Chapter 91

1.2K 59 1
                                    

(Allen pov)
Damn it! Masyado siyang malakas.

"a child like you has no match to me!"

Naglalaban lang kami habang nakapalibot ang mkapal na usok sa paligid naming dalawa. Hindi na siya makakawala. I'm sure siniguro nilang hindi basta-basta mababasag ang barrier.

'you need to stop him'

Isa pa to. Nabubwisit ako sa kanya. Gusto niyang pigilan ko ang asawa niya. Mapipigilan ko ba ang demonyong maghasik ng lagim? Nakakatawa.

"hindi ka mananalo sa'kin bata" napahigpit ang kuyom ko ng kamao ng makitang nabubuo ang isang bolang gawa sa black fire at poison. Yun daw kasi ang power niya sabi ni Ahri. Mahihirapan talaga ako.

Isa pang iniinda ko ang tama sa tagiliran kong kanina pa dumudugo. Hindi ko alam kung gano na to katagal pero ramdam ko na ang panghihina ko. Hindi ako pwedeng matalo ngayon.

Sinimulan kong gumawa ng bolang gawa sa black smoke at ice mist para matumbasa ang lakas ng ibabato niya sa'kin.

"masyado kang matapang"

"at masyado kang madaldal" naniningkit ang mata niya habang nakatitig sa'kin. Nagalit ko na talaga.

"hindi ko na kailangan pang kunin ang kapangyarihan ng asawa ko dahil babalik sa'kin yan pag namatay ka dito"

Hindi na ako sumagot at hinintay nalang ang pagbato niya ng bolang gawa sa lason at black fire.

"damn!" napaatras ako ng mag collide ang dalawang bolang gawa sa kapangyarihan. Masyadong malakas ang impak. Malakas din ang pagsabog kaya hindi ko siya makita.

"where the hell---ack!" napahinto ako at naramdaman ko nalang ang kirot at likidong lumalabas sa bibig ko.

"i told you hindi ka mananalo" nanlalabo ang paningin ko. Nakangisi lang siya kaya binaba ko ang paningin. Hawak niya ang espadang gawa sa itim na apoy. May nakapalibot pang itim na likido.

"d-damn!" poison.

"now you're gonna die little girl" napatawa nalang ako bago siya hinawakan sa balikat at mas lalo pang tinarak ang espada.

"aaarrgghh!" ramdam na ramdam ko ang sakit ng paghati ng espada sa laman ko. Sobrang init.

"if i die...i'll take you with me"

Hindi na ako nagatubili pang yakapin siya bago nilabas lahat ng kapangyarihan ko. Nilubos ko na dahil ito na ang huli.

"w-what are you! Nooooo!" ginamit ko lahat ng kapangyarihan ko. Ramdam ko ng daloy ng init palabas ng katawan ko. Nakita ko pang nasisira ang barrier dahil sa lakas ng pinaghalo naming kapangyarihan.

'salamat'

Tinulungan niya akong palakasin pa lalo ang kapangyarihan niya laban sa asawa niya. Napapikit nalang ako ng makaramdam ng pamamanhid ng katawan.

Unti-unti kong nararamdaman ang pagiging abo ng katawan niya hanggang sa tuluyan na siyang maglaho.

"t-tapos na" naibulong ko nalang habang unti-unti kong nararamdaman ang pagbagsak ko. Kinakapos na ako ng hininga at alam kong katapusan ko na.

I'm sorry Alexia, i can't be with you anymore. Ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Patawarin mo ako kung iiwan kita.

Harlie...my little devil. Kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulit, sana makilala ulit kita.

My baby.

At sa huling pagkakataon, pinikit ko ang mata ko habang inaalala lahat ng mga nangyare. Ito siguro ang sinasabi nila na 'my life flashes before my eyes'

Thank you, sa lahat ng nangyari, sa lahat ng mga nakilala ko. Salamat sa ala-ala.

I'm sorry.

(Alexia pov)
Nasira ang barrier pero hindi namin makita kung anong nangyayare.

"pardz" matinding kaba ang bumalot sa buong katawan ko sa hindi malamang dahilan.

"Jade" bigla nalang nawala si Harlie.

"there she is!"

Lalo akong tinambol ng kaba habang nakatingin sa bumabagsak na katawan.

"pardz!" mabilis kong tinakbo ang lugar kung san siya bumagsak.

"pardz"

Agad akong natulos sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanyang nakasandal kay Harlie na nasa lapag. Nanlalabo na rin ang paningin ko sa luhang lumalandas sa pisngi ko.

"p-pardz?" dahan-dahan akong naglakad. Parang sobrang bigat ng pagkahabang ko.

"pardz!" dali-dali akong lumapit at kinuha siya kay Harlie. Naninikip ang dibdib ko at nanginginig ang kamay kong tinapik ang pisngi niya.

"p-pardz g-gising na please. Wag ka namang ganyan" nanginginig pati ang boses ko habang patuloy lang na tinatapik ang pisngi niya.

"p-pardz please naman oh. W-wake up please. H-hindi magandang biro yan" kinuha ko pa ang kamay niya at nilapat sa pisngi ko.

"p-pardz?" bigla nalang gumuho ang mundo ko ng bumagsak ang kamay niya sa lupa. She's not breathing

"n-no! P-please no!" wala na akong nagawa kung hindi ng yakapin siya ng mahigpit habang patuloy lang sa pag-iyak.

"H-Harlie please. P-please wake her up?" nagmakaawa na ako sa kanya pero umiling lang siya.

'H-Harlie please?!" mas masakit pa to sa kahit anong naranasan ko. Hindi ko matanggap. Hindi ko matatanggap.

"i'm sorry. I can't. She's already dead"

Tuluyan na akong nanghina at binalingan ng tingin si pardz na nakapikit lang. Umiyak siya. May luha kasi sa pisngi niya.

"what the hell Harlie!"

"c'mon man wake her up!"

Napapikit nalang ako at parang nabibingi sa mga sigawan nila.

"i can't do that anymore. It's in our contract" napahinto ako at napatingin sa kanya.

"w-what contract?" anong kontrata yun? Hindi ko alam.

"she made a contract with me in exchanged for freedom and revenge. She offered her soul in exchanged for everything you have till now" parang nabingi yata ako sa sinabi niya. Pagak akong napatawa habang nakatingin sa kanya.

"s-so you mean? L-lahat ng yun? G-ginawa niya? Para lang makaalis kami sa impyernong lugar na yun...k-kapalit ng kaluluwa niya?" parang barado na ang lalamunan ko ng hindi siya sumagot at seryoso lang.

"oh my god. Haha hahaha!" nababaliw na ako.

"p-pardz naman eh. B-bakit hindi mo sinabi?"

W-why? Bakit wala man lang akong ideya sa lahat ng nangyari. Kaya pala nagbago ka simula ng araw na yun. Kaya pala lahat ng iutos mo sa kanya ginagawa niya. Kaya pala nakaalis tayo dun. Kaya pala...kaya pala.

Ang daya mo.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

🚫❌🚫 (Under Revision) HUWAG MUNA BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon