Chapter 12

210 8 1
                                        

Chapter 12

I'll be waiting for you

Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil sa kung ano. Tumingin ako sa tabi ko at naabutan na wala na doon si Calix. Umuwi na ba siya?

Ibinaba ko ang kumot na maayos na nakatakip sa katawan ko. Wala akong maalalang nakabalot sa akin ang kumot. Kinumutan ba niya ako?

Bumangon ako at mabilis na lumabas para tignan kung naroon ba siya o umuwi na. Napahinto na lang ako nang maabutan ko siyang topless at naka boxer na lang, at mukang nagluluto ng kung ano.

Hindi ko tuloy maiwasang tignan ang katawan niya. Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa tangkay ng kawali at ang isa ay nakahawak sa sianse at patuloy sa pag biling ng kung anong niluluto niya.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang pag flex ng muscles niya sa braso. Bumaba tuloy ang tingin ko sa pang upo niya at napagtantong well-built din iyon.

Hindi ko pa tapos tignan ang likod niya nang humarap siya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa abs niya hanggang sa marinig ko ang pag ngisi niya.

"Good morning, sweet heart."

Kaagad na napaalis ang tingin ko sa abs niya at mabilis ding naramdaman ang pag init ng aking pisngi. Damn. Did I just drool over him?

"S-sweet heart your face!" Kinunot ko ang noo ko para matanggal sa labi niya ang nakakainis niyang ngisi ngunit imbis na alisin niya ang ngisi niya ay mas lalo pa iyong lumaki.

"A-anong nginingingisi-ngisi mo diyan?"

Nilamon ang buong apartment ko ng tawa niya at unti unting lumapit sa akin. A-atras sana ako nang pigilan niya ako.

"You just made my heart fluttered from the way you blushed." Kitang kita ko ang kakaibang saya sa kanyang mata habang tinititigan ang aking mukha.

Bigla tuloy akong nag alala kung anong itsura ko. Hindi pa ako nakakapag hilamos! Nawala lang ako sa aking iniisip nang bigla ay hinawakan niya ang aking pisngi at inayos ang ilang nakaharang na aking buhok.

"Merry Christmas, Ynah Marie." Aniya sabay lapit ng muka niya sa akin. Sa bilis nang pangyayari ay hindi ako nakagalaw. Natulala na lang ako nang dumapo sa aking noo ang mainit niyang labi.

Napalunok ako at tila may sariling isip ang kanang kamay ko nang mapahawak ito sa dibdib ko.

Pakiramdam ko ay lalabas sa aking dibdib ang puso kong humahataw sa kabog.

Magsasalita na sana ako nang maamoy ko bigla na parang may nasusunog.

"Shit, Calix! Yung niluluto mo!" Tila nagising siya sa sinabi ko at agad na tumakbo sa kalan. Ako naman ay mabilis na tumalikod sa kanya at dumiretso sa kwarto dahil sa kabang nararamdaman.

Crap. What am I feeling? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit may mga paru-parong nagwawala sa tiyan ko? And damn it! Bakit.. bakit..

Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko agad iyon at bumungad ang pangalan ni Jamie. Mabilis ko iyong sinagot.

"Jamie!" Maligaya kong bati sa kanya. "Merry Christmas.." saad ko.

"Merry Christmas, ateng! Kamusta ka diyan? Kasama mo ba ang papa mo?" Ngumuso ako sa tanong niya.

"Ayos lang ako at hindi ko kasama si papa.."

"Edi, mag isa ka diyan? Jusmiyo, Ynah! Aba'y umuwi ka naman sa inyo. Paskong pasko e mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa diyan dahil mag isa ka!"

"Ayos nga lang ako." Tsaka hindi naman ako nag iisa, e.

"Weh?" Aniya,tila naniniguro.

"Ynah, let's eat?" Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Calix. What the hell. Narinig kaya ni Jamie?

Chase and CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon