TLLBD #7

3.1K 99 2
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mag-aral ako sa Royal High Academy at masasabi kong naging maayos naman ang pananatili ko doon kahit na minsan ay napagdidiskitahan ako ng mga estudyante doon pero okey lang,nagagawan naman ng paraan.

At ngayon, papunta na ako sa RHA. Sa pagkakatanda ko, ngayon kami magpapasa ng form namin sa kung anong sports ang sinalihan namin. At tulad nga ng sabi ko kina Dianne, sa Taekwondo ako sasali. Wala naman sigurong masama.

Pagkarating ko sa RHA ay pumunta agad ako sa first class ko kung saan ko nakita sina Dianne at ang grupo ng kuya nito pati na rin ito.

"Ang aga niyo ah." Unang bungad ko sa kanila.

"Hmm, bawal daw ma late eh." Saad ni Dianne kaya naman ay tumango nalang ako dito saka ako umupo sa kaharap niyang upuan.

"Calling all the students of Royal High Academy to proceed to the Gymnasium for an announcement. Again, Calling all the students of Royal High Academy to proceed to the Gymnasium for an announcement. Thank you." Rinig kong saad mula sa speaker na maririnig naman talaga lahat ng mga estudyante.

And that's our cue para pumuntang gymnasium. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gymnasium pero napatigil kami nang may humarang sa'min at mukhang kilala naman ng mga kasama ko ang mga ito. Pasimple akong pumunta sa likuran kung saan hindi agad ako mapapansin at hinintay lang ang mga ito na matapos sa pagkukwentuhan. Maya-maya....

"Who is she?" Napatingin ako dun sa lalaking ngayon ay nakatitig sakin.

Nagulat pa ako ng makita ko ang kulay ng mga mata nito. Tulad ko, kulay abo din ito.

Sino ito.

"Ah Kuya Light, si Blue nga pala. Friend ko." Nakangiting pakilala ni Dianne.

Tumitig naman sakin yung si Light. Ngumiti naman ako dito dahilan para mapakurap-kurap ito saka ito ngumiti.

"Hi. Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita." Tanong nito.

Tumango naman ako at ako naman ang sunod na nagsalita.

"Bago ka lang din ba dito? Ngayon lang din kasi kita nakita eh." Saad ko dahilan para manlaki ang mga mata nitong kasama ko at ng mga kasama nito.

At ang mas ikinagulat ng lahat ng tumawa ito. Saka ito nakangiti ng malawak na tumingin sakin.

"You're funny, I like you." Natatawang usal nito.

Naiilang na ngumiti naman ako dito.

"Hehe pasensiya na ho pero wala akong gusto sa inyo. Tropa ho pwede pa." Saad ko saka ko Tinaas baba ang kilay ko dahilan para mas lalo itong matawa.

Sa pangalawang pagkakataon na pagtawa nito ay dun lang parang nabalik sa ulirat itong mga kasama ko at yung kasama ng kausap ko. Mabilis na kumapit sakin si Dianne at nahihiyang ngumiti kina Kuya Light at nagpaalam dito.

"Al'right, I hope I see you again Blue." Nakangiting usal nito.

Tumango-tango naman ako dito at sumaludo pa bago ako hinila nina Dianne papunta sa gymansium. Pagkarating namin dun ay saka lang nila ako binitiwan at nakahinga pa sila ng maluwag. Ang OA naman ng mga ito.

Humarap sakin si Dianne at saka ito nameywang na parang nanay.

"Alam mo ba kung gaano kami kinabahan kanina dahil sa ginawa mong pakikipag-usap kay Kuya Light!" Pasinghal na saad nito.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa inasta nito.

"Bakit? Pano ba dapat ako makipag usap dun?" Tukoy ko kay Kuya Light.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now