Chapter 3 ...

4.3K 153 8
                                    

ALLEN JADE

I lit my cigarette habang nakaharap sa kanila.

"pare naman, kawawa naman yang mga chicks" bakit ba kasi kami lumapit. Ang sabi ko umuwi na kami at huwan ng makisali pa. Matigas lang ang ulo nitong kasama ko kaya heto, nandito kami.

"ganda niyo ah. Pwede naman kayong sumama samin eh" nakangisi sabi nung isa. As if sasama kami. I also have a taste in men.

"dude ayoko sayo noh" naiiling nalang ako sa sinabi ni Alexia.

"sumama na kayo!" nainis ako nang may humawak sa'kin. Kinuha ko ang kamay niya bago pinaikot sa likod.

"aaaahhh! You bit-" pinakain ko ang sigarilyo para manahimik siya bago ko sinipa ang likod dahilan para mapadapa siya sa lapag.

"pardz naman! Hindi makapaghintay?"

"you bitch!" susugod sana yung isa sa kanila ng humarang si Lex at sinuntok yung lalaki.

"mga tarantado kayo! Kung hahanap kayo ng away, ako nalang!" nilabas niya ang baril at kinasa. Mukha namang natakot sila. Hindi naman niya itutuloy yan since ayaw niyang magkagulo at matuluyan siyang makulong.

"dali na! Sino gusto mauna" tinutok niya yung baril kaya napaatras sila.

"pare baril na yan"

"tara na!"

Dali dali silang tumakbo paalis. Hindi man lang ako pinagpawisan. Tsk! Mga duwag.

"mga gago yun ah! Natakot agad? Wala pa nga eh. Advance sila pardz" nagsindi ako ng sigarilyo bago tinitigan ang dalawa. Mukhang anak mayaman.

"u-uhm s-salamat" sagot nung babaeng naka-dress na white. Kulot ang mahaba niyang buhok na kulay pink. Yuck! Pink? Yung isa naman straight ang buhok na kulay violet naman.

"delikado dito, umuwi na kayo mga miss" tumalikod na kami at baka kung ano pang gulo ang mapasok namin.

"wait!" humarang silang dalawa bago nagtinginan.

"what?" ayokong pinaghihintay ako. Dahil naiinis ako. Inabot nila sa'min ang singsing na may kulay asul na bato at mukhang mamahalin sa kulay at itsura palang.

"ano yan?" dumb Lex. Of course it's a ring.

"bilang pasasalamat"

"tanggapin ninyo"

"tanggapin daw natin pards" kinuha niya ang singsing. Kinuha ko at pinakatitigan. Maganda siya lalo sa malapitan. Mukhang antique dahil kakaiba ang design niya.

"i-isuot niyo na" nagkatinginan pa kami. Singsing lang naman eh. Agad ko itong sinuot ng biglang nanlabo ang paningin ko hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid ko.

'sorry'

Huling salitang narinig ko bago ako lamunin ng dilim.

~~~

AHRI

Nakaupo lang ako habang umiinom ng tsaa. Sarap naman. Ninanamnam ko ang iniinom ko nang may biglang lumitaw sa harap ko.

"oh my god! Anong gagawin natin?"

"i don't know!"

Nakatingin ako sa kanilang dalawa na natataranta habang nakatingin sa dalawang babaeng walang malay.

"ang bilis niyo naman" nilapitan ko ang dalawang babae. Hmm. Sigurado ba sila dito? Baka naman kung saan-saan sila nanguha ng ipapalit sa kanila.

"a-ano ng gagawin namin?" hay naku mga prinsesa kayo. Sakit niyo sa bangs ah.

"sigurado ba kayo dito?" nagkatingin pa sila bago tumango. Baka kasi pipitsugin lang sila eh.

"oo, tinulungan nila kami nung may bumastos saming mga lalaki. Binugbog nila" ay wow. Nice one.

"hmmm?" maganda. Sexy. Maganda sana kung naka dress sila.

"a-ano ng gagawin namin?" i raise my brow at them habang nakapamewang.

"may isang salita ako. Tumutupad ako sa pangako. Kukunin ko ang kaluluwa nila at ililipat dito" turo ko sa dalawang puppet na mga Prinsesa. Yung bagong gawa.

"p-pero paano yung katawan nila?"

"babalik pa ba sila sa mundo nila?" may care naman pala kayo ehh. Kala ko mga bitch lang kayo duhh!

"gagawin kong puppet ang katawan nila. Maglalagay ako ng ibang kaluluwa jan at ibabalik ko sa dati nilang buhay. Kung ano sila sa kasalukuyang buhay ay yun ang ilalagay ko sa katawan nila. In short, ika-copy ko sila para hindi mahalata na hindi sila ang nasa katawan" okay yun, good idea Ahri. Matalino ka talaga.

"what about us?" oh right. I forgot.

"bibigyan ko kayo ng sariling buhay sa mundo nila. Bahala na kayo sa gusto niyong gawin. Bibigyan ko kayo ng bahay at kung ano ano pang gamit. Pero hindi niyo pwedeng gamitin ang kapangyarihan ninyo sa harap ng maraming tao,maliwanag?" tumango lang sila bilang sagot.

"okay tsupi! Alis na, sakit niyo sa bangs" i snapped my fingers bago sila mawala sa paningin ko.

"now it's your turn" hmm. Ano kayang pwedeng gawin sa inyo.

~~~

ALEXIA

Agad akong nagmulat pero sobrang bigat ng ulo ko.

"Pards?" Naipo ako pero ramdam mo talaga ang bigat ng ulo ko.

"nasaan ako?" nilibot ko ang paningin. May bahay...sa gubat?

Gubat?

Nilibot ko ang paningin. My goodness. Paano kami napunta sa gubat?  Napalingon ako kay pards na dahan-dahan din na tumayo.

"where the fuck are we?" ayan na naman po siya. Malamig na nga ang paligid lalo pa niyang pinalamig.

"gising na pala kayo" napatingin kami sa babaeng chicks. Wow chicks! Kulot ang mahaba niyang buhok na green. Brown ang mata. Hala ang ganda. Talo kami ni pards.

"hoy ikaw! Nasaan kami!" sigaw ko dun sa babae. Wala akong pakialam kung sino man siya. Ang gusto ko lang malaman ay kung nasaan kami.

"hindi ako si 'hoy!' ako si Ahri, ang magandang dyosa" napaismid nalang ako. Dyosa daw.

"where the fuck are we?" si pards masyadong mainit

Ang hot mo pards! Wooh!

"nandito kayo sa bahay ko" ah okay.

"wait! We were at the club. How come we are here?" gubat to pardz.

"nasaan yung mga chicks na tinulungan namin? Nakita mo ba?" tanong ko dun sa babae na inirapan lang ako.

"ayun!" nahagip ko ang dalawa pero bakit ganun. Nakahubad sila. As in walang kahit na ano. Luh! Manyak si Ahri.

"tulog sila? Nakatayo?" luh! Paano nangyare yun?

"welcome to Elianda Kingdom. Home of magic users" huh? Ano daw? Lugaw?

"bwahahahahaha! Lakas ng trip mo teh hahahaha!" grabe ang sakit sa tiyan.

"tumahimik ka, lapastangan!" ay wow ang lalim.

"tell us where we are!" ay galit na ang dragon. My god lagot ka teh.

"bingi lang bingi? Sinabi ng nasa Elianda kayo eh!" aba! Mataray na, naninigaw pa?

"where the fuck is that?" ay ulit ulit si pards. Pero nasaan nga ba kami?

"oh my god! I cannot! Tsupi na, ayoko kayong kausap" nakaramdam nalang ako ng gaan ng pakiramdam na parang may humihigop sa loob ko.

A-anong nangyayare?

-

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you!

🚫❌🚫 (Under Revision) HUWAG MUNA BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon