Chapter 7

54 2 0
                                    

Moving up

"Dap-dap let's go! Ikaw na lang ang iniintay!" Sigaw ni kuya Drixel.

Muli akong tumingin sa salamin bago lumabas nang aking silid.

Nakasuot ako ng jacket na itim na may malaking check sa harap at short at pinartneran ko ng white sneakers.

"Daph pake dala nga tong candila at baka maputol sa bag ko." Utos sakin ni mama.

Naabutan namin sila tita sa puntod ng lolo, andon din ang ilan kong pinsan. Sinindihan ko ang dalang kandila at itinayo sa may puntod ni lolo.

Pag kamano ko sa mga tita ko at kunting tanong tulongkol sa pag aaral ko ay tumabi ako kay Erich. Isa sya sa pinsan ko, anak ni Tita Mae at Tito Jun.

"Kamusta probinsya?" Panimula ko.

"Ayun mapuno parin. Ikaw, balita sayo te?" Tanong nya. Medyo natawa ako sa sagot niya.

Sa lahat nang pinsan ko si Erich lang ang pinaka close ko. Madalas kasi sya saamin dati pag bakasyon.

Buong magdamag kami sa puntod ni lolo, dumating din si lola kasama ang iilan kong tito. Bago matapos ang gabi ay dumalaw ako sa iilan pa naming kamag anak, nakita ko din sila Joco don.

Natapos ang sem break na parang wala lang. Buong lingo nag sulat lang ako ng kwento at mga tula. Nag Wattpad at tinapos ang project sa art. Habang tumatagal lalong bumibilis ang mga araw.

School, bahay lang ang tema ko simula nung pinuna ni sir ang pagpunta ko nang bar. Hindi na kami nila Sy at Grey muling pumunta pa don. Kapag may special occasion ay sa bahay lang halos nila Merk ang ganap, gaya nung pasko at bagong taon. Muli kong nakasama si Zaiver sa bahay nila Merk dahil after ng new year ay nag celebrate kami kila Merk kasama ang classmates at tropa nya.

Sa pag lipas ng buwan ay napapadalas ang pag paparamdam sakin ni Zaiver at sa kabaligtaran nuon ay ang sobrang dalang ko naman na makita si sir Zach kahit na nasa iisang school lang kami.

Ngayon ay ang araw ng aming moving up. Senior high na ako next school year. Kaba at excitement ang nararamdaman ko.

"Congratulations Bunso." Hinalikan at niyakap ni kuya Drew, inabutan naman ako ni kuya Drixel ng bulaklak.

"Congrats dap-dap." Pag bati ni kuya Drixel.

Kompleto kami ngayon, kasama sila mama at papa.

After nang picture kasama ang classmates at adviser ay sumunod naman ang pag picture naming dalawa ni Sy.

Kumain lang kami sa labas kasama ang buong pamilya. Mamaya ay nakapagpaalam ako kila mama na baka mag celebrate kami ni Sy kila Merk dahil sa moving up namin at pumayag naman sila.

*Ting*

Zaiver Williams: congrats 🎉

Daphney Dash: thanks!

Zaiver Williams: I have something for you.

Daphney Dash: another present? Diba sabi ko wag kanang mag abala. Napaparami na ang bigay mo sakin.

Nung nag celebrate kami kila Merk nung new year ay binigyan nya ako ng regalo. Isang t-shirt. Kaya akala ng mga kaibigan ko at niya ay nanliligaw sya.

Zaiver Williams: it's your moving up. Promise last na to.

Daphney Dash:okay, thanks then. See you later!

Zaiver Williams: see u Daph☺️

"Dap-dap!" Kuya Drixel

"Oh kuya?" Binalik ko sa bag ang cellphone ko dahil dumating na rin ang pag kain namin.

"Sabi ni kuya Drew kung gusto mo daw sa Tagaytay mag bakasyon, sa kanya." Kuya Drixel.

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon