Chapter 25
Never do
Naging usap usapan sa eskwela ang tungkol sa amin ni Calix. People eye me as I walk the corridor. Nakakainis ngunit hindi ko na lang pinansin. Hindi ko kasama si Calix dahil magkaiba kami ng schedule. Tuwing Tuesday first subject ko lamang siya kaklase.
Hindi ko siya kasabay pumasok at hindi rin siya natulog sa apartment kagabi dahil bumalik na si Jamie galing Manila. As usual, inulan niya ako ng tanong kung anong nangyari. Kung hindi pa niya ako kinulit ay hindi ko rin naman sasabihin sa kanya.
"Kung makatingin itong mga ito!" Lintya ni Jamie. Napairap ako. Sa dami ng babaeng tumingin sa akin ay hindi ko naman iyon pinansin ngunit itong baklang katabi ko ay hindi iyon pinalagpas.
"Mga echosera! Ba't ganyan ang tingin niyo sa amin, ha?" Kinurot ko ang tagiliran ni Jamie nang matigil siya. "Hayaan mo nga sila!" Untag ko sa kanya at umiling.
Pagdating namin doon sa classroom namin ay natingin nanaman sa akin ang mga kababaihan. Napasimangot ako dahil parang binabantayan nilang lahat ang bawat galaw ko.
"Uy, Ynah! Kayo na ni Calix?" Tanong ni Nessa sa akin. Tumango ako bilang sagot. There's no point on denying it. Everyone knows about it. Calix is well-known for his good looks and his game.
Mabuti nga at hindi na ulit nagtanong ang mga kaklase ko tungkol sa amin ni Calix. Siguro ay dahil na rin sa itsura ko.
Nang mag simula ang second subject namin ay may kumatok sa pinto. Natigil sa pagsasalita ang prof ko dahil doon.
Napatingin ako nang bumukas iyon at nakita roon si Calix na may dalang biscuit at bottled water.
"Good afternoon, ma'am. May ibibigay lang po ako kay Ynah Marie." Ngumuso ako sa pagtawag niya sa akin sa ganoong paraan.
Hindi pa nakakasagot ang prof ko ay pumasok na siya ng room at lumapit sa akin. Kinukurot kurot pa ako ni Jamie sa aking hita dahil sa halatang kinikilig siya. Halos samaan ko siya ng tingin kung hindi lang napako ang tingin ko sa lalaking nakanguso sa akin.
"I don't want you starve." Napangiti ako nang nilahad niya sa akin ang mga dala niya at nang makitang suot niya ang bigay ko sa kanyang relo. Naalala ko pa na nahihiya siyang tanggapin iyon. Ang sabi pa niya ay wala daw siyang regalo sa akin.
"Hindi pa ba sapat iyong mga ginawa mo para sakin sa Tagaytay?" Iyon ang baling ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
Nawala lang iyon sa isip ko nang bumulong siya sa akin.
"I missed you. I didn't get enough sleep last night because you're not with me." Namula ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko iyon sa pisngi ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Dinilaan niya ang kanyang labi at ngumisi.
"I'll pick you up later." Aniya at nagpaalam.
Sa sumunod naman na araw ay sa first subject naman kami magkaklase. Mag isa ako dahil si Jamie ay may dinaanan pa sa bahay niya. Ako naman ay nauna na rito dahil sinabi ko kay Calix na diretso na agad ako dito.
Pagkapasok ko sa room ay tahimik agad ang lahat ng naroon nang makita ako. Good thing is, no one dared to ask me what's the real score between me and Calix.
Sila Aisha ay wala pa sa room at tanging ibang barkada lang ni Calix ang naroon. And speaking of him, pagkadating niya ay luminga agad siya para hanapin ako at nang magtama ang mga paningin namin ay ngumiti agad siya at nilapitan ako.
"Good morning, sweetheart." Aniya at hinalikan ako sa pisngi nang mabilis. Sa hiya ko ay natampal ko ang braso niya. Tumawa naman siya dahil sa reaksyon ko.

BINABASA MO ANG
Chase and Catch
Fiction généraleSa takot na harapin niya ang taong ni minsan ay hindi niya nasilayan, mas pinili ni Ynah Marie de Luna ang pagtakas at pagtakbo palayo sa taong iyon. Because of the wound of the past, she build a wall to guard her heart. But as she kept running away...