(King Servie pov) -Morbid-
"anong sabi mo?""may nangialam. Isa sa 7 rings"
Napapikit ako habang nakaupo sa trono.
"gaano ba kahirap kunin ang babaeng yun at hanggang ngayon hindi niyo pa rin siya maidala dito!" ilang beses na akong nagpapadala ng mga tauhan ko pero hindi na sila nakakabalik pa.
"sa tingin ko ama, may pumoprotekta sa kanya kaya hindi natin siya makuha-kuha" napakuyom ako ng kamao at masamang tinitigan ang anak ko.
"gano ba karami ang pumoprotekta sa kanya para hindi niyo siya makuha!" ilan ba ang humaharang sa daan ko para hindi ko makuha ang babaeng yun.
"tawagin mo siya at si Gratel"
Pinag iinit nila ang ulo ko.
"kamahalan"
"ama"
Matalim na tingin lang ang binigay ko sa kanila.
"kill her"
(Gratel pov)
"ama?" gusto niyang patayin namin si Bleiri? Pabor sakin pero..."hindi ba't kailangan niyo siya ng buhay?" sagot ng katabi ko.
"kung hindi niyo siya makuha ng buhay, patayin niyo nalang siya" naangisi nalang ako sa sinabi ni ama.
"masusunod po"
Ilang araw na rin akong nandito sa palasyo ng Morbid. Alam kong umalis sila pauwi ng kanya-kanya nilang kaharian kaya umalis na rin ako. Hindi naman sila magtataka o maghihinala kung sino ako. They just think of me as a bitch and not a princess, at yun ang gusto kong paniwalaan nila hanggang sa huli.
"bakit gustong kunin ni ama si Bleiri?" hanggang ngayon hindi ko pa rin alam at hindi pa rin nila sinasabi sakin.
"dahil nasa kanya ang kapangyarihan ng inyong ina mahal na prinsesa" napahinto ako at gulat na napatitig sa kanya.
"a-ano?" ang kapangyarihan ni ina? Nasa kanya?
"h-how is that possible?" siya ba ang pumatay kay ina? Pero imposible yun dahil bata pa lang ako nung namatay si ina, imposibleng si Bleiri ang pumatay sa kanya.
"hindi pa rin po namin alam prinsesa" tsk!
"you're one of the 7 rings yet you don't know?" pathetic!
"wala pong nakakaalan kahit sino sa'min. Wala rin silang sinasabi nung nakapasok sila" tsk!
I know they're one of the 7 rings. Sinabi lahat sakin ng katabi ko. Tsk! Yeah, traydor ang isa sa kanila at katabi ko yun.
(Jaczis pov)
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Xrei. Nakahiga lang siya at walang malay. Nagulat nalang kami ng nag ulat ang kawal kay ina na walang malay si Xrei ng dinala dito. May mga sugat siya at dugo."anak ko" umiiyak si ina ngayon, ano bang nangyari sa kanila.
"kakausapin ko muna si ama" hindi ko na hinintay pang magsalita si ina at lumabas na. Alam kong alam ni ama ang nangyari. Walang nangyari sa'min ni Gleini habang pauwi kami, pero sa kanila meron?
"si ama" tanong ko sa katulong na dumaan.
"nasa study room kamahalan" kaya nagpunta ako at dali daling binuksan ang pinto. Masyadong malaki ang study room at parang library na rin kaya hindi nila maririnig agad ang pagpasok ko.
"kung ganun pano nila nalaman na nandun ka" napahinto ako ng marinig ang boses ni ama.
"yun ang aalamin ko. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko may nakakalaam na nasa akin ang hinahanap nila" anong hinahanap ang sinasabi ni Blei?
"sa tingin mo ba may traydor sa loob?" traydor?
"hindi ko pa alam. Ako ng bahala sa bagay na yun, kung may traydor man, i assure you, hindi na siya sisikatan ng araw" hindi ko alam pero kinabahan ako sa tono ng pananalita ni Bleiri, parang hindi siya.
"minsan natatakot na ako sa'yo. Ilan na ba ang napatay mo?" bakit ganun magtanong si ama. Parang hindi niya kilala ang anak niya.
"sa sobrang dami ng napatay ko, hindi ko na mabilang at hindi ko binibilang" hindi ako makagalaw sa mga narinig ko sa kanya. Hindi siya ang kapatid ko. Hindi niya magagawa ang mga bagay na ganyan. Hindi siya nagsasalita ng ganyan.
"wala ka ngang awa. Kung ganun. Ikaw na ang bahala sa iba. Aalis ako at makikipagkita sa ibang hari. I expect na sa pagbabalik ko nalaman mo na"
"ayaw niyo bang ipaalam sa dalawang prinsepe? Baka maghinala sila sa lagi nating pag uusap. Matalino sila, lalo na si Riz" hindi ko sila maintindihan.
"ayokong magsinungaling pero kailangan. Hangga't nandito kayo, wala dapat makaalam. Hindi ng mga anak ko at ng asawa ko"
"either we hide it or not, malalaman din nila, what would you do when they found out?"
Mahabang katahimikan ang namayani bago ako makarinig ng mahinang pagtawa.
"don't worry your majesty, i won't tell them. I can keep a secret kahit ganito ako"
Hindi ko na pinakinggan pa at umalis na. Hindi ko alam kung pano ba ako nakabalik sa kwarto ko sa lalim ng pag iisip ko.
Anong ibig nilang sabihin?
Ano bang sikreto yun na dati ko pa naririnig na hindi pwedeng malaman maliban sa kanila?
At bakit parang ibang tao na ang mga kapatid namin?
May tinatago talaga si ama sa'min.
Aalamin ko yun, hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung ano ba ang sikretong yun, at kung bakit nagbago na ang dalawang kapatid namin.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
🚫❌🚫 (Under Revision) HUWAG MUNA BASAHIN!
RandomAn encounter of two people, stumble upon into a strange new world. A world where magic exist. An encounter that will changed their lives.