Chapter 11

53 2 0
                                    

Office

"Mag sabay kana anak sa kuya mo pumasok."

Nasa hapag kaming tatlo. Wala ulit si papa dahil sa ito ay may trabaho. Nasa malayong lugar.

Si kuya Drew naman ay nasa tagaytay ulit. Hinatin niya lamang ako at agad rin bumalik dahil sa may trabaho pa siya.

Ito ang unang araw namin ni Sy bilang senior high. Two years na lang at college na ako.

Si kuya Drixel naman ay Fourth year college na ngayon.

"Bye kuya." Binuksan ko ang sasakyan ni kuya. Magkatabi lang ang college at highschool dahil iisa lang naman ang may ari nito.

"Kahit senior kana dap-dap hindi kapa pweding mag boyfriend naiintindihan mo?" Paalala ni kuya.

"Oo naman kuya. Lagi ko yang tatandaan, pasok na po ako. Love you!"

"Good luck on your first day of school dap-dap"

At tuluyan ko ng sinara ang pinto. Isang mawalak na ngiti ni Sy ang sumalubong saakin sa labas ng gate.

"Anong muka yan?"

She smirked at umirap saakin. Nag lakad na kaming dalawa papasok.

"Muka ng maganda, duh hindi ba obvious?" Mataray niyang sagot.

"Bat hindi ko makita?" At sinilip ko ang kaniyang muka na tila ba may hinahanap.

"Alam mo bwesit ka talaga no, walang araw na di mo sinisira mood ko."

Natawa lamang ako sa reaksiyon niya.

"Excited na ako Daph! Sana magging teacher agad namin si sir Zach. Kaya stem kinuha ko dahil malaki ang chances na magiging teacher namin siya."

At nag ngumiti ng napakawalak na tila ba kinikilig.

"Ma i-chat nga si Grey." Pagbibiro ko.

Biglang lumaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Hoy gaga ka! Subukan mo lang ng masabunutan kita. Gusto mong balatan ako ng buhay nun?"

I just laughed on her reactions. Si Grey lang pala ang katapat.

Sy and Grey are in relationship, nung bakasiyon nagging sila. They never told us na sila na pala kung hindi pa binuyag ni Joco na nakita silang magkasama sa isang mall na mag ka holding hands.

Christmas vacation ng nanligaw si Grey kay Sy. Kaya pala bigla na lang nagging mag aso't pusa sila sa tuwing magkakasama kami dahil sa nagseselos daw madalas si Grey sa mga nag cha-chat kay Sy.

"Dito na ako babae. So pano kita na lang tayong lunch?" Paalam no Sy. Sa second floor pa ang room ko.

"Sige chat chat na lang."

Marami nang tao ang naabutan ko ng pumasok ako sa room. May iilan akong kakilala don na mga dati kong classmates.

Umupo ako sa tabi ni Cindy, siya lang ang malapit sa unahan na may pwesto pa.

Si Cindy ay classmate ko nung Grade 7, medyo close ko siya.

"Hi Daph buti classmate kita. Ikaw lang kakilala ko dito eh." Panimula niya.

"Buti na lang nandito ka. Kamusta bakasiyon mo?"

Hindi nag tagal ay dumating na ang teacher namin. Si Ma'am Yvon ang teacher namin sa practical research.

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon