Zaiver Williams
Ang ending umuwi akong broken dahil sa lintik na Grey na yun. Akala ko pa naman may pag tingin na sakin si sir.
Sino ba yung kapatid ni sir Na nagbigay nitong kwentas. At bakit niya naman ako bibigyan nito? Eh hindi ko naman sya kilala.
"'Nak? Okay kalang ba? May problema ka? Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon?" Tanong ni mama.
Kompleto kami ngayon sa hapag dahil umuwi si kuya galing Tagaytay. Don kasi sya nag tatrabaho. Ako ang bunso samin, tatlo lang kaming magkakapatid. Si kuya Drew ang pinaka panganay samin na graduate na. Nag tatrabaho siya sa Tagaytay. Sumunod naman ay si Kuya Drixel, college na siya graduating. Samin mag kakapatid sya ang pinaka tahimik habang si kuya Drew naman ang pinaka siraulo. Well ako naman ang pinaka maganda dahil ako lang naman ang babaeng anak.
"Okay lang po ako ma. Medyo marami lang kaming gawain sa school." Sagot ko naman.
"Dap-dap pinapatanong nung classmate ko kung natanggap mo daw ba yung regalo? Anong regalo ba yun at bakit ka nya binigyan? Nililigawan kaba nun?" Pang uusisa ni kuya Drixel.
Classmate ni kuya? Regalo? Don't tell me yung tinutukoy na kapatid ni sir Zach na nag bigay nung kwentas eh classmate ni kuya?
"Anong regalo yun Daph? May nanliligaw ba sayo? Paalala ko lang sayo bunso 16 ka palang. Huwag ka munang mag papaligaw, tapusin mo muna yang pag aaral mo." Sermon ni kuya Drew.
"Sinong classmate yun 'nak?" Tanong ni papa kay kuya Drixel.
"Si Zaiver Williams pa. Classmate ko sa isang major." Sagot ni kuya.
Mausisang tinitigan ako nila papa at mama. Nakisabay pa ang dalawa kong kuya.
"Hindi ko po kilala yung tinutukoy ni kuya ma, pa. Pero po nung birthday ko may inabot sakin si Grey na regalo, kwentas po yung laman. Ito po oh" at pinakita ko sa kanila ang suot suot kong kwentas. "Hindi ko po siya kilala o nakikita man lang. Pasabi na lang kuya na thank you don sa gift. Hindi na sya dapat nag abala."
"Basta Daph no boyfriend muna hanggang hindi kapa college okay? Hindi sa pinaghihigpitan ka namin, para din to sayo." Aniya ni mama.
" Opo ma, hindi naman po ako nag mamadali at wala pa po sa isip ko yan."
We? Di nga?
Wala sa isip pero daming asawa sa Wattpad. Naku Daph ang harot.
"Babae nag chat si Merk sa GC kung G daw tayo mamaya. May paparty ang lolo mo sa bahay nila mamaya. Friday ngayon so bukas walang pasok bawal ang I'll try, I'll try dyan." Sabi ni Sy.
Nag aabang kami ngayon ng jeep na masasakyan pauwi. Friday ngayon at bukas wala kaming pasok. Dalawang buwan narin mahigit nung huling pag uusap namin nila kuya, mama at papa about don sa classmate ni kuyang nag bigay nitong suot suot kong kwentas. Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung sino yung Zaiver na yun. Gusto ko man tanungin si kuya kung sino yun kaso di ko na balak pang tinuloy at baka sabihin pa ako kila mama na interisado ako don sa lalaki.
At sa loob ng halos dalawang buwan ay hindi ko na muli pang nakausap si sir Zach. Siguro dahil sa kahihiyan na din.
"Nag tanong kapa kung di rin naman pala pweding hindi sumama." Pag mamaktol ko sa kanya.
"Syempre inunahan na kita. alam ko na yang karakas mong yan. I'll try I'll try naku Daph. Kaya pumunta kana lang mamaya sa bahay nila, alam kong malalate ka at aantayin mo pa sila titang makatulog."
"Oo susunod na lang ako don. Siguro naman maaga sila ngayong matutulog kaya maaga akong makakatakas."
8:57pm, nang makalabas ako ng bahay ng payapa. Akala ko nga hindi pa sila matutulog eh, buti na lang talaga malapit bahay nila Merk samin. Mga pitong bahay lang ang pagitan.
BINABASA MO ANG
"One decade" Right_tear | Completed
RomanceWARNING ⚠️ | R - 18+ | He was 25 years old and I was 15 years old when I first saw him. He is our school teacher in senior and I am a student on junior high. He was 25 years old and I was 15 when the first time he called my name. He was 26 yea...