TLLBD #2

3.8K 95 1
                                    

*Blue Pov*

Naghahanda na ako ngayon sa pagpasok ko sa RHA (Royal High Academy). Nag e-mail kasi sakin ang paaralan at sinabi nilang nakapasa ako sa exam at maaari ko ng ma avail ang scholarship ko pero bago iyon ay kailangan ko pang pumuntang Dean's Office ngayon.

Nakatingin ako ngayon sa harap ng salamin habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot lang ako ngayon ng white polo na tinupi ko ang manggas hanggang siko na pinaresan ko ng black jeans at white rubber shoes ko. Wala naman kasing uniform ang paaralang pinapasukan ko. Kahit ano lang naman ang sinusuot doon. Ewan ko nga kung bakit.

Tinali ko ang buhok ko into ponytail saka ko kinuha ang backpack ko at lumabas na ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko si Tatay na mukhang naghahanda na rin sa pag-alis. Lumapit ako dito at humalik sa pisngi nito.

"Tay mauna na po ako." Paalam ko dito.

"Mag-ingat ka." Paalala naman ni Tatay.

Tumango ako dito at lumabas na ng bahay. Isang linggo na ang lumilipas simula ng manirahan kami dito at masasabi kong nag eenjoy din ako dito kahit papano. Mabait din naman ang mga tao dito, nakakasundo ko rin ang mga tambay dito. Nakakabiruan. Hindi rin naman sila mahirap pakisamahan.

"Oh blue, saan ang punta?" Tanong ng isa sa tambay na si Noel.

"Sa Paaralan. First day eh, kailangan pumasok." Sagot ko dito.

Saka nakipagkuwentuhan pa ako sa kanila sandali habang naghihintay ng masasakyan at nang dumating na ang bus ay nagpaalam na agad ako sa kanila.

"Oh siya, mauna na ako. Mamaya nalang ulit tayo magkwentuhan." Saad ko.

"Mamaya nalang ulit." Saad ni Jake at kumaway pa.

Kumaway din ako dito bago ako tuluyang pumasok na ng bus at umupo doon. Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa Royal High.

Pagkababa ko ay sumabay na ako sa mga estudyanteng papasok ng academy. Dire-diretso lang ang lakad ko at saka ako dumaan sa registrar office at kinuha doon ang lahat ng kakailanganin ko. Kasama na ang ID ko. Nang makuha ko na iyon ay nagpasalamat na ako dito at umalis na.

Pero imbis na dumiretso sa unang klase ko ay pumunta muna ako sa Dean's Office, tulad ng nabasa ko sa e-mail. Sinunod ko lang ang map na binigay sakin at ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa harap ng Dean's office. Huminga ako ng malalim saka ako kumatok.

Bumukas naman agad ang pinto at nakita ko doon ang isang babaeng hindi nalalayo ang edad sakin. Tumaas ang kilay nito saka ako nito tiningnan mula ulo hanggang paa.

"What do you want?" Mataray na tanong nito. Bitch.

Hindi ko pinansin ang pagtataray nito at seryoso akong tumingin dito.

"Pinapapunta ako dito ni Dean. Gusto akong makausap ni Dean." Saad ko.

"Dean is not here. You can leave now." Pagtataray nito at isasara na sana nito ang pinto nang iharang ko ang paa ko dahilan para hindi nito masara ang pintuan ng tuluyan at tumingin ito sakin ng masama.

"I said Dean isn't here. Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?!" Saad nito at nagtaas na din ito ng boses.

"Hindi mo ba siya pwedeng tawagan. May pasok pa ako at naghahabol din ako ng oras. Kaya kung pwede lang, paki contact naman ang Dean." Saad ko.

Tuluyan na itong nairita saka nito sinara ang pintuan at lumabas ng office.

"You know what b*tch, umalis ka na pwede! Nakakaistorbo ka!! Marami pa akong gagawin sa loob." Galit na usal nito pero hindi ako nag paapekto dito. Wala naman akong pakialam dito at si Dean ang pakay ko.

The long lost billionaire's daughterWhere stories live. Discover now