Chapter 26

42 2 0
                                    

I love you

"What did you do Daph? Kuya almost punch me kanina. Binalaan niya pa akong huwag kang ihatid mamaya."

Kelan ba ako patatahimikin ng mag kapatid na ito. Lagi na lang nila akong naabala, hindi na ako matapos tapos sa pag babalance.

Inirapan ko si Zaiver bago tinuloy ang ginagawa.

"Don't mind your brother, may sapak lang 'yon."

At dahil masunurin si Zaiver sa kuya niya ay talagang hindi ako sinabay pauwi.

Nasa labas ako ng kumpanya habang nag aantay ng masasakyan. Marami akong kasabay na mga empleyado na nag aantay din. Hindi nag tagal ay may humintong pamilyar na sasakyan. Kahit hindi bumaba ang nasa drive seat ay kilala ko na kung sino ito.

Hindi ako nag kamali nang bumaba ito at umikot papunta saakin, binuksan niya ang Passenger seat.

"Get in." Malamig ang kaniyang boses. Para siyang Boss kung makapag-utos. When technically he's our temporarily boss.

Ramdam ko ang panunuod saamin ng ilang empleyadong nag aantay din sa labas ng masasakyan.

"No, thanks. Mag tataxi ako." Umiwas ako ng tingin at hindi siya pinansin.

"Don't wait na kargahin pa kita para lang maipasok sapilitan sa loob dahil for sure hindi mo gugustuhin iyon."

I glared at him, padabog akong pumasok at umupo sa sasakyan niya. Bago niya tuluyang isara ang pintuan ay ngumisi pa ito ng nakakaloko at bumulong. "Good girl, baby." Inirapan ko siya.

Nakatingin lang ako sa bintana habang nag mamaneho siya. Kahit hindi ko sabihin kung saan ako nakatira ay alam kong alam niya dahil minsan na niya akong naihatid nuon.

Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang panay niyang sulyap saakin.

"Just drive Zach. Baka mabangga pa tayo kakatingin mo saakin."

"Are you mad?" Marahan ang tono niya, tinitimbang ang magiging reaksyon ko.

"Why would I Mr. Williams?" Kalmado ang boses ko.

Napagod ako sa araw na ito kaya walang lakas makipag talo.

He sighed, "Are you hungry? Gusto mo kumain muna tayo bago kita ihatid?"

"Ikaw bahala."

Kumain kami sa isang mamahaling kainan, sagot naman niya kaya walang problema saakin. Tahimik lamang kaming kumakain, parehong walang umiimik saamin. Pag katapos namin kumain ay agad niya rin akong inihatid.

Natapos ang linggong iyon na ganon ang routine, sabay kaming kakain sa tanghali at hinahatid naman niya ako pauwi. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon.

Saturday ngayon, walang trabaho kinabukasan kaya naman nag aya sila Sy na mag bar. Ngayon na lang ulit kami mag sasama-sama. Bago ako tumuloy ay inihatid muna ako ni Zach sa bahay. Hindi ko sinabi sa kaniyang may pupuntahan ako dahil baka mag pumilit pang sumama.

Pagkatapos kung pumalit ng damit ay agad akong sumakay ng taxi papunta sa bar. Nakasuot lang akong fitted black dress na hanggang gitna ng hita ko at black din na stilettos.

Hindi ako nag kamaling ako nalang ang hinihintay nila. Kompleto sila sa table at may mga bukas na din na mga alak sa lamesa.

"You're late again Ms. Dash." inirapan ako ni Sy bago nakipag beso, ganon din ang ginawa ng iba.

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon