(Alexia pov)
Pabalik-balik ako ng lakad dito sa loob ng kwarto. Dapat sa dungeon kami pero nakiusap ang hari at dahil na rin may teleportation magic kami kaya makakalabas kami agad, kaya dito kami dinala."pardz, anong gagawin natin?" kanina pa ako pabalik-balik pero siya prente lang na nakaupo sa sofa at nagbabasa.
"nothing, we do nothing. Magsasawa rin sila at papalabasin tayo" hala siya. Grabe siya. Wala man lang pakialam kung nahuli kami.
"pardz naman!" bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang hindi inaasahang tao. Napalunok ako at napaatras ng makita ang galit nilang mukha.
P-patay.
"kaya pala" napatingin ako kay pardz...as usual, walang pakialam at nagbabasa lang.
"grabe, hindi ko akalain na mga impostor kayo" aray naman. Nakakasakit ka na honey.
"nasan ang mga kapatid namin?" malamig na tanong ni Riz.
"kapatid?" sarkastikong tawa ni pardz. Na lalong ikinainis ng dalawa
"shut up!" galit na sambit ni Xrei. Omg! Galit na silang dalawa.
"alam niyo kung ako ang nagpaalis sa kanilang dalawa. Pipiliin kong dalhin sila sa impyerno imbes na sa ibang mundo"
Jusko naman si pardz oh, ginalit pa lalo.
(Jaczis pov)
Mabilis akong lumapit at kinuwelyuhan siya."shut up bitch!" ni hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. Ni hindi ko nga siya nakitaan ng takot eh.
"alam mo kung ako nga talaga si Bleiri, mas pipiliin kong umalis sa mundong to. Napakawalang kwenta kasi ng mga tao dito. Since wala naman silang halaga, mas mabuti yung ginawa nilang umalis at iwan laht ng meron dito"
"tumahimik ka!" napangisi lang siya bago pagak na natawa.
"bakit nagagalit ka? Ayaw mo bang marinig? Na dahil isa kayo sa mga taong yun na nagbigay sa kanila ng ideyang iwan ang mundo na'to" napahinto ako at hindi makasagot.
"hindi ba tama ako? Wag niyong sabihin na tinuring niyo silang kapatid" tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya bago ako titigan sa mata.
"alam niyo ba?" tinitigan niya kami ni Xrei bago tinapat ang hintuturo sa ulo niya.
"lahat ng ala-ala nila. Lahat yun na sa utak namin. At wala akong nakita kahit isang maganda. Lalo na sa inyong dalawa. Maliban sa hari at reyna of course, dahil sila lang naman ang nagmamahal sa kanilang dalawa. So bakit nagagalit kayo?" hindi ako nakasagot dahil tama siya.
"hindi ba dapat masaya kayo dahil wala na sila? Kaya wag kayong magalit na parang may pakialam kayo sa dalawang yun. And besides...hindi niyo naman talaga sila kapatid"
"w-what?" gulat kong tanong. Ganun din si Xrei.
"pardz naman. Bakit mo sinabi?" rinig kong bulong ni Gleini.
"what do you mean na hindi namin sila kapatid?"
"oh my devil!" natatawa niyang sambit bago sumandal sa pader.
"didn't the Queen told you?" nagkatinginan pa kami bago bumaling sa kanila.
"oops! It slipped"
(Xreiry pov)
Umalis kami ni kuya sa kwarto nila. Naiwang nakatatak sa isip ang sinabi nila. Hinanap namin si ina na kausap ni ama. Nagtatalo pa rin sila."ina" napalingon naman sila sa'min.
"mga anak-"
"are they really our sisters?"
"no, impostor sila-"
"no. Bleiri and Gleini. Are they really our sisters?" napahinto naman si ina at ama.
"a-anak"
"totoo ba?" tanong ko. Mukhang maiiyak na si ina.
"no they're not. Kayong dalawa lang ang mga anak namin" sagot ni ama.
"w-what? So ampon sila?" umiling si ina at naiyak na.
"t-they're not humans" gulat kami sa sinabi ni ina.
"what do you mean they're not humans?" tanong ni kuya.
"a-anak-"
"kaya ba parang hindi ko ramdam na kapatid namin sila dahil...hindi talaga namin sila kapatid?" tumango lang si ina habang nakaupo si ama.
"gusto ng inyong ina na magkaroon ng anak na babae pero hindi siya nabigyan kaya lumapit kami kay Ahri. She's a puppet user. Hiniling ng inyong ina na gusto niyang magkaroon ng anak na babae kaya gumawa siya ng dalawang bata na gawa sa alikabok. Si Bleiri at Gleini" gawa sa alikabok?
"dapat nung una palang sinabi na namin sa inyo. I'm sorry, dapat sinabi na rin namin sa kanila habang maaga" hindi ko lubos maisip na hindi sila totoo.
"oh how sweet" mabilis kaming napalingon sa likod.
"anong sweet dun? Eh nakakaiyak nga eh, huhuhu! Nakakaiyak naman talaga eh" iyak ni Gleini.
"anong ginagawa niyo!"
"were going out, boring dito" sagot ni Bleiri.
"sino ba kayo?" hindi pa namin sila kilala.
"my lady" bigla nlang may lumitaw na lalaki sa likod niya. Hindi namin kita ang mukha dahil nakatakip ang kalahati at kulay pula ang mata niya.
"who are you?" pero hindi siya sumagot at bigla nalang nawala.
"kelan pa?" tanong ni kuya kay ama.
"simula nung magising sila"
Ah kaya pala parang nagbago sila pagkagising. Kasi ibang tao na sila.
(Sloth pov)
Sa tingin ko magagamit ko sa kanila ang illusion ko.Napangisi nalang ako habang iniisip kung anong gagawin ko. Gagamitin ko ang illusion sa mga impostor na yun.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
🚫❌🚫 (Under Revision) HUWAG MUNA BASAHIN!
RastgeleAn encounter of two people, stumble upon into a strange new world. A world where magic exist. An encounter that will changed their lives.