Chapter 22
Para sa akin
Dalawang sasakyan ang dala nila papa. Ang isa ay para sa kanila at ang isa ay para sa mga pinsan ko. Hindi lang pala sila Erin at Venice ang naroon kundi pati na rin sila Gelo, Carlo at Sam.
At dahil malaki naman ang sasakyan nila Gelo ay sa kanila ako sumabay. Ayaw pa ngang pumayag ni papa dahil gusto niyang doon ako sa kanila sumabay ngunit sinabi kong may kailangan pa akong balikan sa apartment ko para lang makatakas sa kanila.
"Diyan na muna kayo." Saad ko sa kanila pagkatapos ay bumaba ako para kunin ang mga gadgets ko doon at ang mga mahahalaga pang gamit.
Nang matapos kong icheck lahat ng mga saksak at mga iba pang gamit ay tsaka ko iyon ni-lock muli. Besides.. I don't think Calix will be here anytime soon. He's staying with his fam until New Year's.
"Kala lola kayo mag s-stay?" Tanong ko kala Erin. Tumango sila at tumingin sa akin. Para bang tinitimbang kung ayos lang ako.
"Okay lang ako." Ngumuso si Erin sa akin at umiling. "You know, cous. Nandito lang naman kami. You can tell us anything." Tumango pa sila Gelo.
"Besides, ikaw naman talaga ang pinsan namin." Napangisi ako sa sinabi ni Sam. Gago talaga ito!
"Yie, napangiti ko siya." Umirap na lang ako sa kanya at nangiti. At least I have them.
Buong byahe ay ginugol ko lang ang oras ko sa pakikipagkwentuhan sa kanila at buong byahe ko ring tiningnan ang cellphone ko kung may text ba doon si Calix ngunit kahit isa ay wala akong natanggap.
Ayoko sanang mainis ngunit hindi ko mapigilan. Ang sabi niya ay magtitext siya ngunit bakit kahit tuldok man lang ay wala?
Pagdating namin sa bahay ay wala nanaman akong kibo. Bukod sa naiinis ako kay Calix ay wala man lang akong ganang makipag usap kahit kanino. Lalo na sa kanilang dalawa.
Papanik na sana ako ng kwarto nang tawagin ako ni papa.
"Ynah about your room.." nagtaas ako ng kilay sa kanya. Napatingin ako kay Lana na ngayon ay nakatungo tila nahihiya. Lumipat ang tingin ko kay.. damn it, yeah her.
"Yeah? What about my room?" Hindi naman nakakibo si papa kaya umirap na lang ako at pumanik na nga sa taas.
Gusto ko na lang mamahinga!
Pagbukas ko ng kwarto ko ay ibang klaseng amoy ang pumirmis sa aking ilong. Nilibot ko ng tingin ang aking kwarto at napansin doon ang ilang gamit na sa tingin ko ay hindi sa akin. Nawala lang ang tingin ko doon nang may maramdaman ko ang kakaibang presensya sa gilid ko.
"Y-Ynah.. Kasi, ano.. umm I'm using your room for the mean time." Taas kilay kong tinapunan ng tingin si Lana. Umakyat muli sa aking ulo ang pagkakairita.
Mabilis akong nag iwas ng tingin at pumasok sa kwarto ko. Sumunod naman siya sa akin.
"H-hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya. Halos lumipad ang mata ko sa ere sa pagkakaikot nito.
"Mukha ba akong gutom?" Malamig na tanong ko sa kanya. Nagkaroon ng takot ang kanyang mga mata dahil sa tanong ko. Nakita ko rin ang pagkakabalisa niya.
Ngayon ko lang napansin na hindi kami gaanong nagkakalayo ng height. Her body is even matured than mine. We have the same lips and the same colour of eyes and also the shape of our face.
Only the shape of her eyes, thick of her brows and even her nose resembles someone who is somehow familiar to me...or not? I couldn't name the person but she's so familiar. And damn it! Thinking that I probably know who her father is is making me so sick.
BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Ficción GeneralSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...