Chapter 2 Puppet Princesses

5.5K 164 2
                                    

-ELIANDA KINGDOM-

"anong gagawin natin ngayon?" tanong ng kapatid ko habang umiiyak na nakasunod sa'kin habang tinatahak ang daan papunta sa gusto naming puntahan.

"malapit na tayo" napahinto naman siya bago naupo sa lupa. Lumapit ako habang patuloy din sa pagtulo ang luha.

"gusto mo bang lumayo dito?" nag-angat siya ng tingin at parang naguguluhan sa sinabi ko.

"a-ano kamo?"

"gusto mo bang pumunta sa lugar kung saan malaya tayong gawin ang gusto natin nang walang nanghuhusga satin?" patuloy pa din ang luha namin dahil sa sakit ng pagtataksil ng sarili naming pamilya.

"s-saan?" tumayo ako at inabot ang kamay na agad naman niyang kinuha.

"hahanapin natin ang Puppet Fairy" siya nalang ang makakatulong sa'min.

"saan naman natin siya makikita?" hinatak ko siya at nagpatuloy maglakad sa tahimik na gubat.

"sabi nila nandito daw nakatira ang fairy. Hahanapin natin siya para humingi ng tulong" kinakabahan ako. Delikado ang gubat lalo na at gabi. Hindi ko alam kung ano ang lalabas sa paligid at wala akong pakialam. Ang nais ko lang ay lumayo sa lugar kung saan ramdam namin ang sakit.

"paano sila ama, si ina, sina kuya?" huminto ako at humarap sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa pulsuhan niya.

"nagsinungaling sila sa'tin. Galit sila sa'tin, hindi nila tayo mahal" lalo lang siyang napaiyak sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Wala kaming puwang sa lugar na iyon.

Tahimik ang paligid at walang kahit anong ingay. Nakakakilabot ang lamig ng hangin na parang kahit anong oras ay may lalabas sa dilim. Tinatagan ko lang ang loob ko kahit na natatakot ako.

"naliligaw yata kayo mga mahal na Prinsesa?" napahinto kami ng marinig ang tawa niya.

"s-sino ka?" tanong ko sa babaeng nakaupo sa sanga ng puno.

"ako si Ahri, hindi ba't hinahanap niyo ako?" agad akong lumapit at tiningala siya.

"please let us leave this place. Tulungan mo naman kaming makapunta sa lugar kung saan malaya kami" bumaba siya at sumandal sa puno.

"bakit ko gagawin yun?"

"pakiusap ilayo niyo kami dito. Ayaw na namin dito" naiiyak na sabi ng kapatid ko.

"gusto niyong lumayo?" tumango kami. Nangilabot ako sa uri ng ngiti niya.

"pero, mamamatay kayo kapag umalis kayo sa lugar na ito" agad kaming nakaramdam ng takot dahil sa sinabi niya.

"h-huh?"

"m-mamamatay?"

Napatulala nalang ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na mamamatay kami kapag umalis kami dito.

"kung nandito kayo, ibig sabihin alam niyo na kung sino kayo hindi ba?" tumango kami sa sinabi niya.

"mamamatay kayo pag lumabas kayo ng lugar na ito. Dahil puppet lang kayo. Ako ang may hawak ng buhay niyo" napaiyak nalang kami at unti unting lumuhod.

Tama siya. Puppet lang kami. Gawa kami sa alikabok. Kaya kami umalis dahil narinig namin ang pag uusap ni ama at ina. Kaya pala ayaw sa'min nila kuya dahil hindi naman kami tunay na pamilya. Kaya pala. Kasi hindi kami tunay.

"anong gagawin natin?" nilingon ko ng kapatid ko bago ako lumapit at niyakap siya. Hindi ko alam na aabot sa puntong mayayakap ko ang kapatid ko ng ganito. Lagi kaming mag kaaway sa lahat ng bagay.

"wala na bang ibang paraan?" naiiyak kong tanong sa fairy. Lumapit siya at lumuhod sa harap namin habang nakangiti

"meron" tila nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.

"a-ano yun?" tanong agad ng kapatid ko.

"ipapadala ko kayo sa ibang mundo" Ibang mundo? Meron ba nun?

"i-ibang mundo? P-pero wala namang ganun diba? W-walang ibang mundo maliban dito" napangiti nalang siya at agad na tumayo at tumalikod.

"okay, aalis na ako" unti
-unti na siyang naglakad palayo sa pwesto namin. Napaisip naman ako. Wala namang mawawala sa'min. Walang nagmamahal sa'min. Wala kaming kwenta sa paningin nilang lahat. Para sa kanila, isa kaming mahina at walang kwenta.

"sandali!" napahinto siya at nilingon kami ng may ngiti sa kanyang mga labi na para bang alam niya kung anong isasagot namin.

"papayag na ako" ito nalang siguro ang paraan.

"a-ano bang sinasabi mo?" hindi ko pinansin ang kapatid ko at matiim lang na nakatitig kay Ahri.

"sigurado kayo?" tumango ako bilang sagot. She snapped her fingers at bigla nalang kaming napunta sa isang lugar. Sa loob ng bahay.

"okay, handa na kayo?" nagkatinginan kami bago sabay na tumango.

"wala ng mawawala sa'min, kaya susugal na kami" ngumiti naman ang fairy sa sinabi ng kapatid ko.

"Ipapadala ko kayo sa mundong walang kahit na anong kapangyarihan" huh? Walang kapangyarihan? Meron ba nun?

"dun kayo hahanap ng kapalit ninyo" pinaikot niya ang kamay sa lupa bago lumabas ang dalawang katawan na nakapikit. Walang kahit na anong saplot.

"k-kami yan ah" puppet nga kami.

"hahanap kayo ng dalawang babae na pwedeng ipalit sa inyo. Dalawang babaeng matapang, malakas at matulungin sa mahihina" inabot niya ang dalawang singsing sa may batong kulay asul.

"pagnahanap niyo sila. Isuot niyo ito sa kanila. Mapupunta ang kaluluwa nila dito sa katawan ninyo pati lahat ng ala-ala ninyo. At kayo ay malaya ng gumawa ng kahit na anong gustuhin ninyo" nagkatinginan kami ng kapatid ko  bago tumango bilang sagot.

"pero..." tinuro niya kaming dalawa.

"...may tatlong araw lang kayo. At kapag hindi niyo sila nahanap ay mamamatay kayo" bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"alis na nga. Naiirita ako sa inyo" she snapped her fingers again. Nakaramdam nalang ako ng hilo bago bumagsak sa malamig na lapag. Sa sobrang bigat ng ulo ko ay madali akong nilamon ng dilim

"Bleiri! Gising Bleiri!" napamulat ako at dahan-dahang naupo. Napahawak ako sa ulo at nilibot ang paningin.

"nasaan tayo?" madilim at may maingay. Lumabas kami at bumungad sa'min ang maingay at maraming taong nagkalat

"a-ano yan?" nakatingin lang kami sa mabilis na dumadaan. Walang kabayo pero mabilis ang takbo. Ano yun?

"sa tingin mo ito na yun? Yung mundong sinasabi nung fairy?" nilingon ko ang lugar kung saan maingay at maliwanag.

Napaatras kami dahil sa limang lalaki na lumapit. Nakakatakot ang mga ngiti nila.

"pare mukhang masarap ang gabi natin ngayon" napahawak sa'kin ang kapatid ko dahil sa takot.

"ew gross! I don't like you. Get away!" mukhang hindi nagustuhan nung lalaki ang sinabi ng kapatid ko.

"anong sabi mo!"

"palaban pare"

"maganda yan"

Napaatras kami dahil unti-unti silang lumapit. May tatlong araw lang kami at hindi namin alam kung ano ang mangyayare sa'min ngayon.

"yuck! Hindi niyo ba kami kilala? Don't touch me! Kadiri ka!" hinampas ko ang kamay nung lalaking humawak sa'kin. Kadiri sila. Sino sila para hawakan ang balat namin. Prinsesa kami, my god!

"ang taray mo ah!"

"palaban talaga!"

"kunin na natin!"

Hinawakan nila kami sa magkabilang braso.

"uy mga pare pasali naman!"

Napalingon kami sa dalawang babae na lumapit.

-

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you!

🚫❌🚫 (Under Revision) HUWAG MUNA BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon