Chapter 19

42 3 2
                                    

Birthday worse gift

Bago ako tuluyang bumaba ay muli kong tiningnan sa salamin ang aking muka. Bakas ang pag iyak kahit naligo na ako. Ngayon ay ang aking kaarawan. Dapat lamang na maging masaya ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si Zach. Bago ako naligo ay muli kong sinubukang tawagan siya para mapakinggan ang kaniyang dahilan, alam kung may eksplinasyon lahat at aking papakinggan muna yun mula sa kaniya dahil ganon ang tunay na mature. Hindi basta basta nag papadala sa mga nakikita lamang, kahit masakit sa parte ko ay handa akong marinig mula sa kaniya ang mga nangyare sa pictures at kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin siya nag paparamdam.

Bago ako humarap kila mama at kuya ay ngumiti ako, kahit sa loob ko ay parang dinudurog sa mga nakita kaninang umaga.  Si kuya Drew ang una kong nakita sa sala, agad siyang ngumiti ng makita ako.

"Happy birthday bunso namin." Sinalubong niya ako ng yakap na mahigpit at hinagkan sa ulo.

"Salamat kuya kong pogi."

Nakayakap ako sa waist ni kuya Drew at naka akbay naman siya saakin habang papunta kaming kusina. Naabutan naming nag hahanda ng almusalan si mama at nag kakape naman si kuya Drixel.

"Happy birthday anak, Sabihan mo na lang sila Sy na dito na lang sila mag gabihan mamaya. May balak ba kayong uminom mamayang gabi, nak?" Niyakap ko si mama.

"Wala po ma,"

Nilapitan ko si kuya Drixel, sinalubong niya ako ng yakap. "Happy birthday dap-dap, maya sama ka sakin sa kwarto nandon ang regalo ni kuya sayo." Bulong niya. Bago niya ako pakawalan ay tinapik niya ang aking balikat.

"Yiiee thank you kuya."

Umupo ako sa tabi ni kuya Drew. Sabay sabay na kaming nag almusal. Wala pa si papa dahil mamaya pa daw to makakauwi sabi ni mama.

"Aww, nakakatouch namannng gift mo kuya. For sure mag eenjoy akong basahin to." Sarcastic kong sabi. "Bakit ito ang ibinigay mo? Alam mo naman na hindi ako mahilig magbasa tulad mo. Akala ko pa naman bagong cellphone na o kaya make up, libro lang pala--. Aray!" Pinitik ni kuya Drixel ang nuo ko.

"Anong make up? 17 ka palang dap-dap, anong make up, make up, dapat sayo pulbo. At wag mong ma lang lang tong libro ko no! Mahal to, at siguradong marami kang matutunan diyan kaya basahin mo." He uttered.

"Salamat sa libro mong mahal ha. Psh. Dami daming bibigay libro pa. Hindi man lang binalot" Mahina kong sabi.

Tumayo ako sa pagkakaupo mula sa kama niya. Pag katapos kasi naming kumain ay sumunod ako sa kaniya papunta dito para sa regalo niya saakin.

"Oh saan kana pupunta?"

"Don sa kwarto ko, susubukang basahin itong bigay mo baka sakaling maging matalino na ako pag binasa ko 'to."

Natawa siya sa sinagot ko. Lalabas na sana ako ng pintuan niya ng may kahon na maliit ang humarang sa paningin ko.

"It's a prank princess, ito talaga ang gift ko para sayo. Hope you like it."

Inabot ko ang kahon, kulay pink ang balot nito. Bago kobuksan ang kahon ay pinanliiatan ko siya ng mata. Nawala lahat ng inis ko kay kuya Drixel ng makita ang nilalaman ng kahon. It's a white gold anklet.

"Oh my God kuya, ang ganda. Shit, siguradong mahal to. Siguro malaki ang kupit mo kay mama 'no?"

Natawa siya sa sinabi ko, pabiro niyang kinurot ang ilong ko.

"One decade" Right_tear  | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon