Chapter 23

50 2 0
                                    

Zacharyx

"Daphney dalian mo na kumain at kanina pa si Sy sa labas. Pinapapasok ko ayaw man, aantayin kana lang daw don at kausap si Grey." Sabi ni mama habang papasok ng kusina.

Ang babaeng talaga yun, makalandi lang kahit umagang umaga. Agad kong tinapo ang agahan ko at nag sipilyo bago lumabas sa bahay. Ako lang ang mag isa ngayong nag almusal dahil tulog pa si kuya Drixel. Dahil graduate na siya ay kahit tanghali na siya magising ay okay lang kaya wala na saaking maghahatid kaya na pagkasunduan namin ni Sy na sabay na lang kami tuwing papasok. Dalawang linggo na kaming pumapasok sa college ni Sy. At pag pinasabing magkasabay kami ni Sy ay hindi nawawala si Grey. Tatag ng dalawang ito, sanaol na lang talaga.

Paglabas ko ng bahay natanaw ko si Sy at Grey sa tapat na nagbubulungan. Lalandi niyo mga be. Napaayos na lang sila ng tayo  ng makita ako. Inirapan ko lamang sila habang lumalakad papalapit sa kanila. Dahil college na kami ay kasama na muli namin si Grey sa iisang school kaya an lola Sy niyo ay laging masaya.

"Good morning ms. Ampalaya, bakit umagang umaga nakasimangot ka?"  Tanong ni Grey

"Panong di sisimangot eh ang pangit ng bungad ng umaga saakin."

"Hay naku Daph, kung patuloy kang kakain ng ampalaya tatanda ka ng dalaga kaya kung ako sayo ay simulan mo na ngayong college mag boy hunt. Tutulungan pa kita maghanap-- potek naman oh!" Natawa ako dahil sa pinitik ni Grey ang bibig ni Sy bago pa nito tapusin ang sasabihin.

Tiningnan ni Sy si Grey ng masama at sinuklian din naman ito ng masamang tingin ni Grey.

"Anong tutulungan mo si Daph? Gusto mong pilipitin ko leeg mo ha?" Grey's uttered.

"At gusto mong mawalan ng girlfriend ha?" Panghahamon ni Sy. Halata naman na nag bibiruan lang sila.

Naglakad kami sa sakayan ng jeep. Mabilis lumipas ang araw at buwan hanggang sa taon na ang dumaan. Mahirap pero masaya ang buhay college lalo na at kasama ang mga kaibigan mo. Kuya Drixel is now a license attorney, sa taon na lumipas maraming nag bago. Ang kuya Drew ko naman ay malapit ng ikasal, at ako naman ay Graduate na ng accounting. Board exam na lang ang inaantay ko para magging ganap na CPA. Si Sy naman ay hanggang ngayon ay nag aaral pa, si Grey at ang iba naman ay mga may trabaho na at wala parin ni isa saamin ang lumalagay sa tahimik.

Marami akong nagging kaibigan nung college, may naging boyfriend rin ako pero hindi tumagal. Para saakin hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. I will turning 24 next month, sa bilis ng oras hindi ko aakalain na tumatanda na ako. For the past seven years nagging mahirap para saakin ang maka move on sa nangyare sa unang dalawang taon. I never thought that I'll end up in uncontrolled situation. I was too young and vulnerable that time, the person who's my source of strength suddenly became pain for me. But I am thankful for the people whose stayed with me during on my darkest years.

I know that I am totally healed and more stronger to face every struggles. But I can't promise that I was already moved on.

"Daphney, kompleto kana ba ng mga requirements para sa board exam? Two weeks from now na yun diba?" Britney, classmate ko nung college.

"Malapit ko ng makompleto, COG na lang kulang ko pero baka next week makuha ko na."

Naging close ko si Britney, siya ang buddy buddy ko noong college ako, dahil sa mag kaiba ang course namin ni Sy kaya siya ang another version ni Sy sa buhay ko.

Months passed, nakapasa kaming pareho ni Britney at isa na kaming ganap na CPA. Madali akong nakahanap ng trabaho sa tulong ni Zaiver. Right, we are still connected because he's Cindy's boyfriend. Hanggang ngayon ay sila paring dalawa at bilib naman talaga ako sa tatag nila. Hindi na ako magugulat if one day ay engage na sila dahil I witnessed how they really love each other.

Walang alam si Zaiver sa nangyare saamin nga kuya niya. Wala rin akong ano mang nagging balita kay Zach mula kay Zaiver, kahit madalas kaming magkasama ay hindi niya ni minsan binaggit ang kuya niya at hindi rin ako nag tanong ng kahit na ano. I wouldn't deny na minsan ay naiisip ko siya. At sa tuwing nangyayare yun ay binabalik ako sa mga alalang gustong gusto ko nang takasan. Sa lumpis na taon ay posibleng may sarili na siyang pamilya.

I should not let myself to think him again, he's no good for me even at first.

Natigil ang pag mumuni ko ng may pumitik ng daliri sa harap ng muka ko. Nakakainis na ngisi ni Zaiver ang sumalubong saakin.

"Ms.Dash, binabayaran ka ng kompanya para mag trabaho hindi para mag daydream lang d'yan sa desk mo." Pagbibiro niya habang naka pamaywangan sa harapan ko.

Bakit ba ito sinagot ni Cindy eh ang sama sama naman muka nito pati narin ang ugali. Inirapan ko siya at natawa naman siya dahil don. Trip niya lagi akong bwesitin. Simula ng nag trabaho ako dito ay napapadalas na ang pang iinis niya saakin. Hobby niya na ata yun.

"Mr. Willam, hindi po ako nag da-daydream. And for your fucking information hindi ikaw ang nag papasahod saakin sa kompanyang ito at pareho lang tayong empleyado dito. And for another bullshit information tapos na ako sa report ko, so I have the rights now na mag muni muni kahit saglit. Unlike you na hindi parin tapos ang trabaho pero nagagawang mamasyal sa buong wing. So unprofessional."

Madrama siyang napahawak sa dibdib niya na para bang totoong nasasaktan siya sa mga sinabi ko pero ang totoo ay tuwang tuwa na naman ang gago dahil napikon na naman niya ako.
"Ouch! You hurting me Daph, parang wala tayong pinag samahan ah "

Inirapan ko lang siya sa dalawang pagkakataon. Umalis siyang may ngiti sa mga labi.

Pagod akong naupo sa sofa, madilim ang buong apartment ko. Simula noong nagtrabaho ako ay nag bukod narin ako ng tirahan kahit labag sa loob ni mama at papa. I want to be independent, napapansin ko kasing simula't simula ay nakadepende ako sa kanila lalo na nung may nangyareng hindi maganda.

"Ms.Dash the CEO requested the final report for this year under of the Zomo Project." Mr.Bedu

Agad kong prinint ang hinihingi ng CEO. After kong maprint lahat ay inayos ko ito at nag pasyang personal na iabot sa kaniya. Ganoon ang nakasanayan sa tuwing humihingi ng final report si Mr.Madela dahil kadalasan ay may tinatanong siya.

Marahan akong kumatok sa pintuan ng office niya. I opened the door gently, the familiar pairs of eye greeted me. I was stunned after I realized who's in the office of Mr.Madela.

"You may come in Ms. Dash." Mr. Madela said.

I feel my trembling legs,ngayon lang ako kinabahan ng sobra sa tuwing pumupunta ako dito, dahan dahan akong lumapit sa table ni Mr. Madela at inabot sa kaniya ang hinihingi niyang report.
Ramdam ko ang pagsunod ng tingin saakin ni Zach. Sa madaliang silip ko sa kaniya ay napansin ko na may pag babagong naganap mula sa kanya. Lalo siyang nag mature at mas nakakatakot na awra ang dala dala niya.

Sa taong lumipas ay ngayon ko lang muli siya nakita. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, ang pakiramdam ko nuong highschool sa tuwing nakikita ko siya ay ang nararamdaman ko ngayon. Mababaliw ata talaga akong tuluyan.

"Zach, iho she's Ms. Dash, the accountant of the company...Ms. Dash he's my nephew Zacharyx William, he's an older brother of Mr. William."

I tried to look not affected to his presence but I couldn't. He staring at me with his hawkeye.

"It's nice to see you again Daphney" a husky tone covered my ears. I miss his voice. I missed him.

❦︎Right_tear❦︎

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon