ALEXIA
Kakatapos lang ng klase at kasalukuyan kong hinahanap si pards na hindi ko alam kung saan lupalop ng mundo ba siya naroon at iniwan ako.
'ayan na naman ang isang bitch!'
'obsess masyado eh!'
'kala mo magugustuhan ni Prince Reigel!'
'oo nga, parehong pareho sila ni Princess Bleiri, obsess masyado!'
'attention seeker!'
Hindi ko nalang pinansin at baka mapatay ko sila ng maaga. Inis na inis akong nakahawak sa batok ang dalawang kamay. Tsk! Saan ba napunta yung si pards.
"hi Gleini" bored kong nilingon ang nagsalita. Reixi Velmos. Princess of Farren at kapatid ni Reigel na gusto ni Gleini.
"what?" bored kong tanong na parang nagulat siya. Mabait naman siya eh. Pareho sila ni Zai.
"uhm-"
"nakita mo ba si Bleiri?" mukha naman siyang nagulat.
"u-uhm hindi eh"
"ah okay" tumalikod na ako at naglakad. Narinig ko pang tinawag niya ako. Wala akong pake dahil importanteng mahanap ko si pards.
"what?" naiinis na ako ah.
"itatanong ko lang sana kung may gusto ka talaga kay kuya?" tsk!
"wala, hindi ko siya gusto kasi may gusto na akong iba" tumalikod na ako at patuloy na naglakad. Bahala ka jan.
Nakasalubong ko pa silang magbabarkada. Si Mordex na malamig katulad ni pards. Si Norgen na walang pakialam sa mundo, kapatid ni Mordex. Si Reigel Velmos na mayabang. At si Harlie Gleimor na matinong kausap. Sa kanilang lahat, siya ang nasa gitna, wala siyang pinapanigan. Hinarang ko sila na kinakunot ng noo niya.
"tss! Nandito na naman" asa kang ikaw ang gusto kong harangin.
"nakita niyo ba si Bleiri?"
"tanungan ba kami ng mawawalang obsess na Prinsesa?" aba siraulo to ah.
"maayos ang tanong ko kaya ayusin mo ang sagot mo" mukhang nabigla pa sila. Seryoso ako pero iba ang sagot nila. Nakakairita.
"bakit mo siya hinahanap?" nakangiting tanong ni Harlie. Gwapo nito eh kaya lang hindi siya pwede.
"We have matters to settle, or maybe we can beat your godforsaken faces...if necessary" nakangiti kong sagot na ikinakunot ng noo nila habang nakangiti lang si Harlie.
"crazy" hindi ko pinansin ang nagsalita at nakatingin lang kay Harlie
"nasa garden siya" nakangiti akong lumapit bago kinurot ang pisngi niya. Nanggigigil ako.
"thank you" bago ako sumipol sipol na nilagpasan sila. Siya lang ang matinong kausap
Nagpunta ako sa garden at naabutan kong inaaway na naman siya ni Gratel the bitch, at may kasamang dalawang alipores ah, malupet!
"you bitch! Bagong style niyo ba to para magpapansin?"
"kala mo naman tatalab sa mga prinsipe!"
"kaya nga, masyadong obsess!"
"kung gusto niyo, sa inyo na. Nakakasawa na sila lagi ang binabanggit niyo" nakapikit siya habang nakahiga sa damuhan.
"what!"
"duhh, acting lang yan, Gratel"
"yeah right, acting na kunwari walang pakialam, pero babalik pa rin sila sa dati"
BINABASA MO ANG
🚫❌🚫 (Under Revision) HUWAG MUNA BASAHIN!
RandomAn encounter of two people, stumble upon into a strange new world. A world where magic exist. An encounter that will changed their lives.