Chapter 3

70 3 0
                                    

Boyfriend

"Waah! Hindi tayo classmate Daph! Nakakainis naman oh kung kelan grade 10 na tayo saka pa tayo nahiwalay ng section."

Nahiwalay kami ni Sy ng section, pero magkatabi lang ang room namin sa first subject. Dahil first day ng school ay wala pang masyadong ginawa. Puro paliwanag lang about sa rules and regulations at pag nominate ng mag class officers.

Lunch time na, nag chat sakin si Sy na sa cafeteria na lang sya mag aantay sakin dahil nga hindi kami mag classmate ngayon ay mag kaiba ang schedule namin.

"Bumili na ako ng pagkain natin."

Umupo ako sa harap ni Sy, hindi namin kasabay si Grey kumain dahil sa senior na sya ngayon kaya mas nauuna kaming mag labasan kesa sa kanya.

"Isang taon na lang senior na tayo no Daph. Nakakaexcite na maging senior. tapos after two years eh college na tayo at 18 na tayo nun so malaya na tayong pumunta sa kahit anong club o bar dahil nasa legal age na tayo."

Next month ay birthday ko na, 16 na ako nun. Medyo na e-excite din ako dahil sa dumadagdag ang edad ko. Ang weird pakinggan kung gusto ko na talaga agad tumanda. Yung tipong malapit at angkop na ang edad ko para sa isang katulad ni sir Zach.

Nitong paglipas ng panahon ay napuna kung totoong may feelings ako kay sir, crush ko talaga si sir. Buong bakasyon ay madalas kong naiisip si sir. Kaya naman gusto kong mapabilis ang oras at maging ganap na dalaga at mature na ako kahit na sa bawat taon ay dumadagdag din ang edad ni sir Zach.

Nakakalungkot isipin na baka isang araw ay mabalitaan ko na lang na ikakasal na si sir, dahil nasa angkop na edad naman na ito para bumuo ng sariling pamilya.

Sa tingin ko ay hindi talaga para saakin si sir. Dahil umpisa palamang at hindi pa masiyadong malalim ang pagkagusto ko kay sir ay dapat mapigilan ko agad. Mali pala ang pag iisip ko na magging dalaga at mature agad. Dapat eenjoy ko muna ang pagiging bata ko. May tamang lalaki ang nakalaan para saakin at hindi si sir yun.

Sa loob ng isang buwan bihira ko lang makita si sir Zach sa loob ng school at pabor naman yun sakin para narin mapigilan ko ang paghangga sa kaniya. Mas tinuon ko ang oras ko sa mga bagay bagay tulad ng pag susulat. Mahilig akong mag sulat ng mga fiction. Kadalasan ay sumusulat din ako ng tula lalo na kapag nasa mood ako o inspired sa mga nangyayare sa paligid ko.

Nag susulat ako ng short story sa Wattpad, yun ang libangan ko sa nag daan na lingo at daan narin para malimutan ko sandali ang pag iisip kay sir Zach.

Next week ay birthday ko na, 16 na ako nun. Ang sabi sakin ni mama magluluto lang sya at i-invite ko na lang sila Sy sa bahay.

"Sy may Quiz kayo mamaya kay sir Dee. I- review mo yung last na tinuro nya." Habang umuupo sa tapat nya habang siya ay nakatitig sa cellphone niya.

Kakalabas lang namin sa room ni sir Dee at mamayang 1 sila Sy naman ang papasok.

"Oy babae sabi ko mag review ka dahil may quiz kayo mamaya!"

Sinilip ko kung anong pinagkakaabalahan nya sa cellphone niya at masyado syang tutok.

"Kdrama na naman? Naku babae ka sinasabi ko sayo tigil tigilan mo yang kaka- kdrama mo, i -review mo yung sa subject ni sir Dee. Pag wala ka mamayang maisagot dahil dyan sa kakapanuod mo bahala ka."

Ano bang napapala nya kaka kdrama? Kilig? Buti na lang di nya ako na impluwensyahan nyan dahil kung nagkataon baka nakikipag sabayan din ako sa kanya.

"Ang kontrabida mo talaga no? Eh sa dito lang ako sumasaya tapos pag babawalan mo pa! Para kang si mama. Psh!" Reklamo nya.

"Hindi kita pagbabawalan kung nakikinig ka sa sinasabi ko. Mamaya pag wala ka talagang maisagot sa quiz ipapakain ko sayo yang oppa mo."

Nag bili na rin pala siya ng pagkain namin.

"Ay pabor che! Unahin mo si Lee jung suk ah tapos isunod mo si Ahn ja-- aray naman Daph!"

Hinila ko ang buhok nya para matigil sa kakabanggit ng mga pangalan na ang hirap naman tandaan.

"Tigilan mo na nga yan. Kumain kana at mag review." Sinimulan na namin kumain.

"Ikaw anong gagawin mo?" Tanong ni Sy habang ngumunguya.

"Mag susulat malamang"

"Wow ang taray ng lola ko. Aral na aral che?"

"Gag*! Anong aral na aral? Tatapusin ko lang yung short story na ginagawa ko sa Wattpad at mamaya mag babasa ako ng Golden scenery ni 4reuminct dahil may bagong update na- aray! Bat nanabunot ka?!" Ang sakit ah! Parang matatanggal anit ko sa ginawa nya.

"Yan! Ang lakas maka sermon sakin sa kdrama eh yang Wattpad mo nga di mo matikalan."

"At least ako may CEO na asawa, may Attorney din at may engineer pa ako at ito pa may sikat pa akong bebe."

"Bruha ka talaga, kung makapag salita ka kanina akala mo di humaharot. Naku naku."

Pag katapos namin kumain ay pumunta kami sa tambayan namin malapit sa field. Andon si Grey naka upo habang nag gigitara.

"Nag lunch kana Grey?" Tanong ni Sy.

Umupo kami sa tabi nya.

"Yep! Kayo?" Tamad na tanong ni Grey.

Bukod sa mainipin ay tamad din madalas itong si Grey.

Sinimulan na ni Sy mag review kaya tahimik ang buhay naming tatlo.

Maya maya ay nag salita si Grey.

"Daph."

"Hhmm?" Kasalukuyan akong nag babasa.

"Si sir Zach nga pala tinanong ako kanina kung may boyfriend ka?."

Biglang bumaling ang atensyon ko kay Grey. Patuloy parin syang nag s-strum sa guitara nya.

Bakit naman mag tatanong ng ganon si sir?

"B-bakit daw?"

"Hhmm ewan ko sa kanya. Bigla na lang nag pusag ng ganong tanong kanina nung palabas na ako. Ako kasi yung huling lumabas." Binalik nya ang tingin sa gitara nya. "Nabanggit ko nga na birthday mo next week kaya tinanong ulit ako kung anong hilig mo? Sabi ko naman mahilig kang magbasa ng kwento sa Wattpad. At sinabi ko din favorite Author mo yung Cecelib."

"Oy gag*! San mo narinig yung about sa cecelib ah?!"

For sure kay Sy nya nalaman.

"Kay Sy, madalas mo daw binabasa mga kwento nun. Bakit may mali ba sa sinabi ko?"

Myghad 'tong babaeng to talaga basang basang lang. Mamaya niyan magtanong tanong si sir tapos malaman nya na yung mga kwento ni inang eh puro ka-- grr! Basta puro mature content!

Pahamak na kaibigan.

Bakit naman naisipan ni sir na alamin kung may boyfriend na ako? Minsan ang hirap din basahin ng teacher na yun, pasalamat siya gwapo siya.

Pero bakit naman tinatanong ni sir kung may boyfriend na ako?

❦︎Right_tear❦︎

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon