Chapter 28

55 3 0
                                    

Nightmare

Halos hindi ako tinigilan ni mama sa kakatanong about kay Zach at kung paanong ko nagging boyfriend ang dati kong teacher. Hindi pinalampas ni mama na hindi sabihin sa dalawa kong kuya na mayroon na akong boyfriend kaya naman ang dalawa ay agad-agad akong tinawagan at halos dinaig pa si papa kung maka sermon at paalala saakin ng mga hindi ko dapat gawin, hindi ko tuloy maiwasan na mag imagine ng mga bagay bagay dahil sa mga paalala nila. Kung mga paalala ay akala mo minorde-edad pa ang kapagit nila.

Magaan na dumaan ang araw, lingo at ang buwan. Ngayon ang huling araw ni Zach bilang acting CEO dahil sa Monday ay babalik na muli si Mr. Madela galing sa bakasyon. Sa nag daan na araw ay lagi kaming mag kasama ni Zach, naghihiwalay lamang kami kapag oras na ng trabaho tulad ngayon. Hinatid niya pa lamang ako sa pwesto ko dahil kumain kami sa labas ng lunch. Ganon palagi ang routine namin, kung minsan naman ay sumasabay kami sa ilan naming kasama sa trabaho kumain para masanay siyang makihalubilo sa iba. Hindi yung puro saakin na lamang siya nakadikit halos.

Dahil Sunday bukas at huling araw ni Zach sa trabaho ay napag pasyahan ng karamihan na mag karoon ng celebration  dahil successful ang pagiging acting CEO ni Zach sa trabaho, sa pamamahala niya kasi ay maraming investors ang naclosed ang deal niya sa kompanya at parang isang farewell party narin ito ng mga empleyado sa kaniya. Nung una ay ayaw niya, mas gusto niya lamang na sa bahay niya kaming dalawa ang mag celebrate pero dahil mas gusto kong magging open siya sa iba ay pinilit ko siya na sumama tutal ay para sa kaniya naman iyong inihanda ng lahat. Wala siyang nagawa sa gusto ko, the one thing that I love from him is he always obey me.

I immediately finished my work for today, after I off the monitor I rushed to Zach's office. I saw him wearing his coat and ready to leave. He make leverage way going on my place. He snaked his arm on my waist and kissed my forehead, his favorite to do.

"Let's go?" He said with Melodious sound.

Maraming tao at malakas na musika ang sumalubong saamin sa isang bar kung saan kami mag cecelebrate ngayon. Nag text ang isa kong katrabaho na nasa taas sila, nag rent sila ng isang exclusive room para saamin.

Masaya kaming sinalubong ng lahat. Silang lahat ay na andito na, kulang kulang ay nasa trenta kaming katao kaya naman ay medyo malaki ang kinuha nilang kwarto, pati si Zaiver ay nandito na at kasama niya si Cindy. Agad akong lumapit kay Cindy at niyakap siyang mahigpit, matagal tagal din nung huli kaming nag kita at nagkamustahan bago siya pinakilala kay Zach. Binati ng ilan si Zach, marami ang nalulungkot dahil aalis na ito. Kahit paano ay nakilala nila at nakasundo si Zach dahil mabait itong boss kahit na may pag ka masungit at snob.

Maraming pagkain sa lamesa at syempre hindi nawawala ang mga alak. Nakaupo lamang kami habang ang iba ay nasa baba, sumasayaw. Nakahawak si Zach sa bewang ko habang sa kabilang kamay naman niya ay mamahaling alak. Sa kabila ko naman at ay mag karelasyon na si Zaiver at Cindy.

"I have to tell you something." Bulong saakin ni Cindy.

Medyo malakas ang sounds sa loob kaya kailangan pa naming mag bulongan ni Cindy upang mag kaintindihan.

"Ano? Huwag mong sabihin na buntis ka?" At nilagok ang huling laman ng hawak kong beer.

"Gaga, hindi yun. Ang dumi talaga ng utak mo. Nag li-live in na kami ni Zaiver."

Agad dumako ang mapanuri at tuksong tingin ko kay Zaiver habang sinuklian ako nito ng may nakakalokong ngiti.

"Ano? Pumayag ka na makasama sa bahay itong lalaking to? Eh alam mo namang tamad yan, gagawin kalang niyang katulong, Cindy. Hay naku sinasabi ko sayo." Kinindatan ko si Cindy upang iparating na nag bibiro lang ako. Humalakhak siya, masama naman ang tingin saakin ni Zaiver.

"Anong gagawing katulong pinag sasabi mo diyan? Gagawin ko kamong prinsesa itong babe ko. Ingit kalang kasi hindi ka pa binabahay nitong si kuya." Nagtawanan ang dalawang mag jowa at nagawa pang mag apir.

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, naramdaman ko naman na humigpit ang pagkakahawak saakin ni Zach. Nilapit niya ako sa katawa niya, halos ay nakasandal na ako sa katawan niya at bumulong saakin.

"Why? Do you want to live with me, baby? Hmm? Magagawan natin ng paraan yan. Just say it to me."

Pinamulahan ako ng muka sa sinabi niya, iniimagine ko palang na palagi kaming magtatabi sa higaan at sabay  gigising at matutulog ay nag-iinit na ang pisnge ko.

Agad kong nilayo ang katawan ko sa kanya pero hindi naalis ang pagkalahawak niya sa bewang ko.

Kumuha ako ulit ng panibagong alak at ininom ito. Pangalawa ko palang ito kaya naman ay okay pa ako. Ilang minuto ay nakaramdam ako ng ihi.

"Cr lang ako." Paalam ko kay Zach.

Tatayo na sana siya ng pigilan ko ito. " Ako na lang, saglit lang ako. Kausapin mo muna sila dahil mamimiss ka ng mga yan." Biro ko.

Ayaw pa niya sanang pumayag na bumaba ako mag isa pero wala siyang nagawa kung hindi sundin ako. Like what I've said, he obey me.

Pumasok ako sa cr, after kong umihi ay nag ayos muna ako ng muka. Pabalik na ako sa taas ng may biglang humarang saakin, dalawang anino ng lalaki. Lalampasan ko sana ng hawakan ako ng isa sa braso. Agad akong pumiglas at inangat ang tingin sa humawak saakin. Ganon na lamang ang panginginig ng katawan ko ng makilala kung sino ang dalawang lalaking nasa harapan ko. Kahit madilim ay kita ko parin ang kanilang muka dahil sa kunting liwanag na nanggagaling sa cr na bukas.

Mabilis ang pag atras na ginawa ko. Luminga ako sa paligid upang humingi ng tulong subalit sa kamalas malasan ko ay walang napapadaan kahit isa.

Napabaling muli ako sa dalawang lalaking nasa harap ko ng marinig ang malakas na ngisi nito.

"Long time no see ms. Beautiful." Dahan dahan silang lumapit sa pwesto ko at patuloy naman ang pag atras ko.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang pagtulo ng luha sa mata ko. Unti unting namamanhid ang mga palad ko, hindi ko maibuka ang bibig ko upang sumigaw ng tulong. Para bang nasa nakaraan ako na pangyayari, bumabalik saakin ang mga pangyayare noon. Ang dalawang lalaking nasa harapan ko ay ang dalawa sa tatlong muntik manamantala saakin noon. Ang mga lalaking nagging dahilan ng bangungot saakin sa lumipas na ilang taon.

"Mukang natatandaan niya pa tayo, pare." Tumawa ito ng nakakakilabot. "Namiss mo ba kami iha? Ilang taon din kaming nakulong nang dahil sayo."

"H-huwag kayo lumapit. S-sisigaw ako." Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko dahil nagsimula na itong manlabo.

Imbis na pakinggan nila ako at lalo lamang nila akong nilapitan, lalo akong natakot ng maramdaman ang malamig na pader sa likod ko. Wala na akong maatrasan sa mga oras na ito, masikip ang lugar na ito, tanging isang daan lamang ang pweding daanan at yun ay ang hinaharangan nilang dalawa.

"Huwag kang matakot saamin iha, hindi sa namin sasaktan. Ipaparanas lamang namin sa iyo ang impyernong naranasan namin sa bilanguan."

Namanhid ang buo kong katawan ng mahawakan ng isang lalaki ang muka ko ng mahigpit. Pilit kong kinakawala ang pagkakahawak niya subalit hinawakan ako ng isa nyang kasama sa braso.

Tumakas ang hikbi sa aking bibig at kinatuwa naman ito ng dalawang demonyong nasa harap ko. Nilapit ng isa ang kaniyang muka saakin at bumulong ng nagpaiyak saakin ng malakas.

"Alam mo ba na kating kati akong patayin ang ka at ang mga magulang mo? Pero bago ko gawin 'yon ay titikman muna namin ikaw, kahit noon paman masarap kanang tingnan lalo ngayon na sobrang kinis at ganda ng iyong katawan."

Namilipit ako sa sakit ng malakas akong suntukin nito sa tiyan. Nanghina ang katawan ko dahil don, halos mawalan ako ng malay sa ginawa niya. Sinabunutan niya ako ng mahigpit. Hindi ko na alam kung saan masakit, sa ulo ba o sa tiyan o sa puso. Nasundan ang suntok na ginawa niya. Sa mga oras na yun ay wala na akong ibang iniisip kung hindi ang pamilya ko at si Zach bago ako tuluyang nawalan ng malay. Sana ay isang bangungot lamang ito.

❦︎Right_tear❦︎

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon