Fiancee
Kinabukasan nun ay agad kaming kumunsulta sa isang psychiatrist na kaibigan ni kuya Drew. Saglit niya lang akong tenest at tinanong ng may kinalaman sa naranasan ko. May nereseta siya saakin iilang gamot at kung mag patuloy daw na mangyare saakin ang nangyare kagabi ay bumalik kami agad. Binigyan niya rin ako ng sleeping pills dahil gaya ng sabi niya na kapag nag oover think daw ako at hindi makatulog ay may maiinom ako. Sinabi niyang na trauma ako sa nangyare at nag result yun saakin ng depression. Buti na lang at hindi nagging anxiety. Sinabi niya rin na iwasan kong mag isip ng mga bagay bagay lalo na sa nangyare, matuto dapat akong kontrolin ang isip ko para hindi ako matalo nito.
Pag katapos namin mag pa consult ay kumain kami sa Mang inasal, lahat kami ay sama sama pag punta sa doctor. Bukas pa ang alis ni papa para mag trabaho at si kuya naman ay tinuloy ang balak na bakasyon.
Monday morning ngayon, ito ang unang araw kong papasok pag katapos ng nangyare, isang lingo ako ipinag pahinga nila mama. Buong linggo ay wala kaming ginawa kundi ang mag bonding nila kuya, hindi ako hinahayaang mag isa nila kuya kaya naman ay madalas kaming magkasama ni kuya Drew. Minsan ay namamasyal kami ni kuya Drew sa mall, kami ang madalas magkasama dahil si kuya Drixel ay may pasok.
Mananatili pa si kuya Drew ng isang linggo sa bahay. Susulitin niya ang pagpapahinga dahil sa oras na bumalik siya sa trabaho ay matagal bago muli siya makakapag pahinga.
Gaya ng nakasanayan ay gumising ako ng maaga at nag asikaso para sa pag pasok. Sabay sabay kaming nag almusal nila kuya at mama. Pag katapos namin kumain ay lumarga narin kami ni kuya Drixel para pumasok, siya narin ang maghahatid saakin sa school.
*text message*
Sy: Dito na ako, sa gate na lang kita antayin. See u babae :*
Nang nalaman ni Sy na papasok na ako ng Monday ay agad siyang nag presentang sunduin ako sa bahay para sabay na kami pumasok pero dahil sa si kuya Drixel na ang naunang nag sabing maghahatid saakin ay sinabi kong sa gate na lang niya ako antayin para sabay kami pumunta sa kanya kanyang room.
Agad kong natanaw si Sy na nakatayo sa gilid ng gate ng school namin habang may kinakalikot sa cellphone niya.
Nag paalam ako agad kay kuya at bumaba na ng sasakyan. Kuya Drixel just wave his hand at me before he maneuvers his car.
When Sy's met my eyes she immediately run towards me and welcomed with a warm hug. I miss her, namiss ko sila sobra.
"You finally back. Wah! I miss you Daph, super! I have many chika for you." She dramatically signed,
Natawa naman ako sa ekspresiyon ng muka niya. Naglakad na kami papasok.
"Chika na naman? Ano yun, hiwalay na kayo ni Grey? Hay salamat-- aray! Ang sakit nun ah?! Manabunot ba naman."
Bigla bigla na lang nanghihila ng buhok. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Sinagot ko naman to ng matamis na ngiti habang naka peace sign ang daliri.
"Hoy babae! Never kaming mahihiwalay ng babybabe ko no, never! Kahit mag end of the world pa." Confident niyang sabi.
Proud din ako sa dalawang to, tumagal kahit parang aso't pusa. Ganon siguro kapag true love. True love. Yak! Walang ganon.
"So ano yung chika mo? Make it sure na matutuwa ako diyan. Kung hindi hihilahin ko yang buhok mo hanggang sa matanggal yang anit mo sa ulo mo."
"Ang sweet mo talaga no? Sana kunin kana ni satanas, inamoka." Gigil niyang sabi. "So ayun na nga alam mo bang nag resigned na si sir Zach bilang teacher?"
BINABASA MO ANG
"One decade" Right_tear | Completed
RomanceWARNING ⚠️ | R - 18+ | He was 25 years old and I was 15 years old when I first saw him. He is our school teacher in senior and I am a student on junior high. He was 25 years old and I was 15 when the first time he called my name. He was 26 yea...