Chapter 4
I just wanted to give..
Matapos ang klase namin ay sabay pa kaming lumabas ng room ni Matthew, "First year ka rin ba tulad nila?" Tanong ko sa kanya habang bumababa kami. "Nope. Second year, engineering. Na irreg kasi ako, I failed history last semester." Napangiwi ako sa kanya at humalakhak naman siya sa naging itsura ko. "7:30 kasi ang History ko last sem, imagine that, you're talking about Katipunan and such things at 7:30 in the morning plus the professor na sobrang hina pa magsalita. Sino ang hindi mabo-bored doon?" Tumawa rin ako sa sinabi niya.
"Sabagay, I might drop it kung ganoon rin ang mangyari sa akin. But we have no choice, we have to take it if we want to graduate." Kibit balikat ko sa kanya.
"Well, I think I'll pass it now basta ba kasama kita." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Calm down, Ynah. Don't take it seriously. Nawala ako sa iniisip ko nang tumawa siya at napatingin ako sa kanya, namumula ang kanyang pisngi dahil sa pagtawa. "Your face was priceless! I'm sorry, I was just kidding, don't take it seriously, sweet heart."
"Don't call me sweet heart, then." Hamon ko sa kanya na hindi ngumingiti. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at ngumiti. "Alright, I'm sorry." Pagsuko niya at nagpatuloy kami sa pagbaba.
"So, meron ka pang class after this?" Saad niya, "Yup. PE." Saad ko sa kanya, "Oh, what's your PE?"
"Dual sports." Tumango siya at tumingin sa relo niya, "Paano ba yan, dito na lang ako sa floor na 'to. I'll see you around. It was nice to meet you, Ynah." Ngumiti siya sa akin. "Thank you, Matt. I'll see you around too."
Tumango siya sa akin at tumalikod na, nagsimula na ulit akong bumaba sa second floor nang tawagin niya ako. "Next time, don't be in rush. Baka walang sumapo sayo kapag nadapa't nahulog ka." Ngiti niya sa akin at kumaway bago pumasok sa isang room. Napailing ako at napangiti.
Dumiretso akong IT building dahil nandoon ang gym. Nag palit ako ng PE uniform ko at bumili ng tubig at sky flakes na lang. Wala ako sa mood kumain ng lunch ngayon kahit nagugutom na ako. Pumunta ako sa gym at umakyat sa taas, nakita ko na may mga varsity players na nag ba-basketball. May ilang tumingin sa akin na varsity habang naglalaro at napailing na lang ako.
Playboys.
Pinasakan ko ang tainga ko ng headset at nakinig na lang ng mga kanta. May mga dumating na mga naka PE uniform na rin na sa tingin ko ay mga kaklase ko at dahil hindi naman ako friendly katulad ni Jamie, nanahimik na lang ako sa isang tabi. I'd rather be alone than to be with someone I'm not comfortable with.
Saktong 1:30 nang dumating ang prof. "Table tennis ang magiging sport niyo." Napangiwi ang karamihan dahil doon, "Sir bakit? Akala namin ay badminton ang magiging sport namin." Saad pa ng isang babae.
"Well, kasabay ng time niyo ang practice ng mga varsity ng badminton kaya hindi kayo makakagamit ng net at space nila. Table tennis lang ang choice niyo or fencing." Mas lalong may mga ngumiwi nang sabihin ang isang choice. "Table tennis, then." Saad ni Sir nang makita ang mga muka ng kaklase ko, "Next meeting, kailangan kong makita yung mga paddle niyo at mga bola niyo na may tatak na three stars. Class dismissed."
Niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas na. Pumunta akong palengke at naghanap ng paddle at bola para wala na akong gagawin weekends kundi ang paglalaba. Binili ko na rin si Jamie ng kanya para di na rin mag abala ang gaga. Pagkatapos non ay dumiretso akong Jollibee dahil nagugutom na ako. Kapag kasi sa bahay ako kumain ay magsasaing pa ako at maghihintay ng kay tagal.
Pagkadating ko sa Jollibee ay nag order ako ng one piece chicken at pineapple. Sa second floor ako humanap ng table na may dalawahang upuan lang.
Kumakain ako nang nag vibrate ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Ficción GeneralSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...