Chapter 23

185 6 2
                                        

Chapter 23

Ngiti

Halos hindi ako nakatulog sa gabi na iyon. Maya't maya ay nagigising ako. Tiningnan ko na lang ang phone ko kung may text sa akin si Calix at nang makita ang message niya alas dos ng madaling araw ay muli ay nabuhay ang diwa ko. Hindi na ata ako makakatulog nito!

Calix:

Sleep well, sweetheart. I love you.

Nagtipa ako ng message para sa kanya.

Ako:

Good morning, sweetheart.. I love you too.

Para akong tanga na nangingiti sa tinawag ko sa kanya! Bumangon na lang ako at niligpit ang gamit ko.

Mag a-alas singko pa lang ngunit sa tingin ko ay hindi na ako makakatulog talaga. Napagpasyahan ko na lang na mag jog. Dahan-dahan pa akong bumaba para lang hindi makagawa ng ingay.

Kaya lang ay pagbaba ko sa salas ay halos mapalundag ako sa gulat.

What the hell is she doing here?!

Tiningnan ko si Lana na payapang natutulog sa couch at kaunting-kaunti na lang ay mahuhulog na. Iniisip ko kung kagabi ay nakita ko siya dito pero wala man lang akong naalala. At ni wala man lang siyang kumot na dala. Ang throwpillow pa ang ginawa niyang unan.

Nakabaluktot din siya dahil sa ginaw. Napairap ako at muli ay bumalik sa taas para kumuha ng kumot at unan.

Ingat na ingat ako sa pag angat ng ulo niya para ma inunan ko sa kinuha kong unan at ang paglapag ko sa kanya ng kumot.

"Why the hell are you sleeping here?" Bulong ko pa at napailing.

Bago pa man siya magising ay pumunta na ako sa kusina para makalabas. May pinto kasi doon palabas ng bahay.

Nagsimula akong mag jog nang makalabas sa gate namin. Tahimik pa ang buong lugar at halata na iilan pa lang ang gising.

Tumingin ako sa langit para tingnan ang mga bituin at muli ay nagpatuloy ako sa pag jog.

May earphones na nakapasak sa magkabila kong tainga at nakikinig ng kanta habang nag jo-jog. I missed this routine!

Dati kasi ay kapag talaga nagigising ako ng maaga ay nag jo-jogging ako para lang may magawa. Nilibot ko ang buong barangay namin. Unti unti na ring lumiliwanag ang paligid sa pagsikat ng araw.

Bumagal ang pag jog ko nang makita ang pamilyar na mukha ng nagtitinda ng pandesal at gatas sa umaga.

"Hija!" Maligayang bati pa nito. Huminto ako para bumati dito.

"Kumusta po?" Ani ko rito.

"Aba'y mabuti! Ngayon lang ulit kita namataan dito. Wala tuloy bumibili nitong pandesal ko sa tuwing maglalako ako ng ganitong oras."

Napatawa ako sa binanggit ng matanda.

"Naku si manong talaga. Sige po, pabili po ng bente pesos na pandesal."

Nagpaalam ako dito pagtapos kong bumili. Lumiko na lang ulit ako para makabalik sa bahay. Malapit na ako sa bahay namin nang napahinto ako nang huminto rin ang kanta. Dinukot ko tuloy ang phone ko sa bulsa ng aking sweater.

Napansin ko roon ang dalawang magkasunod na message ni Calix. Ang aga naman nitong nagising!

Calix:

Sweetheart, huh.

But did you even sleep, Ynah Marie?

Para bang narinig ko ang inis na tono niya at napangisi ako.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon