(Alexia pov)
Jusko naman! Bakit pa niya tinanong ang pangalan ko. Siraulo kang Jet ka!"i heard you kanina" nagtatakang nakatitig si Reigel sa'kin habang nakaturo ang daliri bago nilipat kay Riz.
"you called him honey" namilog ang mata ko sa sinabi niya bago ko balingan si Riz na gulat na nakatitig sa'kin at napakunot noo.
Oh shiitake mushroom!
"omg!" Klajizai.
"you are?" Jet.
"Alexia?" nahigit ko ang hininga ko sa binanggit ni Riz habang nakakunot noong nakatitig sa'kin.
Oh shoot! I've been found.
"ah eh, m-may gagawin pa pala ako" mabilis akong napatayo. Nakatitig pa rin sila sa'kin.
"s-sige bye!"
"wait!"
Hindi ko na sila pinakinggan at nagteleport sa gubat ni Ahri.
"oh my god! Siraulong Jet yun ah, bakit niya sinabi ang pangalan ko? Pano niya nalaman agad!" nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Omg! Parang nakakahiya ng humarap kay honey ko.
"where are we?" mabilis akong napalingon sa likod ko at gulat na nakatitig sa kanyang nililibot ang tingin sa paligid.
"w-what the hell are you doing here?!" sigaw ko bago napaatras. B-bakit siya nandito.
"i accidentally touched you before you teleport" nililibot niya pa rin ang tingin niya bago nahinto sa'kin.
"b-bakit?" kinakabahan ako sa titig niya. Seryoso lang. Jusko po! Papatayin niya na ba ako? Napaatras ako dahil wala pa rin siyang sinasabi at seryoso lang talaga. Ang hirap naman huminga.
"p-prince R-Riz?" teka lang bakit prince ang tawag ko.
"so you're-"
"what is he doing here?" napalingon ako sa likod. Nakakunot noo si Ahri habang nakatitig sa'kin.
"n-nasama eh" jusko po!
"ahuh?" inirapan niya ako bago tumalikod.
"come now, i'll make some tea"
Dahan-dahan kong nilingon si Riz na pinanliliitan ako ng mata. Luh!
"i think i need an explanation" napalunok ako sa pagkaseryoso niya. Alanganin akong tumango bago naunang naglakad. Bahala ka jan.
(Jaczis pov)
I can't believe it. All this time Alexia is beside me? So that explains the familiar feeling everytime i saw Gleini.Nakatitig lang ako sa kanya. Nagbago na siya ng mukha. Yung mukha na si Alexia. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Kanina pa siya iwas ng iwas ng tingin. Ayaw niyang tumingin sa'kin. Nahihiya ba siya?
"here prince"
"thanks" nilibot ko ang paningin sa lugar.
"nice place" i assume na nasa gitna kami ng gubat. Isang maliit na bahay lang ang nandito at puro puno na. Hindi siya madilim dahil may mga glowing flowers naman sa paligid na parang nagsisilbing liwanag ng araw.
"so? Anong maipaglilingkod ko sa inyo kamahalan?" hinarap ko siya na nakangiti lang. Binalingan ko si Alexia na agad umiwas ng tingin. Tsk!
"who are you again?"
"Ahri mahal na prinsepe. I'm a puppet user, a puppet maker" Ahri? Sounds familiar. A puppet maker?
"so you are?" tumango naman siya.
"i'm the one who made Bleiri and Gleini" hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang hindi sila totoo.
"teka lang ah. Pwede bang sabihin mo ulit kung pano kami napunta dito? Bakit kami kinuha sa mundo namin?" mundo nila?
"mundo niyo?" takang tanong ko na ikinatango niya.
"they came from mortal worlds. In short, a world without magic" woah! Really? Meron pala nun?
"so tell us"
"ahem! Okay" nakinig lang kami sa kanya.
"so ganito ang nangyare. Nung nalaman ng dalawang prinsesa kung ano talaga sila, umalis sila sa palasyo at hinanap ako. So nung nagkita kami, sinabi nilang gusto nilang umalis sa lugar na'to at magpunta kung saan sila magiging malaya at masaya. Sa lugar kung san walang manghuhusga sa kanila"
Napakuyom ko ng kamao sa sinabi niya. Siguro nga sobrang laki ng kasalanan namin kaya pinili nilang umalis sa lugar na'to.
"then sinabi kong hindi pwede dahil sa oras na lumabas sila sa mundong to, mamamatay sila"
"w-what?" mamamatay?
"yes, dahil puppet lang sila. Hindi ko hawak ang buhay nila sa kabilang mundo, maliban nalang kung..." nilingon niya si Alexia na naghihintay rin ng sagot.
"ano! Pabitin ka eh!" napaka ingay niya.
"...maliban nalang kung hahanap sila ng dalawang kapalit nila. Kailangan nilang makahanap ng dalawang babaeng malakas at matulungin" napabaling naman kami kay Alexia na naibuga ang iniinom.
"yuck! Kadiri ka!" pabalya niyang nilapag ang baso at hinarap si Ahri.
"so kaya pala nila sinuot sa'min yung singsing? Kaya pala ganun nalang sila magpasalamat sa'min na parang ayaw nila kaming paalisin!" napatawa nalang siya ng pagak.
"oh my god! I can't believe this!" bumaling naman siya sa'kin na parang naiinis.
"my goodness!" napatayo naman siya at pabalik-balik ng lakad bago ulit naupo at uminom.
"oh i have something for you dear" hindi man lang siya natinag at uminom lang.
"what do you think?" napabuga naman siya ng iniinom at gulat na napatingin sa dalawang lalaking nakatayo sa tabi ni Ahri.
"a-ano to?" parang hindi ko gusto ang tingin niya sa dalawa. Nakakairita.
"for you. Ginawa ko sila para may makasama ka sa gabi. Katabing matulog. You know" napabaling naman siya ng tingin sa'kin bago umiwas. Tsk!
Hindi ko talaga gusto ang dalawang to.
"they're ugly" gulat naman silang napatingin sa'kin.
"i don't think so. I think they're handsome. Bagay sila ni Alexia, don't you think so prince?"
"i need to go back" naiinis ako habang nakatingin sa kanila. Hindi ko talaga sila gusto. At ano? Katabing matulog sa gabi? Yung dalawa? Tsk! Bakit ba ako naiinis? Eh ano naman kung magkatabi sila matulog.
"ayaw mo ba? Ginawa ko silang gentleman, mabait, palangiti. They will love you, gagawin nila lahat ng iutos mo. Kahit na sabihin mong maghubad sila-"
"i need to go!" hindi ko na napigilan pang sumigaw. Kahit ako nagulat sa ginawa ko.
Fuck! What did i do?
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
🚫❌🚫 (Under Revision) HUWAG MUNA BASAHIN!
RandomAn encounter of two people, stumble upon into a strange new world. A world where magic exist. An encounter that will changed their lives.