Chapter 27

47 2 0
                                    

Teacher

Masarap sa pakiramdam ng magising ako. Ang init ng unang yakap-yakap ko kaya naman lalo ko pang hinapit ito papalapit saakin, medyo matigas lang siya pero masarap kayakap.

"you're choking me baby." A husky voice covered my ears.

Napakunot ang nuo ko dahil sa narinig. Bakit may boses ang unang yakap ko? Nananaginip ba ako?

"Baby come on, I can't breathe."

Saka lamang akong natauhan ng makilala kung kanino galing ang boses na iyon. Agad kong minulat ang mata ko at nanlaki ito dahil sa sobrang lapit ng muka naming dalawa ni Zach. Halos ay magdikit ang aming mga labi sa sobrang lapit. Dali-dali akong lumayo sa kaniya at naupo, hinila ang kumot para ibalot ang sarili ko bago sinilip kung may suot paba akong damit. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang may suot suot pa ako. Saka lang nag sink in saakin na nasa bahay ako nila Zach. Naalala ko ang nangyare kagabi kung bakit ako nandito.

Nag-init ang muka ko dahil sa kahihiyan. Bumangon narin siya at doon ko lang nakita ang kabuohan niya.

"D-diba may damit ka kagabi?"

Lumapit siya saakin at dumantay, kinulong niya ako gamit ang mga kamay niya sa headboard ng kama niya. "I took it off, ininitan ako kagabi eh." Lalong uminit ang muka ko at umabot pa sa leeg dahil sa sinabi niya, parang iba ang dating nuon saakin.

"What do you want to eat? I'll cook our breakfast." Marahan ang boses niya, para akong hinihele sa sobrang rahan nito.

"Anything will do." Umiwas ako ng tingin. Lalo lang niyang nilalapit saakin ang sarili niya.

Marahan siyang tumawa sa reaksyon ko. "Okay, magluluto lang ako sa baba ng breakfast natin."

"Sige. Sunod na lang ako." Napakagat siya ng labi bago tuluyang hinila ang sarili paakyat. Napahinga naman ako ng maluwag ng makitang lumabas siya ng silid.

Agad akong pumasok sa banyo niya upang mag hilamos at sipilyo, buti na lamang ay may extra siya don. Pinalitan ko narin ng dating damit na suot ko kagabi ang damit ni Zach at saka nilagay sa labahan.

Bago ko lisanin ang kwarto niya ay pinasadahan ko pa ito ng tingin. Agad akong dumeretso sa kusina, naabutan ko siyang naghahanda na ng pag kain sa lamesa. May sinangag, itlog, bacon at hiniwang mangga at coffee.

"Let's eat."

Inabot ako ang bagong t-shirt sa kaniya. "Mag bihis ka muna."

Natatawa siyang inabot ito at sinuot. "Sweet, baby." Inirapan ko siya bilang sukli.

Umupo na ako at nag sandok na ng pagkain. Ganon din ang ginawa niya sa harapan ko. Inabot niya ang kape saakin. Tinikman ko ito, in fairness masarap siyang mag timpla ng kape.

"How's your sleep?" Tanong niya habang nasa kalahatian kami ng pag aalmusal.

"It's good."

"Halata nga, sa sobrang higpit ng yakap mo saakin kagabi at kanina imposibleng hindi napasarap ang tulog mo." Napaangat ang tingin ko sa kaniya at tinapunan ito ng nakakamatay na tingin.

"Ang kapal mo rin no, ikaw nga tong grabe kung makalingkis ng braso saakin eh, akala mo hindi ko alam."

Sinagot niya lang ako ng malakas na tawa. Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Ako na ang nag presintang humugas pagkatapos naming kumain. Pumayag naman siya at agad tumaas sa silid niya, maliligo daw muna siya.

Saktong pagkatapos kong maghugas ay siya namang pag baba niya. Bagong ligo ito at nakasuot ng short na itim at white t-shirt na may malaking check sa harapan.

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon