Chapter 4

62 2 0
                                    

Younger brother

Mabilis lumipas ang araw at ngayon na nga ang kaarawan ko, July 25. Buti na lang at Saturday natapatan, walang pasok.

*New town Squad Street* (name ng GC)

Daphney: 5pm pwede na kayong pumunta dito sa bahay. No gifts no entry. Salamat

Sy: kapal ng muka neto, anong no gift no entry? Nag regalo ka sakin nung birthday ko ha? Babae?!

Peejay: sakin din Daph wala kang binigay.

Joyce: sorry te ganda lang ang madadala ko later.

Merk: medyo late ako Daph mamaya. May pinapagawa pa sakin si mama eh.

Joco: @sy sabay ako sayo pagpunta. Daanan mo ko.

Sy: wow @joco maliligaw kaba at kailangan sabay pa tayo?

Joco: ang arte mo talagang babae ka! Sasabay lang dami ng sinabi.

Grey: ang daming arte niyan pre @joco ako na lang dadaan sayo mamaya.

Daphney: sorry man guys. Kala ko kasi nag regalo ako nung birthday nyo haha.

Sy: edi wow @grey.

"Babae HAPPY BIRTHDAY!" Bati sakin ni Sy habang yakap-yakap ako.

"Aray ko naman Sy! Ang sakit mo sa tenga."

"Group hug!" Sigaw ni Joco.

After ng group hug ay pumunta na kaming dining at nag simula ng kumain.

Ganto lang ako mag celebrate ng birthday simula pa nuon. Sila sila kasama ko kasi sila lang naman halos kapitbahay namin.

"Sorry, late na ba ako birthday girl?" dumating si Merk at may dala pang regalo.

After akong akapin ni Merk at iabot ang dala nyang gift ay umupo na sya.

"Sanaol may regalo. Kuya Merk lang sakalam" parinig ni Peejay

After namin kumain ay pumunta naman kami sa balkon.

Nag set si mama ng table don, pwede naman daw akong uminom kaso kunti lang. Kaming dalawa ni Sy.

"Dalaga na ang bunso namin ah." Joyce habang binubuksan ang tang pineapple juice.

Sa tropa si Joco ang magaling mag timpla ng inumin kaya sya naka toka sa pag titimpla.

4x4 at tang pineapple juice. 
Yan ang iinumin namin ngayon.

"May bibigay ako sayo mamaya" bulong ni Grey

Magkatabi kami at sa kabila ko naman ay si Merk.

"Ano yun? Regalo mo sakin? Wow nag abala kapa. Pero salamat."

"Lol! Ako mag bigay sayo? Yung ibibigay ko sayo ipapambili ko na lang ng bagong string ng guitara ko."

Wala talaga akong mapagbigay na kaibigan. Only Merk lang.

"Eh ano yung bibigay mo sakin?"

"Gift."  Simple nyang sabi habang shinot yung inumin.

Turn ko na.

Hindi ito ang una kong tikim sa gantong inumin.
After kong ishot ay bumaling ulit kay Grey ang atensyon ko.

"Gift? Akala ko ba wala kang ibibigay? Ang labo mo."

"Sinabi ko bang sakin galing?"

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon