Family
Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nasa hospital parin ako.
"Anak? Gising kana, nagugutom kaba? Kanina kapa hindi kumakain. May gusto kabang kainin? Ano anak? Sabihin mo lang kung anong nararamdaman o gusto mo. May masakit ba sayo?" Hinahaplos ni mama ang ulo ko. Kita ko ang pag alala niya sa muka.
Siya lang ang nakita ko sa loob ng kwarto. Wala sila kuya at papa, wala na rin ang doktor.
"Asan po sila, ma?"
"Si kuya Drixel mo ay pumasok sa school, si papa at kuya Drew naman ay may inaasikaso lang." Namamaga ang mga mata ni mama, halatang galing siya sa pag kakaiyak.
"Ma, gusto ko ng umuwi. Uwi na tayo."
"Oo anak uuwi na tayo, inaantay lang natin ang approval ng doctor at pwede na tayong umuwi. Bago umalis si papa mo ay nag iwan siya ng paborito mong ulam. Halika upo ka at papakainin ka ni mama."
Inalalayan ako ni mamang makaupo. Sinubuan niya ako kahit kaya ko namang pakainin ang sarili ko. Nabaling ang atensyon namin ni mama ng bumukas ang pinto. Sunod sunod na pumasok sila Sy, Gray, Joyce, Peejay, Merk at Joco.
"Daph!! Omg narinig ko yung nangyare, kamusta kana? Anong nararamdaman mo? Okay kalang ba?" Tanong ni Sy na may pag alala.
Agad nila akong nilapitan, niyakap ako nila isa isa. Bakas ang kanilang pag aalala saakin. Hindi ko alam ang isasagot sa kanila, Matipid ko lang silang nginitian.
"Ano daw pong sabi tita ng doctor?" Joco.
Tabi tabi ang mga lalaking umupo sa maliit na sofa habang si Joyce at Sy naman ay nasa kabilang gilid ko at si mama naman ay ganon din habang patuloy akong sinusubuan.
Medyo nahihiya pa ako dahil sa nakikita nila ang pag papasubo ko kay mama.
"Sabi ng doctor ay di mag tatagal makakalabas na din siya. Baka bukas ay pwede na."
"Hay mabuti naman kung ganon. Bakit ba kasi nasa labas kapa ng ganong oras, daph--" nakita kong siniko ni Joyce si Sy. Mukang na kuha naman ni Sy ang ibig sabihin ni Joyce.
Imbis na sagutin sila ay nginitian ko lamang sila. Kahit anong pilit kong kalimutan ang nangyare ay bumabalik ito. Ramdam ko parin ang takot hanggang ngayon, ang mga hawak at haplos nila sa balat ko ay bakas parin don. Hindi ko matandaan kung pano ako nadala sa hospital o sino ang taong tumulong saakin. May tanong saakin kung nagalaw ba ako pero wala akong kahit anong maramdaman na sakit sa pagitan ng aking binti. Basta ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay ay may naaninag akong sasakyang huminto malapit saamin.
"Nanghingi pala ako kay Cindy ng mga notes para kahit papano makahabol ka. Excuse kana rin sa mga klase dahil sa nangyare at pinapakamusta ka ni Cindy saakin." Sy.
Lumapit sa pwesto namin si Grey. Umakbay siya kay Sy at may binulong ito.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Wala akong lakas para makipag usap kahit kanino. Sa mga nangyare saakin hindi ko alam kung pano mag simula ulit, ang nangyare saakin at si Zach. Ang sakit na wala yung taong hinahanggan mo ng sobra habang nasa gitna ka ng kamatayan, kasama ng mga taong walang halang ang bituka. Kahit saan ako tumingin bumabalik sa aakin ang mga emahe ang mga hayup na lalaking yun.
Hindi ko namalayan na umalis na pala dila Sy. Ang sabi ni mama ay kanina pa daw ako kinakausap nila Merk pero sa malayo lang ako nakatingin. Nakatulog ako pagkatapos kumain at pag gising ko ay nandito na sila kuya at papa, ngayong araw din ang labas ko. Agad inasikaso nila mama at papa ang bill para makauwi na kami, habang tumatagal kasi ay gumigibat ang pakiramdam ko.
Hapon na kami nakauwi, hindi muna babalik si kuya Drew sa trabaho. Balak niya daw mag bakasyon muna dito sa bahay. Tahimik kaming nag gabihan, halos si mama at kuya Drew lang ang nag sasalita sa hapag. Agad akong nag paalam pag katapos kung kumain, matamlay parin hanggang ngayon ang pakiramdam ko. Feeling ko ang dami kong ginawa maghapon kaya ganon na lang kahina katawan ko.
Madilim ang aking silid, nalaupo ako uluhan ng aking kama habang yakap yakap ang mga tuhod. Inaalala ang nangyare saakin nung gabi ng birthday ko. Mula nang magising ako sa hospital ay hindi pa ako tinatanong nila mama kung bakit nasa labas pa ako ng ganong oras.
Sa bawat pag pikit ko ay ang tatlong mga lalaking hanggal ang nakikita ko, ang mahihigpit nilang hawak at haplos sa balat ko. Pilit kong kumakawala sa mga hawak nila, sumisigaw ng tulong subalit wala. Lahat yun ay nararamdaman ko hanggang ngayon, hindi ko na malayan ay mabilis na tumakbo saakin si mama, bigla na lang akong bumalik sa sarili ng maramdaman ko ang panginginig ng katawan ko at pag tulo ng mga luha ko sa mata. Sobrang higpit din ng kapit ko sa kumot habang sinisiksik ang sarili sa dulo ng kama.
Ang nag aalalang mata ang sumalubong saakin kay mama. Bukas na ang ilaw sa kwarto at lahat sila ay nandito. Umupo si papa sa may kaliwa ko at si mama naman sa kabila.
"Anak bakit? Anong nangyayare sayo? Sabihin mo kay mama please, anong masakit? May masakit ba anak ko? Sabihin mo sakin."
Nakayakap ako ng mahigpit kay mama. Ayaw ko na, please ayaw ko na maalala. Natatakot ako, ayaw ko na nito.
"M-ma...ma n-natatakot ako, pa-pano kung balikan ako ng mga lalaki na yun. Ma sasaktan nila ako ma...nakakadiri sila! Mga hayup sila! Ma...ayaw ko na maalala pa, ma tulungan mo ko."
Matindi ang panginginig ng aking katawan at hindi parin tumitigil ang pagtulo ng luha ko sa mata. Naramdaman ko ang pag yakap ni papa. Humihikbi narin si mama gaya ko. Nakatayo naman ang dala kong kuya sa harapan.
Nakikita ko ang awa sa kanilang mata. Hinawakan ni mama ang pisngi ko at hinarap sa kaniya habang tinutuyo ng hinlalaki niya ang luha dito.
"Makinig ka saaking mabuti anak, walang kahit sino man ang makakapanakit sato ulit hanggang nandito si mama...kami lahat, hanggang nandito kami hindi ka nila mahahawakan, tandaan mo yan. Anak makinig ka please, bukas na bukas pupunta tayo sa Psychiatrist magpapatingin tayo, okay?"
Ano?! Psychiatrist? Iniisip ba nilang nababaliw ako?
"Ma hindi ako baliw! Ba-bakit pa kailangan natin pumunta sa isang psychiatrist ma? Ma naman!"
"Anak makinig ka muna kay mama, alam naming hindi ka baliw. Hindi baliw ang anak ko pero ito lang yung paraan para makalimutan mo ang nangyare. Malaking tulog yun para sayo anak. Hindi ka baliw alam namin yun."
"Mag tiwala ka saamin bunso. Lahat gagawin namin para sayo, hindi ka namin ipapahamak kaya mag tiwala ka."
Lumapit sa pwesto namin si kuya at niyakap ako ng mahigpit at gumanti naman ako roon. Ramdam ko ang kaligtasan sa mga yakap nila.
"Pwede ba akong sumali?" Pagpaparinig ni kuya Drixel.
Natawa kami sa expression ng muka niyang nag papabebe. Lumapit siya saamin at niyakap din ako ng mahigpit. Tama sila, dapat mag tiwala ako sa kanila dahil sila ang pamilya ko. Sila lang ang tanong mapagkakatiwalaan at hinding hindi ako kayang saktan. Mababaliw siguro ako pag nawala sila saakin.
The hugs of a family is like a free therapy. Sa kabila ng nangyare ay nagpapasalamat ako dahil sa meron akong sila, wala na akong ibang hihilingin pa sila lang. Iwan at talikuran ako ng lahat pero sila ay hinding hindi magagawa yun. They are my family and they are my strength. They will always be my cure.
❦︎Right_tear❦︎
BINABASA MO ANG
"One decade" Right_tear | Completed
RomanceWARNING ⚠️ | R - 18+ | He was 25 years old and I was 15 years old when I first saw him. He is our school teacher in senior and I am a student on junior high. He was 25 years old and I was 15 when the first time he called my name. He was 26 yea...