal sa bubog doon. Napatingin ako sa kay mama na siya namang ginagamot ni papa.
"I'm sorry, papa.." saad ko sa kanya. He looked so concerned. "It was unintentional."
"Ssh, Ynah.. It's okay. It's my fault." Ani mama na nakapagpanguso sa akin. Now that I was able to stare at her, napagtanto ko kung gaano halos ko siya kamukha. Only our eyes show the difference. Kung ang kay mama ay sobrang amo ng mata ay ganoon naman ikinatapang ng akin.
Napahawak ako sa balikat ni Calix nang maramdaman ko ang paghugot niya sa bubog. Nag i-igting ang panga niya habang ginagawa iyon.
"Lana, ako na dyan!" Sigaw ko nang hindi pa rin tumitigil ang aking kapatid sa pagpulot ng mga bubog. "Baka pati ikaw masugatan!" I said in horror.
Nang bumaling ako kay Calix ay napansin ko na ang pagpigil niya ng kanyang ngiti. Is it only me or he looks really happy?
But if he's really happy then I'll admit it, I'm more happy. Para bang may naalis na malaking tipak ng bato sa aking dibdib. Para bang gumaling ang pilay ng pakpak ng isang ibon at muli itong malayang nakalipad ng mataas.
Sa araw na iyon ay wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan. There is something I wanted to ask kaya lang ay tsaka ko na itatanong kapag nakauwi na sila papa.
Naging bahaw ang ngiti ko nang tumikhim si papa at nakatitig sa akin at kay Calix.
"Hijo, I wasn't able to ask you this the last time we talked. But, do you sleep here?" Para ba akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni papa.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nakurot ko ang tagiliran ni Calix. Ano na lang ang sasabihin ni papa sa akin pag nalaman niya?!
"Yes po, tito." Napapikit ako sa ginawang pag amin ni Calix kay papa. Tumikhim muli si papa nang marinig ang sagot. Dahil sa ayaw kong makita ang reaksyon nito ay kay mama ako nagtuon ng pansin ngunit mas lalo lang akong nailang nang makita ang makahulugan niyang ngiti sa amin ni Calix. Damn it!
"Umm, excuse me." Kinuha ko ang pitsel na wala nang laman at dumiretso muli sa kusina para magsalin ng panibagong tubig. For all they know ay umiiwas lang naman ako!
"Do you sleep beside my daughter?" Dios ko po! Saan pa kaya hahantong ang usapang ito?! Gusto kong sumabat para hindi makasagot si Calix ngunit iniisip ko pa lang ay mukhang may itinatago naman ako kapag ganoon!
"Yes, tito." Ilang mura ang sinaad ko sa aking isip nang marinig iyong sagot ni Calix. Gusto ko na lamang siyang patahimikin!
"First, second, or third base?" Napanganga ako sa tinanong ni papa. At dahil din doon ay wala na kong nagawa kundi ang sumabat.
"Papa!" Para bang gusto kong takpan ang aking mukha wag lang nilang makita kung paano naging malakamatis ito. Sinamaan ko ng tingin si Calix na ngayon ay nakangisi na sa reaksyon ko. Si Lana naman ay nagpipigil ng ngiti at katulad ko ay namumula rin ang dalawang pisngi.
"Marco, tama na. Nahihiya na ang anak mo." Humalakhak lamang si papa kay mama nang pigilan siya nito.
"Baka naman magkaapo na agad tayo." Napasinghal na ako dahil sa sinaad ni papa. Dios ko po!
"Gabi na, papa. Umuwi na kayo!" Binalot lamang ng tawa ang buong apartment dahil sa sinabi ko. Kasabay noon ay ang pagtayo nila at tumango.
"We'll have our family meeting on Sunday, alright?" Ani papa at lumapit kay Calix. May binulong ito kay Calix na ikinangisi naman niya at biglang tango.
![](https://img.wattpad.com/cover/32655246-288-k571323.jpg)
BINABASA MO ANG
Chase and Catch
General FictionSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...