TLLBD #53

3.6K 99 43
                                    


"Blue!"

Pareho kaming napalingon ni Blue sa taong tumawag sa kaniya and there we saw Dianne and Damian's friend walking towards our direction. Hinanap ko naman kung nasaan si Damian at nang tumingin ako sa gilid ay doon ko ito nakita. Kasabay nitong naglalakad si Zandiah palapit sa'min pero nakatitig ang nanlilisik nitong mata sa braso kong nakaakbay kay. Palihim akong  ngumisi dahil sa reaksiyon ni  Damian.

Tumigil lang sila nang makaharap na kami nito. Pagkatigil nila ay saka lang sila tumingin sa direksiyon ko. Ngumiti ako sa mga ito.

"Blue, ba't hindi ka na bumalik sa classroom? Anong ginawa niyo hah?" Nanunuksong tanong ni Dianne habang nakatingin sa'ming dalawa.

At bago pa man makasagot si Blue ay inunahan ko na ito. Baka kung ano pa ang sabihin nito at mabuking ako dito sa ginagawa ko.

"We went out to have fun." Nakangiting pagsisinungaling ko. Pero siyempre hindi ko pinahalatang nagsisinungaling lang ako. That won't be fun.

Pasimple akong sumulyap kay Damian na ngayon ay parang nagngingitngit lang sa galit at alam kong napansin iyon ng mga kaibigan ni Damian dahil sa pagsulyap ko dito.

Lumingon sa'kin si Blue habang nakakunot ang noo at magsasalita na ito nang bigla nitong isinara ang bibig nito na para bang may naalala. Saka ako ngumiti dito kaya naman ay napailing nalang ito.

"Ahh, so nag DATE pala kayo." Tumatangong usal ni Dianne at pasimpleng sumulyap sa kuya nito na ngayong ay madilim na talaga ang mukha na para bang may gustong bugbugin. Pfft.

"Paniguradong nag ENJOY kayo sa kung saan man kayo pumunta ano?" Nakangising pakikisakay naman ni Flynn na mukhang naintindihan talaga ang intensiyon ko.

"Nag date nga lang ba? O may iba pa?" Mapanuksong tanong naman ng magkambal na Trace and Chace. Natawa naman ako dahil sa panunukso ng mga ito.

Pero agad ding tumigil ang pagtawa ko nang may tumulak sa'kin palayo kay ,Blue at bago pa ako makakilos ay biglang nalang may dumapong kamao sa pisngi ko dahilan para pumutok ang gilid ng labi ko.

"Damian! G*go ka! Tumigil ka nga!!" Suway ni Blue pero hindi ito pinansin ni Damian at masama lang ako nitong tinitigan. Hindi ko pinansin ang sugat ko at saka ko ito nginisihan.

"You f*ckin' stay away from Blue. She's mine." Nagngingitngit sa galit na bulong nito. At mas lalo lang akong ngumisi dahil dito.

"Really? As far as I can remember, no one owns her." Nakangising usal ko saka ako naglakad palapit dito at saka ko pinatong ang kamay ko sa balikat nito at may binulong.

"By the way, Tito Alexander want me to marry Blue. And you can't do anything about it." Bulong ko dito and it's a lie. Pero hindi ko sasabihin dito. Bahala siyang mabaliw sa kakaisip. Haha.

Nang papasugod na ulit sa'kin si Damian ay agad na humarang si Blue dahilan para hindi nito matuloy ang binabalak nito at saka nito sinamaan ng tingin si Blue. Uh-oh.

"Anong sinasama-sama ng tingin mo diyan ha?! Ikaw na nga itong nanapak, ikaw pa itong may ganang magalit!" Bulyaw ni Blue dito na para bang sinesermonan. Nagpigil kami ng tawa dahil sa hitsura ni Damian.

Umiwas ito ng tingin kay Damian pero masama pa rin ang pagkakatitig nito.

"Tsk." Untag ni Damian saka ito tumingin ulit kay Blue saka nito hinawakan ang pulsuhan nito.

"We need to talk." Seryosong usal nito at bago pa man makasagot si Blue ay hinila na niya ito paalis doon pero lumingon pa ito sa direksiyon namin saka ako sinamaan ng tingin.

Doon na ako tuluyang natawa ng sobra. D*mn. I never thought that teasing Damian is so satisfying.

"Aww." Usal ko saka ko hinimas ang brasong pinalo ni Zandiah. Siya lang naman ang alam kong may lakas ng loob na mamalo sa'kin.

"What?" Tanong ko dito habang natatawa pa rin. I still remember Damian's face. So hilarious.

"Do you really think I didn't know that you planned it?" Saad nito habang nakataas ang kilay. Ako naman ay ngumisi lang dito saka ako namulsa.

"Haha, but I  succeed. At last, nakaganti din sa lalaking iyon." Saad ko dito habang nakangiti. Napailing naman ito dahil sa sinabi ko at bigla nalang ako nitong hinila papunta sa kung saan. At bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako nito.

"Let's talk. I want to tell you something." Seryosong usal nito dahilan para mapaseryoso din ako. I never thought that I would see Zandiah's serious side.

Tumahimik nalang ako at sumunod dito. I actually think that it is important kaya ganito nalang ito kaseryoso.

Tahimik lang kami pareho habang naglalakad sa hallway. Maya-maya pa ay nakaabot na rin kami sa isang tagong lugar. Tumigil na ako sa paglalakad nang tumigil na rin sa paglalakad si Zandiah.

"So tell me what you want to say." Saad ko dito. Humarap naman ito sa'kin saka ito naupo sa isang semento na nandoon.

"This past few days, someone's watching us." Seryosong usal nito dahilan para matigilan ako at nanlalaki ang matang tumingin sa kaniya.

"Us..?" Mahinang tanong ko dito. How come I didn't notice it at all?

Tumingin ako kay Zandiah at tumingin naman ito sa'kin saka ito bumuntong hininga at tumango.

"Me, you, Blue and Damian. They're watching our moves. But I'm not really sure about that but I could really feel that someone's watching us like that person wants to know all our moves." Saad niya sa'kin. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi nito.

Someone's following us. And there's only two option that I know. First is that, someone's wants to protect us from afar. And second, someone want us to die. If that's the case....

"And why you didn't told us about this?" Naiinis na tanong ko dito. Kung ganito namang may sumusunod na pala sa'min, bakit hindi niya sinabi sa'min? At paano kung may mangyari dito? Just like what happened before?

"I'm scared okay?! Baka kasi pag may sabihan ako, bigla nalang umatake ang taong iyon. I don't have the strength to fight them." Nakayukong usal nito. Huminga nalang ako ng malalim. She has a point.

"And... I think they want to target Blue." Mahinang usal nito pero dahil sa katahimikan sa paligid namin ay rinig na rinig ko ang kaniyang sinabi dahilan para magulat ako manlaki ang mata ko.

"WHAT?! Bakit hindi mo agad sinabi?!" Tanong ko dito at aalis na sana ako para sabihin kay Blue itong nalaman ko nang magsalita pa si Zandiah.

"Because I don't want you to know." Saad niya saka ito tumitig sa'kin dahilan para kumunot ang noo ko dahil doon.

"Wha------" at bago ko pa man matapos ang gusto kong sabihin nang bigla nalang may pumalo sa likuran bahagi ko dahilan para manghina ang katawan ko at bumagsak iyon sa lupa.

I tried to lift my body to get out of this d*mn place when I suddenly feel dizzy. Napatingin ako kay Zandiah na ngayon ay seryosong nakatingin sa'kin. Hindi ko mapigilang magngitngit sa galit dahil sa ginawa nito.

"W-Why?!" I tried to ask her while I'm trying my best to wake up and not to fall asleep.

"You don't have to know. You should stay out of this. Baka masira mo pa ang plano ko." Saad nito sa'kin. Nanlalabo na rin ang mga mata ko pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng dilim ay may nakita pa ako ng isang bulto ng tao na papalapit sa'min.

I need to tell Blue. She'll be in danger....

And before I know it, I already lost my consciousness.

-----

©All Rights Reserved. 2021

"PLAGIARISM IS A CRIME"

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now