Chapter 44

89 4 7
                                        

Chapter 44

Rule me

Sigawan at puro halakhak ang maririnig mo sa loob ng bar. Tahimik lamang ako at hindi ko na din mabilang kung pang ilang baso ko na ba ito ng light drinks. I'm with Jamie and Tony and with some other friends. Tony and Jame are currently dancing. Nagpaiwan ako dito sa table dahil wala ako sa mood.

"What's with the long face, missy?" Tinapunan ko ng tingin itong si John Daryl na sinalinan ng hard liquor ang baso ko. Nagkibit balikat ako sa kanya.

Sa loob ng ilang taon ay mas dumami ang mga kakilala at kaibigan ko. JD's an Engineer at isa sa mga kaibigan ni Matthew.

"Nag away kayo ni Matt?" Aniya. Bumuntong hininga ako at naalala ang nangyari sa opisina ni Matthew.

"You need to let go of me now." Saad ko sa kanya. Nag igting ang panga niya.

"I tried, Matt. God knows how much I tried to forget him. Kaya lang ay hindi ko talaga alam kung bakit ni katiting sa pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko nawala. I'm sorry for everything. I love you but it's not the same. Call me such names pero if this would be the only way para makapag let go ka sa akin ay sasabihin ko sayo ang totoo, na kahit kailan, kahit sobrang sakit na, never ko siyang nakalimutan."

Kinagat ko ang labi ko sa sinabi ko. Nakita ko ang galit at sakit sa mga mata niya.

"Walong taon kong kinulong ang sarili ko sa kanya at ganoon ka din sa akin. But for the past 8 years at sa lahat ng nagdaan na rejections ko sa iyo ay ngayon lang kita nakita na may kasamang babae.." at hindi lang nga iyon ang nakita ko.

"I know, Ynah. I'm still so confused. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya." Aniya. What's her name again? Is it Tatiana?

"Date her, then. Don't mind me. After all, wala ka naman dapat ikabahala sa akin. Tama na ang ginawa mong pag tulong sa akin for the past 8 years. This time, yourself naman." Saad ko.

"Ynah, I don't wanna lose you." And I too, Matt. Pero kung yun lang ang tanging paraan para makalaya ka ay gagawin ko.

"But I think I'm gonna lose you the moment you step outside this office." Tumitig ako sa kanya sa pagkasabi niya ng mga iyon.

"Matt, we're friends.." saad ko.

Umiling siya at nagmura nang mahina.

"Ynah.. once I let go of you, baka pati pagkakaibigan natin ay pakawalan ko." Nasaktan ako sa sinabi niya ngunit hindi ko pinakita. I don't wanna lose him. Pero ngayong nakita ko na may kahalikan siya ay parang gumagaan ang pakiramdam ko. I've never seen him this.. free..from me.

Tumayo ako na ikinagulat niya.

"If you don't let go, it's not me you're gonna lose. It's her." There, I left him dumbfounded.

Ngumuso ako at ininom ang sinalin na hard liquor nitong si JD. I think I'd be so drunk this night. Ni hindi ko nakain ng Frankie's na dinala ko kay Matt, at ngayon naman ay alak ang laman ng aking tiyan. Ah, Ynah, you're being a pain in the ass right now.

"Yeah! Ynah Marie is getting hot!" Sigaw niya habang iniinom ko iyon.

"Damn you, JD!" Saad ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako at nakisali sa mga nagsasayaw. Nanliit ang mga mata ko sa kanya habang pinapadausdos niya ang kamay sa baywang ng isang babae.

Umiling na lamang ako at kumain ng ilang snacks doon at sinabayan ng inom. I'm not planning on getting drunk but I think I'm gonna be if I don't stop.

Nakita ko sa gilid ng aking mata si James na papunta sa akin. Nag angat ako ng tingin at nakita na wala si Tony sa gilid niya. Tiningnan ko ang dance floor at nakita doon si Tony na nagsasayaw kasama sila Eula, Jill, at Kyla na mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon