Chapter 9

61 2 1
                                    

Beach

After nang usapan na yun ay nanahimik kami hanggang sa ihatid niya ako sa mismong tapat ng bahay namin. Bukas ko na lang siguro kukunin yung bag ko sa bahay nila Merk. 11:56pm narin kasi, baka lumampas pa ako ng 12. Yare ako kay kuya.

Naabutan ko si kuya Drixel na nag lalaro sa cellphone nya.

"Muntik kana lumapas ah" sabi niya habang patuloy parin ang pag pindot sa cellphone niya.

Nagbihis lang ako at natulog na. Madali akong nakatulog dahil sa pagod at sa alak na nasa katawan ko.

"Bunso papasok na ako sa trabaho ah. Ingat ka dito, kung lalabas ka wag kang lalayo di mo pa to kabisado at lagi mong dalhin cellphone mo." Paalala ni kuya Drew,

Kahapon pa kami ni kuya nakarating dito sa apartment nya sa Tagaytay. Tinuloy ko ang pag bakasyon dito. Balak ko ngayong mamasyal at mag libot-libot. siguro ay sa malapit muna ako para maging pamilyar sa lugar.

"Yes kuya"

"Alis na ako. Ingat ka dito. Love you." Hinagkan ako ni kuya at umalis na rin sya para pumasok.

Nag linis lang ako ng bahay, nagluto ng tanghalian ko. Pag kakain ko ay naligo ako at nag handa na para sa pag libot na gagawin ko.

Nilock ko ang apartment at sinimulan ng mamasyal. Napakaganda ng lugar, malamig at presko. Marerelax ka sa bawat nakikita mo.

Isang lingo na ang nakakalipas noong paghatid saakin ni Zach, hindi na ako naiilang kung Zach ang itatawag ko sa kanya. Ganon siguro pag crush mo.

Isang lingo ko na rin siyang hindi nakikita. Wala kaming communication hindi tulad ng kapatid niya. Madalas parin mag message saakin si Zaiver.

"Manang mag kano po ito?" Sabay pakita ng keychain,na gawa dito sa Tagaytay.

Siguro dapat sabihin ko kay kuya Drew na mag swimming kami dito sa Tagaytay. Dapat masulit ko ang bakasyon dito.

Tuwing lingo lang ang free time nya kaya siguradong magandang ideya kung sa darating na lingo ay mag swimming kami. Sayang at wala si kuya Drixel. Hindi ko talaga siya napilit na sumama, marami pa daw siyang gagawin.

Pag katapos kong mag libot libot at bumili ng mga bagay na gawa sa Tagaytay ay umuwi na rin ako. Medyo madilim na nang nakauwi ako. Buti na lang wala pa si kuya. Na itext niya ako kanina na wag na daw akong mag abala na mag luto dahil sa labas na lang daw kami kakain.

7pm nang natapos akong mag ayos, sabi ni kuya ay dadaanan niya na lang ako kaya dapat nakaayos na ako bago pa siya dumating.

Isang simpleng jacket na itim ang suot ko, under armour medyo malamig na din kasi lalo na dito sa tagaytay, at short. Sapatos na puti naman ang pinares ko.

Sa Isang simpleng restaurant ang napili ni kuyang kainan namin.

Medyo maraming tao nang umupo kami. Si kuya na din ang namili ng pagkain ko. Dahil familiar na siya kung ano ang masarap dito.

"Kamusta ang pamamasyal mo kanina bunso?" Panimula ni kuya. Habang inaantay ang pagkain.

"Medyo nalibang ako kanina kuya kaya medyo hinapon ako sa pag uwi. Alam mo kuya sabi nung ale marami daw magagandang paliguan dito sa Tagaytay tingin ko maganda kung maligo tayo sa Sunday, diba wala ka naman pasok non?" Tanong ko habang nakangiti.

"Oo naman, hahanap ako kung saan maganda at malapit lang para hindi hassle." Sagot nya.

Naka pang office parin ang suot ni kuya. Hindi na kasi siya nagpalit nung sinundo ako.

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon