Chapter 2

86 4 0
                                    

Full name

"Ms. Dash pwede mo bang ihatid ito tabing mga test questions kay sir Zach mo sa room niya?" Napatigil ako bigla sa ginagawa kong pagliligpit ng gamit kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Ma'am Jess. Kasalukuyan kaming nag hahanda papauwi dahil sa kakatatapos palang ng klase namin sa kanya.

Sa 40 students na nasa loob ng classroom ay ako pa talaga ang napakaswerteng nautusan nya.

"O-opo ma'am. Sige po."

Naririnig ko ang mga bulungan ng classmate kong babae.

"Ang swerte naman ni Daph, sana ako na lang ang inutusan ni madam para makasilay ako ng malapitan kay sir."

Well sorry kayo, ako ang inuutusan. Bleh!

"Sy wait nyo na lang ako ni Grey sa gate ah. Hatid ko lang tong test questions kay sir."

"Sure sure. Dalian mo lang ah. Mainipin si Grey, Daph." Paalala ni Sy habang papalabas kami ng classroom.

"Oo saglit lang ako."

Dumeretso na ako sa classroom ni sir Zach, sa kabilang building lang ang room ng mga senior high. Tatlong katok bago ko dahan dahang binuksan ang pinto ng room ni sir. Walang ibang tao don kundi sya lang. Nakaupo sya sa table nya habang may sinusulat na kung ano, tingin ko ay gumagawa siya ng  lesson plan.

Umangat ang paningin ni sir mula sa kaniyang sinusulat.

Bumaling siya sa pwesto ko, muling nag tagpo ang mga mata namin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko pero hindi ko pinahalata yun.

Dahan dahan akong pumasok at lumapit sa kanya.

"S-sir... pinapaabot po n-ni madam Jess 'tong test questions po sa i-inyo." Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na halos maituwid ang pananalita ko.

Inabot ko sa kanya ang mga test questions pero ang mga mata nya ay nanatiling naka tingin saakin.

Naalala ko na naman ang nangyare nung biyernes ng gabi sa bar.

"How's your Friday night? Did you enjoyed?" Seryoso nyang tanong.

Hindi na ako halos makatingin sa kanya ng deretso dahil sa kaba.

Bakit ba ganto ang epekto nya sakin.

"Okay naman po sir. Masaya naman." Thank God maayos kong nasagot ang tanong nya.

Bago sya bumitaw ng tingin sakin ay may pahabol pa syang sinabi.

"Do you frequently go there ms. Dash?"

"Ms. Dash.." bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil alam ni sir Zach ang apelyido ko.

How did he know my family name?

Imposibling malaman nya kasi never nya pa akong nagiging estudyante.

"Hindi naman po sir lagi. Pag wala lang pong pasok at pag naisipan na din po."

Gusto ko ng lumabas pero dahil sa nakakabastos kung tatalikuran ko sya bigla ay tiniis ko muna ang tumayo sa harapan niya.

"So every weekend? Or every Friday night? Are you aware that you're still young for that place ms. Dash?" Binalik nya saakin ang seryosong tingin matapos silipin ang mga test questions na binigay ko.

Dahil sa mga sinbi nya lalo ko lang gustong umalis na.

"O-of course sir. Hindi naman po k-ami nahuhuli."

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon