Chapter 49

1.6K 74 1
                                    

(Alexia pov)
Kanina ko pa siya gustong-gustong hawakan. Ahem! Pero hindi pwede, baka makahalata.

"ang kati!" agad akong napatakip ng bibig bago siya balingan ng tingin. Shiitake talaga. Napalakas eh.

"are you okay?" omo. Concern ang honey ko. I'm totally fine!

"no i'm not-" mabilis kong pinalo ng mahina ang bibig ko na ikinataka naman niya. Nakakunot kasi ang noo niya habang nakatitig sa akin.

"i-i mean, i-i'm f-fine" i bit my bottom lip bago bumaling sa labas ng bintana. Nakasakay kasi kami sa karwahe. My goodness. Kanina pa talaga ako nagtitimping hawakan siya at ahem...yung alam niyo na. Ay sus, kinikilig ang bones ko. Pero hindi pwede kasi baka mahalata niya. Hindi ako pwedeng mabuko.

Magkahiwalay kami ni pardz ng karwahe. Kasama niya si Xrei sa isang karwahe papuntang ibang bayan. Magkaiba ng daan ang tatahakin...wow tagalog na tagalog ah, tatahakin? Wahahaha!

Hindi ko mapigilang mapangiti at sulyapan siya ng tingin. Nakapikit lang siya habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan niya. Ang gwapo niya talaga. Kung may makakaalam lang talaga na ganito ang ginagawa ko, iisipin nilang baliw na ako at nagkagusto ako sa unang prinsepe. Incest ba? pero wapakels because he's not really my brother.

Sumandal nalang ako at tumingin sa labas ng bintana. May mga kasama kaming ilang kawal na nakakabayo. Kumusta na kaya si pardz, alam kong inis na inis siya dahil sa set-up namin. Swerte ko, malas niya. Hay naku, wala naman kasi siyang ibang nakasanayang samahan maliban sa akin. Kaya i'm sure lalong lalamig yun, for sure pinapatay niya ang hari sa isip niya. Hay naku. Kaya mo yan pardz, kapit lang pardz, makakaraos rin tayo, magkakasama rin tayo.

Kaya mo yan pardz, fighting!

Umidlip muna ako habang bumibiyahe. Nagising nalang ako ng makaramdam na may kumakalabit sa balikat ko.

"Gleini"

Ang gandang boses. Parang anghel.

"wake up Gleini"

Unti-unti akong nagmulat at kinusot ang mata. I scan my surroundings at napansin kong nakahinto kami.

"were here"

Naghikab ako bago sumunod sa kanyang lumabas ng karwahe.

"what the hell!"

(Jaczis pov)
Ligid sa kaalaman niya na kanina ko pa siya tinititigan. Tsk! Why do i feel something familiar. I can't help but think. She's so familiar, this feeling is familiar.

Snap out of it Riz, she's your sister, please!

"kaya mo yan pardz, matatapos din to, magkakasama rin tayo" rinig kong bulong niya na may pagka-determinado.

Isa pa yan, hanggang ngayon hindi pa rin ako convince na ganun sila kadaling magbati. We all know how they hate each other pero nagbago ang ihip ng hangin. Tsk! Bakit ba ako nag iisip ng kung ano-ano. Dapat masaya ako para sa kanilang dalawa at sa wakas ay nagbati na sila. Pero hindi rin mawala sa isip ko na nagbago na nga sila. Hindi na sila sumusunod sa amin. Hindi na sila gaya ng dati na kahit anong iutos namin susundin nila.

Napapikit nalang ako. Mukhang malayo na ang loob nila sa amin. Minsan na lang namin silang makausap. Wala silang ibang kinakausap maliban sa hari. Gleini is weird, but Blei is much weirder. I can sense something in her, i can't pinpoint it now but i know, something in her is dangerous.

Yes they are my sisters but i can't help but doubt.

"kamahalan!" bungad ng pinuno ng bayan.

"how many casualties?" nilibot ko ang tingin sa paligid. Sira ang ilang bahay at ang iba ay wala ng buhay.

"sa awa ng diyos konti lang kamahalan" sagot ng pinuno na may mga sugat sa katawan.

"damn those bastards!" rinig kong bulong ni Gleini.

"healers! Move out! Kayo na ang bahala sa mga nasugatan!"

"masusunod kamahalan!" sagot ng limang healers bago nagsialisan.

"kayo na bahala sa iba!"

Nagsimula na kaming tumulong sa mga nasugatan. We brought foods para sa kanilang lahat. This is all we can do for now.

"Mama! Mama!" halo-halong iyak ang naririnig ko sa mga naulilang mamamayan. Napakuyom nalang ako ng kamao habang nakatitig sa mga nakahilerang mga wala ng buhay.

Wala akong magawa.

Natapos ang pag-aayos at mga nasira. Inabot kami ng gabi. Malalim na ang gabi ng lumbas ako sa bahay ng pinuno.

Where the hell is she? Hindi ko pwedeng pabayaan si Gleini. Babae pa rin siya.

"Mama! Mama!" sinundan ko ang iyak ng bata. Siya rin yung kanina.

"shh! It's okay baby, ate is here. Sleep now baby" rinig kong sambit ni Gleini sa batang babae na umiiyak sa lap niya.

"it's okay, it'll be okay. Be strong, don't let loneliness eat you. It'll pass, believe me"

Parang may kung ano sa dibdib ko habang nakatitig sa mukha niyang blangko lang na nakatingin sa kawalan habang sinasabi yun.

"a-ate s-si Mama" niyakap niya lang ang bata habang blangko pa rin ang tingin.

"it's okay. Be strong baby girl. It'll be alright, i promise"

Why do you sound like you're in pain?

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

🚫❌🚫 (Under Revision) HUWAG MUNA BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon