Chapter 43

73 5 4
                                    

Chapter 43

Let me go

Humiwalay kami ni Lana sa isa't isa nang bumukas ang pinto. Gulat ang rumihistro sa mukha ni mama nang makita kami ni Lana'ng ganoon ang lagay.

"Are you two okay?" Nag aalalang tanong niya. Tumawa ako nang pilit dahil sa hiya at tumango.

"B-bakit po kayo narito?" Tanong ko kay mama. Muka naman siyang nagulat at naalala kung bakit siya pumunta sa aking kwarto at tumikhim bago nagsalita.

"Your brother's waiting for you, Lana." Tumingin sa akin si Lana at ganoon din ako sa kanya. Namumugto pa nang bahagya ang mga niya. Magsasalita sana siya ngunit inunahan ko na.

"Go, Lana. Are you gonna stay with them tonight?" Pang iba ko ng usapan. Hindi siya agad sumagot.

"Yes, ate." Tumango ako.

"Ynah, hindi mo ba haharapin si Calix?" Saad ni mama. Napanguso ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung paano at bakit niya nagagawang humarap kala mama at papa na parang wala siyang ginawang kagaguhan sa akin noon?

"Hindi na, Ma. He knows I'm not feeling well.  Gusto ko na rin pong magpahinga." Tila hindi naniniwala si mama sa sinabi ko ngunit wala na din siyang nagawa at iniwan kami ni Lana sa kwarto.

"Ate, I still don't understand. You did not cheat but.." bumuntong hininga ako, akala ko ay tapos na ang pagtatanong niya..

"No, Lana. I did not. God knows how much I hate cheaters.." tahimik siya nang sabihin ko iyon at tila nag iisip.

"But what's the reason behind it?" Aniya. Huminga ako ng malalim. I cannot tell her the truth. Baka kung ano ang sabihin niya sa kuya niya.

"That.. I cannot tell you, Lana." Yumuko ako. Takot na makita ang sakit na nararamdaman ko.

"On kuya's 21st birthday, ate..." nagulat ako sa sinabi niya at nakita na parang inaalala niya ang lahat.

"Did you come to our house that day?" Aniya. Nag iwas ako ng tingin at hindi na malaman kung ano ang isasagot ko.

"I was there, ate." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ngunit bago pa man ako magsalita ay tumayo na siya.

"If you ever came that day, I think I'd now understand.." iyon ang huli niyang sinabi at iniwan akong tulala.

What did she say?

Ilang araw ang nakalipas at hindi na ulit kaming nagkita ni Lana dahil hindi siya umuwi sa amin. Pinilit kong alisin sa isip ko ang sinabi niya. I'm not sure if she knew what happened between Trisha and and Calix. Ayokong isipin na alam niya at isa rin siya sa mga kapatid niya na walang ginawa kundi hayaan lang na mangyari iyon.

Sa mga nagdaang araw ay pinagtuunan ko ng pansin ang aming trucking at may inasikasong mga papeles, ngunit ngayon ay patulak naman ako sa Manila para ipasa ang resignation ko.

Kinausap ako nila mama at papa tungkol sa pag re-resign ko, na baka nabibigla lamang ako. Pero sinabi kong hindi at talagang desedido na ako. I'd do everything to save our business. Dahil mula pagkabata ay ito ang naging katuwang namin ni papa.

"Welcome back, ma'am!" Saad ni Ginelyn, ang aking assistant, pagkakita sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hindi ko na alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang plano ko.

Agad akong dumiretso sa office ng manager ko, bitbit ang isang envelope may lamang resignation letter ko, tumingin pa ako sa salamin para ma check ang damit ko. I'm wearing a white long sleeve blouse and a corporate skirt at nag heels ako na kulay dilaw.

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon